ipagpaumanhin mo kung sa tingin mo ay di ako umayos ng kilos.hindi ko alam kung ayaw ko sa nangyayare o sadyang hindi ako sanay.
kaibigan.kilala mo ko.kung mahal mo ang isang tao,mahal ko na rin.kung napapasaya ka ng taong yun masaya na rin ako.pero sadyang iba ang mga bagay bagay ngayon.ang taong tinutukoy ay kaibigan ko rin.alam mo naman siguro yon di ba.ayos naman siya bilang kaibigan e.sa katunayan, pilit kong ibinabalik yung mga bagay na meron kami dati.kaya ko ginawa iyon dahil sa pag aakalang nagbago ang lahat.dahil akala ko, nag iba siya.
pero nagkamali ako.at dumating ang oras na kinatatakutan ko.ang bumalik ang pagkakataon na pinatutunayan niya sa akin na hindi siya ganun.dahil magkaibigan kami, pinilit kong burahin sa isip ko yung mga bagay na iyon.ayoko na ng away e.tama na.isa pa.naging kaibigan siya sa aken.ayoko siyang saktan.pati ikaw.
pero, hindi ko alam.naiinis ako.basta merong lalaking darating[or wateberr] sa kanya.nag iiba ang ugali niya.naalala mo ba yung huling sinabi ko tungkol sayo, sa inyo,"ayoko ng magsalita.ayoko nang makielam".pero habang pinapairal ko ang batas na iyon sa sarili ko, lalong tumitindi ang mga pangayayari.kaibigan, tulad ng sinabi ko sa iyo sa unang bahagi ng post na ito, ang mahal mo, mahal ko.kung masaya ka, masaya ako.
at dahil sa katotohanan na iyon.ayokong plastikin ka.ayokong kausapin ka at sabihin na ipagpatuloy mo kung anuman yan kahit sa loobloob ko naman e alam ko ang katotohanan.
kaibigan.mahal kita.alam mo yan at hindi kailangan pang ulit ulitan pa yan.buongbuhay ko ikaw lang ang natitira pag silang lahat umalis na.ikaw lang ang nakakaintindi sa akin.kaibigan sa pagkakataong ito.ginagawa ko lahat para intindihan ka.at siguro itong hindi ko pagkausap sayo ay isa sa mga paraan ng pag intindi ko.
hindi ko alam kung maiintindihan mo talaga ako.pero kung talagang masaya ka sa kanya.huwag ka sanang magbabago ng isip.isipin mo ang kaligayahan mo.pero huwag mong asahan na magiging ayos lang sa akin ang lahat.kasi mag iiba.mag iiba talaga.
hindi kita pinapapapili.hindi ko talaga alam adrian.siguro, palilipasin ko na lang muna.
....................................................................................
jusko.drechong tagalog un.ewan.basta.dahil siguro tlgang seryoso ako.basta.basta.otistik lang talaga.