Tuesday, December 02, 2008

"IN"

Sa tuwing uuwi ako galling sa school ko, lagi kong nadaraanan ang “elite” na parte ng Vito Cruz. Ano yun? Yun lang naman yung grupo ng mga gusali kung saan may nag-aaral na libo-libong estudyante. Eto rin e isa sa pinakamalalaking unibersidad sa Pilipinas. Walang iba kundi ang De La Salle University. Sino ba naman hindi nakakakilala sa unibersidad na ito diba? Sabi ng iba, grabe daw ang traffic sa Vito Cruz na idinudulot ng unibersidad na ‘to. Puros sasakyan kasi ng mga mag-aaral ang nakaparada sa kahabaan ng Taft, kaya nagkakaroon ng traffic. Pero sa ngayon, wala akong karapatang magreklamo, dahil di naman ako naapektuhan ng trapik na ‘to. Isa pang kapansin-pansing katangian ng unibersidad ay ang kasuotan ng mga mag-aaral dito...

Anu pa ba, edi yung mga suot nila. Sa tuwing uuwi ako at may makakasalubong o makakasabay akong maglakad, masasabi ko kaagad kung lasalista ba siya o hinde. Hindi ko alam kung anung taglay ng mga taong nag-aaral dun, pero ‘pag tititigan ko kasi, madali na malaman kung tagadun ba siya sa unibersidad na yon. Marami ring napapahanga sa kanila, kasi kahit iba’t iba yung suot nila, alam mo parin, La Salle yun. Merong mga nakapormal, mga parang pupunta araw-araw ng party, simple, at yung mga taong ang suot e para lang talaga sa pagpasok. Ewan ko talaga eh, pero tindig pa lang –malalaman mo na.

Hindi ko ginamit ang mga lasalista dito pero siraan o purihin. Pero sa kasalukuyann, nagiging “common” na yung ganitong ugali, yung panghuhusga natin ayon sa suot ng tao. Ang taong sosyalin pumorma, cono, ang taong kakaiba pumorma emogothicpunk o kung anuman, ang taong simple lang, jologs at kung anu-ano pa. Meron namang mga tao na dahil sobra kung manlait sa suot ng iba e tumitingin pa sa internet kung ano dapat ang isuot, makibagay lang at di lang mapulaan. Hindi ko sinisiraan yung mga ganitong tao, pero may iba lang na kasi na ang dahilan sa ganitong gawain e para hindi makita ng iba ang kung ano siya. Ano ngayon, kung magaling siya pumorma? Anop ngayon kung branded ang suot niya? After all, wala ring magagawa yung mga damit na yon sa pagkatao niya, pero yun nga, sa panahon ngayon, masyado nang nagging expressive ang kabataan. Sinusuot nila ang kung ano ang tingin nila e maganda.

Magulo ako magsulat. Kaya nga sa madaling sabi, ganito na lang. Hindi ko alam kung hanggang ngayon e may uso pa sa sinasabi ko. Ang alam ko lang, sinusulat ko kasi yun yung napapansin ko. Yun yung laman ng isip ko at yun yung produkto ng likidong tumutulo ngayon mula sa utak ko. Sawa na rin kasi ako sa pagsulat ng puro sa pangyayari sa buhay ko lang. May diary na nga ako e. May blog pa. Ayokong maging interesante sa iba ang laman ng blog ko dahil puro chismis yun. Wala rin akong pakielam kung may nagbabasa ba o ako lang talaga ang bumabalik balik sa mga gawa ko. Basta ang gusto ko, ang espasyong inaarkila ko sa internet ay akin. Wala nang paki ang iba kung anong gawin ko.

Pero ewan pa din, minsan kasi gusto ko ring magpapansin. Magulo talaga. Pero at least this time, alam kong may magbasa man, hindi dahil sa chismis tong pinaggagagwa ko. Kundi produktop ng... okay. Masyadong mahaba para ulitin.

Hay. Paalam muna sa ngayon, mahal kong mabait na pakielamero:]]