Kinausap kami ni ate Rhea nung kahapon ( June 16, 2010). Hindi ko alam kung anong nangyari. After nung pag-uusap, umiyak ako ng umiyak kay Jeng. Sa either napakaraming dahilan, o dahil sa hindi ko talaga maisip kung ano yung dahilan.
Pinamuka niya kasi sa akin na ako na talaga ang Presidente ng BSA-ISO. Ako na mag-iisang taon pa lang sa org at 2nd Year pa lang sa PLM. Hindi ko alam kung ano talaga yung point ng pag-iyak ko. Siguro una, dahil sa nung kinausap ako ni ate Rhea, pinamuka niya sa akin kung gaano ako naging kairesponsable sa isang bagay na ipinipilit nilang mangyari sa residente. Sa isang bagay na hindi ko tinanggap kasi ang lala ng naging problema sa loob. Pangalawa, dahil isinampal niya sa akin kung gaano kalaki ang responsibilidad ko, sa lahat at bawat Bukluran sa Pamantasan. Naramdaman ko kahapon yung sobrang bigat na pakiramdam na sa sa panahong to, lahat lahat sila, nasa mga balikat ko. Hindi lang ang pangalan ng Org kundi ang bawat tao rin na nagdadala sa pangalang yun. Pangatlo, dahil sa hinaba ng panahon na ginugol ko para sa Bukluran, at sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko, kulang pa din pala ang lahat ko. Na wala pa pala siya sa katiting na kailangan ng buong Organisasyong hahawakan ko. Pang-apat, connected sa pangatlo, ang taaaaaaaaaaaas ng tingin sa akin ng karamihan pero sobrang nahihiya ako kasi hindi ko alam kung may napatunayan na ba talaga ako. Ang sakit kasi na lahat ginagalang ka sa mga bagay na akala nila ikaw talaga, pero hindi pala.
At habang nagtatype ako, narealize ko na lahat nagboil down lang sa ibang bagay, na naging sobrang duwag akong harapin ang katotohanan. Na sobrang natakot akong yakapin ang isang posteng matagal ko na palang piunanghahawakan.
At sobrang gumaan ang pakiramdam ko ng kinausap ko kanina si Noli. Alam kong sobrang problemado siya sa SSC, pero hindi ko na napigilang magtanong sa kanya. Sa lahat naman kasi ng tao sa Bukluran, siya. Siya talaga ang tunay na alam kong nakakakilala sa akin. Siguro hinintay ko lang yung pagkakataong sa kanya na mismo manggaling yung mga salitang sobrang kailangan kong marinig para magsurvive. Siguro dahil kung hindi nanggaling sa kanya yun, iba ang magiging epekto sakin, so in short, siya lang naman yung taong hinintay kong magsalita sa mga bagay na nangyayari ngayon. Ayun.
Siya yung nagsabing kasi kung ayaw ko talaga, pero para sakin naman, mapupunta at mapupunta sa akin. Na kaya ko kasi magaling ako. Kasi kaya ko. Na kasi mas magaling ako sa lahat ng natira kaya ako. Nung sinabi / tinaype niya yung mga bagay na yun nagsimula akong umiyak at nagsimula kong iopen sa kanya lahat ng bagay na bumabagabag sa akin.. Hindi naging ganun kahaba yung pag-uusap namin tuld nung kay Jeng pero gumaan ng sobra yung pakiramdam ko after nung pag-uusap.
Hindi dahil bonggang bongga yung pagpuri niya sa akin kundi dahil dun ko narealize na nagtitiwala siyang kaya kong gampanan ang naging papel niya. Sa buhay ko sa Bukluran, wala ng exact na word para madefine ko kung ano na ba talaga siya sa akin. Pero yung simpleng bagay na alam kong pinagkakatiwalaan niya ako, sobrang laking bagay na nun.
Hindi pa din siyempre natanggal yung problema niya sa SSC, pero okay na ko. Haha. At least, ngayon, mas go akong tumulong kasi MEDYO naresolba ko yung sarili kong issue. Wala. Ayun.