kapag ang bagay, first time mo palang ginawa.anung feeling?
sa pagkakaalam ko pag first time mo, exciting pero nakakatakot rin. parang ang saya pero kinakabahan ka dahil baka matapos kagad.nung first time kong lumipad excited ako at gusto kong tumagal dun sa pinuntahan ko.pero nung uwian na..marami nang nangyari na hindi ko alam kung bunga ba ng first time na yon.ung first time ko mag blog excited akong mapublish ang buhay ko.un bang feeling ko sikat na ko. kase may blog ako kaya nga noon kahit anong mangyari inglesan kasi alam kong nababasa ng iba, kaya nung dumating sa point ng pagbblog ko na sawa na ko tumigil ako buti na lang at sa ngayon e minahal ko ang blog ko dahil sa napakaraming rason.
nung first time ko maghighschool (sa madaling salita nung nagfirstyear ako) pakitang gilas.lahat na ginawa ko mapansin lang.pero ngaung fourth year na.ayaw ko nang magpapansin sa iba ang gusto ko na lang.may mapatunayan ako sa sarili ko.at yun ung ipagyayabang ko pagdating ng panahon.
nung first time kong alam mo na "magdalaga/magmahal/magkacrush/mapraning/masiraan at kung anu ano pa, excited ako.gusto ko maging masaya sa araw araw ng buhay ko.kinulong ko ang sarili ko sa isang karton na iniisip at pinapangarap ko dati na sana poreber na.ang problema--hindi lahat poreber.para akong bata, umaasa lang kasi ako ngayon sa santa claus na tuwing pasko lang nagpaparamdam sa akin.yun pa ang masaklap nagpaparamdam lang siya..hindi pweeng 100%.pero kahit ganun dun ako sumasaya at sa ganung paraan ako napapasaya ng santa claus ko.
nakakalungkot lang isipin e.alam kong hindi totoo ung santa claus na yun at kahit kelan hindi magiging totoo.alam ko rin na sa paniniwala kay santa claus gumagawa ako ng sariling kwento para paniwalaan ko.pero anong magagawa ko?dun ako masaya..mahirap man sabihin.
sa ngayon, dahil nasimulan ko nang ikumpara ang sarili ko sa isang bata.gusto ko nang lumaki at magmature ang isip. matamis daw ang pagiging inosente--oo at sobrang saya ang masakit lang hindi ka talaga inosente ginagawa ko lang inosente ang sarili ko para magkaroon naman ng tamis ang buhay ko. kaya sa likod ng tamis..may pait at mas mapait yun.parang bittersweet ba.ganun.
gusto ko nang tumakas sa lahat ng pinaniniwalaan ko.gusto ko nang tanggalin sa isip ko na may pag-asa pa ako.ayaw ko nang isipin na pwede pa kami dahil unti unti nang naoovercome ng pait yung tamis (nagegets mo?) gusto kong ayaw nang maniwala e.pero magulo pa rin basta..
masyado na akong maraming sinasabi.pero sa ngayon tulad ni rvin este pinapangarap ni rvin SUPERHERO~ ako.makakaya ko rin to:]]