[NIKO ang title ng post dahil wala akong maisip na title:)]
Magandang gabi. Hayup. Ako rin ang sumira sa sarili kong prinsipyo. Amp talaga. Pero okay na yan. Blog ko naman to e. Ako ang bahala sa lahat. Walang pwedeng makielam bukod sa pakielamerong si Arvin.
Wala na namang matinong bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Maliban siguro sa pag-aaral, pakikipagkaibigan, ang pasko, at ang paglande.
Pag-aaral. Naman, kinakailangan ko nang sumeryoso sa pag aaral. Hanggang nung nakaraang buwan kase, dala pa rin ng Taiwan yung utak ko. At siyempre, yung mga araw na hindi uso sa ken yung mag-aral kase excuse ako buong araw. Kailangan ko rin kasing bumawi. P*ta. Sa apat na taon ko sa Masci, ngayon lang ako nawala sa top ten [hayup.yabang!] maliban nung first year na tahanna naman talaga ng copper ngayon.
Pakikipagkaibigan. Siyempre, under sa topic na 'to ang Hertz at Franklin. Ayos nga e. Hectic ang sched ko sa Christmas. haha. Sunud-sunod na walang pahingang Christmas Party. Grabe talaga. Pero ayos lang naman. Masaya naman ang Hertz e. Siyempre pati ang Franklin. Enjoy talaga ako sa mga taong ito ng aking buhay. Haha.
Pasko. Hindi ko alam kung anong iisipin e. Kung magiging masaya o maiinis ba ko. Ngayong Pasko. Masaya dahil Pasko, maiinis dahil sa dami ng kaibigang obligado akong regaluhan. Naisip ko nga na sa January na magregalo e. Para marami nang pera. Pero, swerte ako, dahil andyan ang milyunarya at pinakamamahal kong kaibigan na si Karla na handa akong hatian sa common friends namin. Grabe talaga ang gastos. Amp. Tapos ang galing ko pa, ni isang regalo, wala pa akong nagagawa. Hyess. haha.
Lande. Si Niko ay parang tanga lang. haha. Kawawang Niko. Grabe o. Napagbintangan pang si Tomasa yung nagnanasa sa kanya. Kawawang Tomasa. Buti na nga lang, dalawa lang ang nakakaalam e. Si Ellaine at Tomasa. Hindi pa naman kumakalat, kaya mahal ko ang dalawang to. Pero, naisip ko rin, parang wala sa isip ng taong 'to yung mga ganung bagay e. Tingin nga lang ata saken ne 'to e KUMPARE niya. Pot*. Haha. Tawa. Tawa.
Tawa ulit. ComShop ako ngayon. Hayup ang computer e. May "sakit" daw sabi ng nanay ko. Sige. Gudnight~