Binago ko na ang blogger ko.
Siguro dahil na rin sa maraming dahilan. Anuman ang mga yon, sasabihin ko rin pag sinumpong na ako ng kasipagan. Hindi ko rin alam, pero baka maya maya lang, dumating na rin yon.
Unang pagbabago. Ang bagay na akala ko noon ay ang pinakamahalagang bahagi ng blog, ang tagboard na karaniwang cbox o shoutmix. Totoong, malaking kawalan talaga ang tagboard. Paano ka nga naman makakausap ng mga taong dumadaan, nagrereact naninira o kung anuman sa blog mo kung wala kang tagboard? "Wala talagang thrill" --sabi ng iba 'pag walang tagboard. Inaamin ko, masaya talaga pag may tagboard, pero ngayon na realize ko na kahit wag na.
Para sa'kin naman kasi, hindi kasing halaga ng tagboard ang laman ng blog ko. Sa henerasyon ko kasi, ang halaga ng tagboard minsan, wala lang. Nagkikita naman kayo, nagkakausap, nagkakatext, nagkakachat. So, para saan pa ang tagboard di ba? Kung gusto nilang magreact, magcomment, kung gustong manira magcomment, pero kung dadaan ka lang para tingnan kung may CHISMIS sa blog ko, i-PM mo na lang ako. Tapos, mag usap tayo.
Hindi ko alam, pero siguro, tinamad na akong magkwento ng sobra sobra tungkol sa buhay ko o kaya magspill ng chismis tungkol sa ibang tao. Yung nauna, pwede kong isulat sa diary at makipagchismisan sa mga kaibigan. Yung pangalawa, ganyun din. At tsaka, naisipan ko rin na paandarin ng konti yung ilang bahagi ng utak ko na unti-unti nang kinakalawang. At least, wala mang kwenta, ummm, masaya pa rin. At hindi lang siya basta basta kinalawang sa loob ng noo ko.
Okay lang din naman sa akin kung wala kang pakielam, ang mahalaga, tinry mong bumisita.
Pangalawa, Sobrang simpleng layout. Ayoko lang safya makipagsabayan. Sariling gawa yung layout at napaka plain na lang. Tulad nung tagboard, alam ko rin na hindi kasing halaga ng layout yung laman, kahit na kahit konti e nagpapakita yun ng personality nung blogger. Simple ang layout ko hinde dahil sinasabi kong simple ako. Simple ang layout ko dahil hindi ako tulad ng magagaling, sikat at masyadong nakikibagay sa uso na mga tao. Paulit-ulit kong sasabihin, sa ngayon, nagblog ako dahil gusto ko namang bigyan pansin at oras yung kinakalawang na bahagi ng utak ko wala nang iba PERIOD.
Pangatlo, bago ba 'to? May links pa din. Wala lang, dahil gusto ko pa ring magbasa, ayun, nilagay ko ang mga links. Pero this time, yung mga active links na lang muna.
Sabi na nga ba e. Hindi magtatagal yung sipag. Tinatamad na ulit ako. Kaya ayun. Goodnight~