Hindi ko alam kung paano sisimulan ang aking post. Pero, umm. Ganito na lang
May kaibigan ako. At masaya siyang nagmamahal ng isang babae (so, lalake siya, malamang) Pero siyempre, unfair ang mundo, hindi porket mahal na mahal mo ang tao, sayo na siya. Kahit pa tapat ka sa kanya kung ayaw niya, wala talaga. So ayun, mahal niya talaga ang babae. Marami rin naman ang sumuporta, tumulong at nagpayo sa kanya ng kung anu-ano. At syempre ako, hangga't kaya ko siyang tulungan, tutulong talaga ako.
Pero, may isang pangyayaring hindi inaasahan. Konti lang ang nakakaalam nun. Ewan ko ba, pero feeling ko, hindi talaga tama na isa ako sa mga "konting" taong nakakaalam. So, gusto ko mang sabihin kaagad dun sa kaibigan ko yung mga nalalaman ko. Pero, sinubukan kong pigilan ang sarili ko. Ayokong manguna, at hindi tama na sa akin niya marinig yon. Salamat naman at nagbunga ang medyo pag-iwas ko sa mga tanong niya ngayong araw na 'to. Yung taong involve ang umamin at nagtapat sa kanya.
Alam ko, hindi masarap ang katotohanan. Swear. At alam ko ang sakit na dinanas at dinaranas niya. Nung magkausap kami, umiyak siya at naglabas ng siguro ay wala pa sa kalahati ng lahat ng nararamdaman niya. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam ang sasabihin sakanya. Bakit? karaniwan kasi ng mga lalaking nakakausap ko ng ganung bagay, kelangan mo pang sermunan, batukan at kung anu-ano pa para lang isaksak sa isip niya yung mga bagay na sa tingin ko e tama. Pero yun nga. Humanga ako ng sobra-sobra sa taong ito. Hindi ko alam ang sasabihin kasi alam na niya yung nasa isip ko. Malawak ang pag-iisip niya. Hindi siya yung taong dahil nasaktan e reresbakan, uupakan at magaglit ng bonggang bongga sa nakasakit sa kanya. Nagparaya siya, at hindi niya kinulong ang sarili niya sa sarili niyang galit. At ang maganda pa sa kanya, hinangad niya ang kaligayahan ng taonginvolve sa kanila. Grabe ang taong ito.