Friday, November 21, 2008

SNUFFBOX.KFC.FRANKLIN.LOVE

bago ang lahat.isang maligayang bati kay ms. ellaine dela cruz. Ang pinakamagandang babae sa ibabaw, pati na rin sa ilalim ng lupa~

Ansaya talaga ngayon. Bukod sa birthday nga ng DYOSA e marami (mejo) ding nangyari. Una. Carol Fest. Pagkatapos ng dalawang araw na pagpapraktice, ayun, dumating din sa moment of truth. Nakakatawa nga e. Nagpaexcuse pa kami sa halos lahat ng subject ngayong araw. Siguro sa isang buong araw na to, English lang (with DUMAUALbeybeh) ang matinong klase. Yung mga sunod. Joketime lang. Nakatambay lang kami. Hindi rin naman maituturing na klase ang Finite. Pano ba naman. Summative test lang naman ang ginawa namin dun. Tapos itong si Mrs. jacob naman, may bagong alagad. Buti na lang wala din siya. Ayun. Nagpraktice lang din kami.

Ang nakakainis lang dun sa Fest, 2:30pm ang simula "daw". Nakakainis lang kasi 1:00pm nagsimula. Joketime talaga. Pero okay lang. Ang ipinagdadasal ko lang talaga, makapgpresent kami ng maayos. Ayaw namin (mostly) manalo talaga. Kasi naman po. Pahirapan na naman sa practice. Dininig naman ako ni Lord. kaya hindi kami nanalo, pero at least, nakapagpresent kami ng maayos. At, sabi nga ni J.A. kanina-- "buti na lang, alam na natin na hindi tayo yung least" haha. Napakatino talaga mag-isip ni Agaton. Pero mabuti na rin at hindi kami nanalo. Inenjoy namin yung napakaraming times na walang klase:]]

Speaking of J.A., nagpakitang gilas na naman ang lalake. Sa oratorical...hayup talaga. Sure win na siya. haha:]]

Tapos, dahil birthday ni elena, ayun, nanlibre ang DYOSA sa KFC sa Rob. Ansaya nga e. 10 out of 16 girls ang magkakasama ngayong araw. Sobrang nag enjoy kami dun. Lalo na dun sa "SNUFFBOX". E tapos, nahiya naman ako ng konti kay ellaine. Napag-isip isip ko tuloy na magregalo sa kanya. Kahit ambag ambag kami. Ang kinalabasan--cake for ellaine. Hindi na namin kinain, kay ellaine na yun. Masyado kasi kaming nabusog sa SNUFFBOX ng kfc.haha. Expected na three fourths din ng boys e andun. Kaya after kumaen, nagkitakita kami sa Gbox. Saglit lang sila EDGAR. Ang nagtagal lang, sila Jaycee, J.A., Erald at Dan. Pero ang nakasabay lang namin umuwi si Dan at Jaycee.

Ansaya talaga ng franklin. Muka pa kaming sira sa Gbox. Tilian ng tilian at sigawan ng sigawan. Nakakatuwa talaga. Lalo na ang girls na sina-- mama velina, ivonny, vernisse, ellaine, faylogna, tomasa, jael, pinar, jennylyn. Nga pala. kami ay anak ni mama velina:]]

Natuwa din ako dun sa boys kanina. Haha. Joketime si J.A. at Erald at Jaycee at Dan. Joketime din si Edgar at Erald[ulit] nung practice. Basta masaya.

"Alam mo yung masaya? Yon. Masaya pa dun."[kinopya lamang~]

SNUFFBOX.FRANKLIN.LOVE.

---wait.maglalandi ako. May crush crushan ako. at yun ay papangalanan kong si batangx. haha.hulaan mo mehn:]]

---nga pala. Ang SNUFFBOX ay isang ancient na bagay. Natutunan namin yan sa English kanina e. Tapos, nung nagidiscuss na-- sabi ni erald, "Di ba yung SNUFFBOX yung sa kfc?". hahaha. Kakaiba ka eraldo.

hai.isang masayang gabi sa inyong lahat.