Wednesday, December 17, 2008

Naguguluhan ako.

Ambilis ng mga nangyari. Umalis siya. Tapos nagkaroon ako ng Niko. Tapos bumalik tapos nawala na si Niko dahil bumalik siya. Nangyari ang lahat sa 2 oras na usap. Ambilis talaga. Napaisip tuloy ako at buti na lang andito ang blog ko upang damayan ako.

Si Bespren ay dati ko ng minahal, pinangakuang handang maghintayan. Sinong umalis? Pareho. Sabay at pareho ang desisyon namin sa bagay na 'yon. Kaya walang pwedeng sisihin. Dumating ang panahon na humanga ako kay Vincent Sales at Egay Fojas. Pero wala silang kinalaman dahil hindi naman sila umabot sa punto na tulad nung kay Bespren. Wala silang ginawa, ganun din ako. Kaya, sa buong kwento, wala talaga silang kinalaman.

Pero shit, napaisip talaga ako bigla. Ambilis e no? After two hours, bumalik ang lahat. Grabe talaga, dahil dun nawala si sakristan at si Niko na nasabi ko na ang totoong pangalan tapos, ngayon lang ako mag-iisip ng matino? Pota talaga. Para na 'kong tanga.

Hindi ko tuloy alam kung pipiliin kong ibalik ang nawala o pangitiin ang sarili ko sa pamamagitan ni Sakristan at Niko.

Ina naman.

Kalandian.

Christmas Parteeeey.

Araw na ng kasiyahan. Christmas Party na:]]
[Kasalukuytang inaatake ng sandamakmak na virus ang computer habang ginagawa ko ang post. Kamalasan nga naman. Pot*]

Dahil sa napakaraming dahilan ng MaSci, pumasok ako ng nakauniform at school bag. Pero ang laman ng bag ko, DAMIT. Haha. Hindi bago yun. Gusto ko lang talaga i-share. Tapos, dahil pa rin sa napakaraming arte ng magaling na principal, nagkaroon pa ng tinatawag niyang "school party". Grabe nga e. Parang school party minus carol fest contestants minus fourth year students. Pero sa nakita ko, medyo nagsaya naman ang copper so, baka kasama sila sa party. Haha. Joke po.

Tapos, sa takot namin kay Sir Bang, ayun, naghintay pa kami ng mga kalahating oras bago kami nakapasok ng tinatawag naming "homeroom" namin. Ginalit kasi namin siya. Kaya nga nung una, akala namin, walang party na mangyayari. Pero, hindi niya kami natiis. Pinapasok niya kami at natuloy ang party. Halos lahat ng mga naunang tao ng Franklin, nakauniform maliban ata kay Egay na todo porma na nung pumasok. [Wag ka, kung kasali ang portyir sa party, malamang nanalo yan dun sa pageant nung party nila. Haha. Diba Mama Velina?] Yung ibang boys kasi na nauna pumasok, masyadong mababait, nakauniform at isa na sa mga sinasabi kong mababait ay si Imman. [Pota. kasinungalingan na naman.haha.] Dumating na rin yung ibang lalaki na nakacivilian na.

Masaya yung party. Natuwa ako sa Trip to Jerusalem na Linnaeus-Hertz-Sir. Apejas-Ma'am D style kung saan pinakita ni Jennylyn Vicente ang pagiging agresibo niya. Haha. Tawa. [Akalain mo yun, hawak ko na yung zipper ni Arvin e. Pinalo pa ko at nakipag-agawan pa? Feeling ko tuloy, napalo niya yung ano ni Arvin e. Haha. Kung ako si Arvin at may nag-agawan sa zipper ko, tatakbo nako. Haha ulit. Tawa ulit.] Natuwa din ako sa mga tawa at ngiti ni Sir. Bangayan na nakakaloko talaga. Grabe pag ngumiti yon, iisipin mong nakikipaglokohan lang siya. Pero Cute naman. Kaya okay lang. Haha na naman. Tawa Ulit. [Dagdag tungkol sa pagiging agresibo ni Jen, pati si Sir, dinakma. Talagang kinorner pa!]

Natapos ang party na pare-pareho naman yata kaming nakuntento. Hindi lang kasi puro tawa. Kinilig din kami kay Arvin at Pinarr. At Javier at Ivonny:]]

Galaan na yung kasunod na kwento. Pero bago matapos ang kwento ko sa mga pangyayari sa MaSci, idadagdag ko na muna na nakita ko na naman ang kagwapuhan ni Miguel<3 Hyess. Wala talaga siyang kupas, un nga lang, hindi natupad ang isang wish ko na may kinalaman sa kanya. Sikreto ko na lang yun.

Naggala na naman kami [franklin]. Nagsaya at kinalimutan muna ang mga problema kahit saglit lang[kung meron man] Ngunit natapos din ang araw at kanya-kanya na kaming bumalik sa mga baha namin. Nakasabay kong umuwi si Mama Velina at nagkwentuhan kami. Tapos, umuwi na ako at inabutan ang Mama ko. [yung original. Haha]

Oo nga pala. Wala na kami ni NIKO. Ay, este wala na pala si NIKO. . Napag-isip isip ko kasi na palalakihin ko muna siya. Haha. Masyado pang bata e[ang itsura] Basta. maraming Rason. Sabihin na lang natin na may bumalik. Ganun. Haha. Si Bespren:]]

So, yun lang. Mahal kita Bespren:]]