Hindi naging madali para sa akin ang pumasok sa College. Pero sa lahat ng mahirap na nagawa ko, itong panahon na ‘to yung pinakamahirap. Lumaki ako sa isang Organisasyon na humubog sa kung sino o ano ako ngayon. Mag-iisang taon na rin siguro ako, at kahit kalian, hindi ko pinag-sisihan yun, sa katunayan, laking pasalamat ko pa sa lahat ng panahong naiisip kong Bukluran ako. At kung may isang tao akong pasasalamatan ng sobra, si Noliver Barrido yun..
Hindi ko siya kilala, isa lang sa mga ordinaryong higher year Orgmate si ‘kuya Noli’ nung unang beses na nakita ko siya. Pero habang tumatagal, hindi na ordinaryo ang nagging tingin ko sa kanya. Dumating yung panahon na naging Secretary – General niya ako, sobrang ikinatakot ko yun dahil First Year pa ko, pero, hindi pala sa dahilan nay un ako dapat matakot. Kung hindi sa fact na hindi isang ordinaryong ‘Org President’ ang makakatrabaho ko.
Pero habang tumatagal, hindi lang siya naging ‘Presidente’ ko. Naging Mentor, Trainer, Kaibigan, Kasama, Kasangga, Kapatid... Hindi lang ako isang beses umiyak nang dahil sa mga sermon niya, at hindi lang ako sa mga sermon niya umiyak. Kung hindi dahil sa napakaraming bagay na itinuro at ipinarealize niya saken.
Madali siyang hangaan, pero mahirap Mahalin. Pero kapag minahal mo na, mahirap nang bitawan ulit. Hindi naging madali ang makasama siya sa maikli ngunit siksik na siksik na panahon. Ang hirap na uling bumitaw, kahit ilang beses nang nasubok yung pagmamahal na yun.
Hindi ko magawang iwanan siya sa mga sandaling alam kong sobrang nahihirapan siya, kasi alam kong mas mahihirapan ako para sa kanya. Pero ngayon, na masasabi kong ayos na siya... Siguro nga, kailangan ko nang bitawan ang kung anuman na pinanghahawakan ko dati, dahil may ibang tao nang pwedeng fumulfill nun o lagpasan pa...
Ayoko lang ng ganitong paraan, sa ganitong panahon.
Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ang blog entry na ‘to. Naglabu-labo na rin mga bagay sa utak ko e.