Tuesday, November 25, 2008

bakit kelangan niyong umalis?

Kahapon lang. Masayang masaya akong nagbabalita. Pero ngayon. Hindi ko alam kung may dahilan pa para ikasaya ko.

Maaga akong umalis ng bahay sa di malamang dahilan. halos naunahan ko panga yung mga kaklase kong never nalate. Kinakabahan din ako nung umagang yon kasi wala akong visuals para sa report ko sa English. Kaya habang papalapit na kami sa Maceda Bldg. lalong lumalamig ang kamay ko. Nung nandun na kami at naglilinis, pumasok si sirDUMAUAL sa kwarto na parang may inaabangan.

Nagdiscuss na. Tinawag niya ako para ireport ang in-assign sa akin. Kinakabahan ako na natutuwa. Natutuwa kasi binigkas niya ang pangalan ko:]]. Pagkatapos ko magreport, ilang beses niya rin akong pinangiti dahil sa muli at paulit ulit na pagbigkas niya sa pangalan ko --na nagsilbing musika sa pandinig ko. Tumagal ang discussion hanggang sa..

"okay, what will you do if someone destroy all your iportant things?"
(walang sumasagot)
"okay, donna, for example jora-jera-jere-jore-JORAMAE tore your papers, what will you do?"
(sumagot si donna)
"Well if I were you, I will burn her notebooks her planner..."

nangiti na lang ako kasi gusto niya pa lang sunugin ang notebook ko. haha. Isa pa. Nanonotice pala niya ako kahit papano dahil dun sa attendance notebook. so bumawi ako sa kanya, dahil susunugin niya ang attendance ng franklin at ibang notebook ko --susunugin ko ang bag niya. Oo. Inaway niya nga ako. Pero, masaya ako sa sobrang hindi masyadong closure na yon.

Naging masaya nga. Pero pagkatapos nun Sinabi niyang last week na niya to. Ngayon, kelangan ko pa bang sabihin kung anong nararamdaman ko?

batangx. pero kanina pag-uwi ko, imbis na masiyahan ako sa tawag na natanggap ko, halos maiyak lang ako. Aalis na siya, papuntang Australia kaso FOR GOOD na. Sana sinabi na niya ng mas maaga para sana hindi umabot sa ganito. Mas masakit sa loob.

"Kelangan kong umalis"
(*tears*)
"Sorii."
"Bye. Mag impake ka na. [binaba ang fone]"

Sa pangalawang pagkakataon --kelangan ko pa bang sabihin ang nararamdaman ko?

BAKIT BA KELANGAN NYONG UMALIS?
sadya akong madrama. At sa unang part --aminin na natin AMBISYOSA.