Tuesday, November 27, 2012

Mistakes and Scars.

Tatlong taon na yung Tumblr ko. So malamang, mas matanda ito. Haha. Narealize ko lang na lahat ng itinatago ko, nandito yung totoong kwento, yung totoong nangyari. Sa takdang panahon, may pagkakatiwalaan ako ng blog na ito, na hahayaan kong makaalam ng lahat.
May isang tao ang wala dito, si Louie. Dumating kasi yung point sa buhay ko na akala ko, magkakaroon na ako ng maayos at matinong relasyon. Yung hindi ko kailangang magtago, yung hindi ko kailangang magpalusot at gumawa ng kwento dahil okay na. Yung hindi landian lang, na akala ko, paghahandaan kong mag-commit.
Matagal ko nang kilala si Louie. Pero kilala lang. Kapatid siya ni JR na crush ko at ni Wina Shi na kalaro ko noong bata pa ako. Itong huling summer (2012) niya lang daw ako talaga napansin. Naaalala ko pa, pauwi ako noon dito sa Manila, habang naglalakad, nakasalubong ko yung mama niya, kinausap ako for a while. Napansin ko siya non, sa may bakod nila, nakatitig. In-ignore ko lang, nung una. Pero nakatitig pa din siya. After namin mag-usap ng mama niya, dumirecho na ako ng paglalakad.
May 26 nun, celebration ng 1st birthday ni Mickel. Kausap ng mga kapatid ko yung mga barkada nila sa Cavite, that time, kasama nung mga barkada si Louie. Nagulat ako nung binigay nila sa akin yung phone, tapos yun pala, si Louie yung nasa kabilang line. Gusto daw akong kausapin.
Nung araw na yun una kaming nagkatext. Nun pa ako bumili ulit ng TnT sim card para makatext siya. Nung una landian at pang-divert lang ng atensyon ang kailangan ko, na naging successful naman. na-divert nga ang atensyon ko, AT UMASA akong seryoso, pero yun nga, landian lang pala.
Pumunta pa siya ng dalawang beses sa bahay nun, nagpakilala kay mama. May isang beses pang pumunta siya sa school, at yung isa pa, nagkita kami sa Robinson's Otis. Tinitext at tinatawagan niya ako everytime. Halos siyana ang naging laman ng bawat 24 hours ko. Wala akong masabi sa effort na ipinakita niya nun, na nagkaroon din naman ng bunga, muntik akong ma-fall.
Hanggang sa nalaman ko na hindi pa rin pala sila break ng girlfriend niya for 5 years. Matagal nang sinasabi sa akin ng mga kababata ko yun, na hindi ko pinaniwalaan dahil sa effort na ipinakikita niya, hanggang sa ako na mismo yung nakakita. Nung unang beses, pinatawad ko pa, halos nagmakaawa pa ako na bumalik siya kahit ako yung nagpaalis. Pero after two weeks, natauhan din naman ako.
Masakit. At honestly, bitter pa rin naman ako. Unang beses sa buong buhay ko na nangyari 'to. Yung maging "other woman" nang wala akong kaalam-alam. Nahirapan ako talagang mag-move on, lalo na't yung taong dating laman ng 24 hours ko, wala na.
Ganun yata talaga kapag ibang tao yung dahilan kung paano ka nakapag-move on, hindi ka talaga makakamove-on. Hindi doon sa tao, kundi sa pakiramdam, sa pakiramdam na dependent sa iba yung kasiyahan mo.
2 months na halos mula nung natapos yung kay Louie. And guess what, we're friends, pati sa FB, yung account for others niya. Kaya nalalaman ko pa rin yung mga nangyayari sa kanya. At guess what ulit, may bago siya, na mas bata ulit, na pustahan, pinag-effortan niya rin ng sobra. Noong una, gusto kong magalit at magselos and everything, at pabalikin siya sa akin. Pero mali. Maling-mali. Hindi pa rin sila break ni Karen, at hindi ko na dapat pang ipaliwanag kung bakit maling-mali yung naisip ko.
Mali nga siguro na magkaibigan pa din kami dahil magiging bitter at magiging bitter pa rin ako. Pero wala eh, ayan na. Mayroon pa ring part na ayaw kong fully iwasan, na hayaan na lang na ganyan. Kailangan ko na lang din sigurong tanggapin na wala, ginago lang talaga ako. At nagpagago naman ako. At hanggang ngayon, nagpapagago pa rin ako.

Post created 2 years ago.