Hindi naging ordinaryo para saken yung araw. kakaiba talaga. Sobra.
Una, call parent ako di ba? Pero yung iniexpect ko na mahabang sermon ulit mula sa aking ina --hindi nangyari. Bakit? Kasi hindi daw tungkol sa academics yung pinag-usapan nila ni Sir Bangayan sa halos 30 minutes daw kasi na magkausap sila ng mahal kong adviser, mga 5 minutes lang yung tungkol sa akala mo e napakalaking problema. haha. Tardiness. Wala nang iba:]] Nagkwentuhan daw sila ni Sir tungkol sa mga pami-pamilya. Si mama, nagkwento tungkol sa biography ko at drama ng pamilya namin. Itong si sir, same thing. Andami ko tuloy nalaman na dark secrets ng teacher ko. Natuwa tuloy ako. kahit pala "engot" ang expression niya, hanga ako sa kanya pagdating sa pamilya. Promise:]] Magaling talaga siya, mapagmahal, responsable ata lahat na. Kung ako siguro nanay ni Sir, naku, mamamatay ako ng nakangiti. Yun nga lang, hindi daw talaga pwede ipagkalat. Sorry mga kaibigan:]]
Pangalawa, pumasok ako ng malakas medyo ang ulan. Walang iba dun pero wala lang, dahil kasi sa basa kami sa ulan, nagulantang ako na mga limang tao siguro ang nagsabi sa ken
na gumagwapo si NIKO. Ay pota. bat Ganun? Pag crush ko na yung isang tao, marami na ring nakakapansin sa taglay niya? Patay tayo dyan. Haha. Pero promise talaga, andaming nagsabi. Yun nga lang, ngiti lang ang reply ko sa kanila para di tayo halata:]]
Pangatlo, YUNG MGA DI SUMAMA SA ROB DYAN, MAGSISI KAYO SA MGA PANGYAYARING DI NIYO NAABUTAN. Si arvin "LIPTON" acantilado sa madamdamin niyang pag-amin ng nararamdaman niya. Sa kanyang pinakamamahal. natouch talaga kami dun. Kitang kita lang naman po kasi talaga ang sinseridad ng unang nabanggit. ipinakita niya, sinabi at ipinaramdam niya kung gaano niya talaga kamahal ang LP niya. Hindi yun yung ordinaryong pagtatapat. Yun yung masasabi ko, karaniwan kasi sa mga lalaki ngayon, porma lang ang alam pag nagtatapat. Peo si Arvin, kaakiba. Magaling talaga tong si Arvin. Haha, ipagpatuloy mo yan, TOL.
Anu pa ba? Wala na. Gusto ko si NIKO.*smile*