Thursday, February 05, 2009

broken friendships.

Pride. Pride. Pride.

Ilang mga pagkakaibigan na ang nakita kong nawasak. Yung isa, halos mag2taong pagkakaibigan, yung amin, halos mag3 taon at yung isa pa, mag 4 taon na. Pero kahit gaano pa nga kahaba ang mga pinagsamahan, ayun, nawasak pa rin. Hindi ko alam kung sa isang side lang ako nakatingin pero sa mga nalalaman ko kasi, puros isa lang ang dahilan --PRIDE. Hindi ko nga alam kung bakit meron nu e. Badtrip. Alam ko namang sa bawat away, hindi lang isa ang may kasalanan, pareho kayo. Pero naman masyado namang common ngayon ang pride? ang pairalin ang ego ng sobra sobra? Hindi ko sinasabing "sila" lang ang gumagawa nun. Ako rin naman e, at si Karla at si Imman, at si Palconit, at si J.A. at sila Jaycee, Erald at iba pang boys. Minsan sa pagkakaibigan, kelangan mong isuko ang lahat. Ang lahat lahat, pero dahil sa pesteng pride na yan, ang mga nasirang pagkakaibigan, baka di na mabalik.

Nakakatakot talaga, pero may magagawa tayo? Human Nature na yan e. Wala na. Pwera na lang kung Makakaya mong lunukin ang buong sarili mo, yun, pwede pa. Pero kahit papano, ayaw ko, ni Imman at ng ibang boys pa ring sumuko sa ganitong problema. Kasi sa kahit UBOD ng laki ng away, may pinagsamahan pa rin kayo e. Kumbaga sa 100% na nararamdaman mo, meron pa rin kahit 0.01% na umaasa kang maibabalik ang mga nawala na. Maibabalik pa kaya? Walang kayang sumagot.

Pero yun nga, graduation na e. Ngayon pa nangyare.