new layout. ewan. hindi na kinagugulat yon. minsan lang ako tumagal sa isang layout. kaya himala yun.natuwa ako dun sa navs e.ayun. kawawang designer ng blog. ayun. busy ako kahapon.soooobra. [dahil di na nagana ng maayos ang utak ko.magkukwento muna ako.]
KAHAPON
pinagtype ako ni ma'am D ng 10 yellow pad na tula. Gudlak. Sa tagal ko sa harap ng computer. E buti sana kung focus ako sa trabaho, e hindi naman. Kaya yun, kasabay ng friendster, multiply, bloghopping, bebo[dahil kay reia] at facebook, pitong oras ako sa harapan ng computer. At grabe a. Masakit sa buong katawan. Kahapon din nagtaka ako sa sarili ko. Ginising ako nung kapatid ko nung umaga kasi habang natutulog daw ako, tawa daw ako ng tawa. Nung una, ang weird talaga. Pero feeling ko may relation yun sa araw ko, ang saya kasi e. Kaya nga lang, e pagdating ng gabi, namroblema ako. Blaklister daw ako sa isang section dahil sa isang kasalanang hindi ko alam kung nagawa ko ba. Nakakinis lang kasi e. Napakaraming mga tao ang binigay mo na nga ang lahat bilang kaibigan, iba pa igaganti sayo [hindi ito si kris o si john marc a]. Nakakinis lang talaga. Tapos, wala pang pakielam sa nararamdaman ng ibang tao at sa kapakanan ng iba. Nakakainis parang lahat ng kabutihan dapat kanya lang. Naging mabait siya sa iba bilang kaibigan Pero, nakaakinis talaga ang ugali niya. Nakaaway ko/namin to dati e. Ngayon, ayoko na ng away. Nagreact lang ako hindi dahil may soooobrangpersonal na dahilan. nagreact ako kasi, yung pinalano kong "hindi makielam" sa kung anumang problema at hindi na madawit sa kahit anong gulo ay nasira. Wala akong sinisisi. Nakakainis lang talaga. [again.walang taong kinaiinisan.]
Mabait si Lord. Kaya niya siguro ginawang masaya ang buong araw ko dahil may problemang darating sa gabi. Pero okay lang. "Kasunod ng pinakamadilim na parte ng gabi ang bukangliwayway" -BOB ONG, Stainless Longganisa.
KANINA.
Kung academics ang pag-uusapan, para akong pumasok ng eskwelahan para kumanta. Maayos naman yung morning classes ng Franklin. Pero sa hapon, Kumanta lang kami ng kumanta. Nakaktuwa lang kasi sa ganung times, nakakapagbond ang isang section. Ansaya talaga sa FRANKLIN. saya talaga~ Nagkantahan, kulitan, harutan, daldalan, landian kami. Masaya kasi hindi puro practice lang. Tapos hindi rin puro petiks. Tapos si Tomasa, chikamate ko. soooobra. Ilang araw na kaming nagkukwentuhan sa mga bagaybagay. Lalu na si HOTGUYacantilado. haha. Si Faylogna, landi pa rin. haha. pati ba naman si?! Tapos kanina din, usap usap at small reunion ng hertz. Nakaktuwa na nakakalungkot. Nakaklungkot dahil sa katarantad*hang ginawa nitong
Tapos nun, nakipagharutan din ako kay KARLitaKO, JAKEgwapitoko at MANEmylabb. Namiss ko din ang maliit kong kaibigan Matagal tagal din kaming hindi nagharutan kaya aun.Natutuwa talaga ako sobra. Si jake naman, ayun may mejo maliit na mejo malaki at mejo kumplikadong problema. Basta. kaya ni jake yan. Si jake pa?haha.[parang may kasamang joke e]. Tapos si mane. Ayun, naglumande, nang aasar kasi e. E ako naman si tanga kumagat din, ayun, pinagod ko ang sarili ko sa pakikipaghabulan at taguan sa kanya. Pero namaaaan. Namiss ko ang aking bespren~
Eto namang pamilya ko, kakaiba rin ang hanap. Nagluto si tita dapat ng Tinolang manok. Yung manok, nasa kaldero na. Tapos naisipan niya nilagang manok na lang daw [anu un?] kaya nilagay niya yung papaya. Pero napag isipisip niya na adobong manok na lang daw. Ayun. Kumain kami ng adobong manok na may papaya at luya. Ayus lang yung lasa. Parang nilagyan mo lang ng toyo yung tinola.[ui.si karla yun diba?haha] Tapos,bumili pa si Kuya ng Magic Sing kahapon. Early Xmas gift niya raw kay ina. haha. ayan tuloy. mejo maingay din.
MASAYA AKO SA KANILAAAAANG LAHAT~
pahabol--
nawala yung hitech ko sa kwarto ni SIRBANGAYAN. lugmok tuloy ako kanina. wala akong pake kung wala na siyang tinta. Ang mahalaga sa akin yung katawan. kainis talaga. Pero tamang tama naman talaga. Si DUMAUALbeybeh ay nakasalubong namin ni Tomas. Ako naman si lande, natulala sa hotness niya. Akalain mo yun, nagmeet na ang aming mga mata, hindi ko pa binati? tinitigan ko lang? talaga naman. Tapos kung kelan malayulayo na siya dun ko pa binati ng pagkalakas lakas nahiya naman ako.jusme. pero ok lang. para a kanya naman e.[juskopo.]
tapos kanina, in-IM ako ni papaHARVEY jusko po.kinilig ako dun o.haha.nagpaalam lang naman.okay lang.haha.masaya pa rin ako.dahil sa kanya.:]]
hay.sige gudnayt.ang haba ng post ko:333