bago ko simulan ang drama ko.magkukwento na muna ako.
Nov 8.
nagkaroon kami ng practice ng Mardi Gras sa school. For the first time ay on time ako.siguro dahil natakot din akong ma-zero kay sir Bangayan na thank God ay success naman.at, bilang pagmamayabang, ako lang naman ang unang nakaperfect sa franklin.bohaha>:]]yabang talaga.pero bukod pa doon.wala na akong ibang ginawa kung hindi ang kumain at magpractice.pero pagkatapos rin ng eksena ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa bahay ng kaibigan. Sa madaling sabi sa bahay ni ate Kaye, ayaw ko kasing dumiretso sa bahay nila Rvin.nakakahiya naman kay keso<3 haha.joke lang po.
so aun.nagkaroon ng maliit na reunion ulit dahil late birthday party ni rvin.masaya kasi nagreunite ulit ang nagmamahalang VI-LOVE'05. Nanood ako, si aira, si rvin at si keso ng exmen.haha.binaboy na 300 lang naman yo.kaya sobra naman ako kung tumawa nung panahon na yon.nakakalungkot lang kasi kelangan ko umuwi ng maaga.baksi ako kay ina.haha.pero bago umuwi, pinapak ko lang naman yung tinapay kela rvin.sana nga may palamang keso e.haha.joke lang po ulit.
Nov 9.
linggo.kaya nagsimba kami.sa tuwing nagsisimba.dalawa ang dahilan ko.DAHIL KAY LORD. at pangalawa dahil kay henry na sakristan don.haha.lande.malungkot lang dahil hindi niya ako nakita nong araw na yon tulad ng dati.pero okay na rin.kahit saglit lang nagbonding moment kami ni LORD:]]
bukod doon.naisipan ko namang paandarin ang natitirang maliit na responsibility sa katawan ko kaya nagpuyat ako para sa port folio sa Filipino.yon.masyado akong maaga nakatulog.alas tres ng umaga.
Nov10
nagsimula na medyo badtrip ang araw ko.una. ang panget ng bus na sinakyan ko.pangalawa nakalimutan ko ang suklay ko kaya para akong sinabunutan nong pumasok.pangatlo 10 o 15 minutes late ako.pang apat.naunang magreport ang grupo namin sa english. e anak ng okra naman. wala kaming napagmeetingan.[pero medyo ok na.naisalba naman ng konti]panglima.late na dumating si DUMAUAL<3 kaya muntik na akong maubusan ng energy.pang anim.nakalimutan kong gumawa ng recitation stubs ng mga kaklase ko.pang pito.badtrip si sir derez nagpagawa ng kung anong problem na hindi namin nagets.pangwalo.nagtest sa elec na 24 ako.isa na lang e.pasado na.pangsiyam.sa unang pagkakataon sa buhay ko nakakuha ako ng zero over onehundred na score sa periodic.kadiri tlga.at pangsampu---nag iisip ako at buti na lang, wala na.
sobrang hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon.naging malaking problema kasi yung procastination sa akin.kaya yun.nagigising na lang ako na may project pala sa araw mismo ng deadline.naiinis ako.gusto ko kasing baguhin ang lahatr pero hindi ko magawa.hindi ako makaalis sa gawain na nakasanayan ko na.hindi ako ganito dati.pero yun nga.naging ganito na.ang tao hindi likas na masama--biktima lang siya ng mga pangyayari.yon. sobrang naging komportable ako sa mga bagay bagay kaya nasanay ana akong bigla.at ngayon gusto kong umalis pero hindi ko alam kung paano.
pero sadyang matalino si Lord.kanina sa Filipino, ginawa nia akong leader ng grupo namin.natuwa ako hindi dahil extra points na naman kundi dahil alam kong sa ganung paraan, mapipilitan akong gawin lahat ng makakaya ko at para maging mas maingat sa mga pinaggagawa ko.haha.ang galing.
isa pa.
natapos ko na dati lahat ng libro ni BOB ONG.pero dati.nagbabasa ako para matawa.para libangin ang sarili ko.pero simula nung nagbasa ako ulit ng libro nia.maraming nabago sa takbo ng pag-iisip ko.ang mga libro ni Bob, simple pero may tama.hindi lang puro pagpapatawa ang alam niang gawin.yung pagusapan ang pulitika, lipunan, pamilya, mahal, kaibigan.lahat na yata.napakalawak niyang magisip.kaya nga nung natapos ko ULIT ang MacArthur at Stainless Longganisa.Nagising ako ulit sa katotohanan ng buhay.marami maraming marami siyang mga bagay bagay na ipinapakita sa bobong Pilipino. Nakaktuwa talagaC:
marami na ako masyadong sinabi.na hindi ko alam kung may paki ka.pero meron man o wala.blog ko to.walang pakielamanan:]]
magandang gabi sa lahat~