Wednesday, July 30, 2008

kung pwede lang ibalik ang panahon..

gabi na.
badtrip.kanina habang nagbbrowse ako sa friendster ay di ko naiwasang tingnan ang mga profile ng mga taong may kinalaman sa kanya.at nang tumingin ako sa mga litrato na nakalagay doon ay nagkaroon ako ng halo halong damdamin.

siguro una na dun ang pagkainis.naiinis ako dahil kahit sobrang tagal ko na siyang di nakikita ay narerecognize ko pa rin siya.kahit nakatalikod minsan nga isang part lang ng katawan niya ang nakikita ko.alam ko na na siya yun.pangalawa ay ang saya at ang nostalgia.kahit papano ay naging masaya ako sa halos isang taon naming pagsasama at ngayon, apat na taon din kaming magkaibigan.maraming nangyaring masarap alalahanin.meron ding hinde.pangatlo ay lungkot.nakakalungkot lang dahil wala na ngayon.may balak pa ba akong bumalik if ever?hindi ko alam.

ang tao kasi once na minahal mo, hindi ka na hihinto sa pagmamahal sa taong iyon, siguro, nag iiba lang sa uri o antas.at ngayon, ang pagmamahal ko sa taong iyon?---siguro nga oo mahal ko pa siya.pero masaya ako ngayon.NANG WALANG LALAKE.oha.currently living with a very happy life.

pero siguto iba din ang saya kung anjan siya:]]

pang apat, siguro pagkatuto na rin. sa mga pagkakamali.mejo masaya na din kasi kung hinde nangyari ang lahat ng iyon.wala e.ibang tao din siguro ako ngayon.at kung anuman ako ngayon, issa siya sa pinagkakautangan koXD

hai.si edgardo pesado ay talaga namang meron pa ring ispesyal na lugar sa puso ko.akala ko nung una.wala na.ilang beses ko ring sinubukan pero nauuwi dn aq sa ganito.may tamang panahon para sa lahat.meron:]]


nagpost ako dahil wala lang.

namimiss ko si ED.namimiss ko ang hertz.namimiss ko si john marc.namiss ko si adrian.namimiss ko ang lahat ng bagay na winala ko.hayy.kung pwede lang ibalik ang panahon..


o siya.sige.goodnayt.