Monday, December 15, 2008

Uso?

Andami kong adventures pauwi. Para tuloy akong tanga, kinikilig, tapos, tatawa mag-isa, tapos matutulog, tapos mapapalingon. Basta, masaya yung araw ko lalo na yung huling part na ng araw ko:]]

Una nun, ComSci, pangalawa sa huli na period namin. Wala si mel kaya si Fred lang yung katabi ko. Eto namang si Ellaine, tumabi saken kaya laughtrip yung buong ComSci. Nagsimula ang lahat nang magreact si Fred sa pangungurot ko sa kanya. Sobrang sakit daw kasi. Tapos napunta sa SUPER STRAIGHT[hyesss] na buhok ni Ellaine, tapos napunta sa dark secrets ni Fred, tapos nagging usapang crush, tapos si NIKO, tapos panunukso hanggang sa kung saan saan pa kami napunta. Grabe, Naawa tuloy ako kay Ma’am Aniban, halatang halata kasi yung chismisan namen, di niya lang kami sinasaway.

Tapos, natawa pa ako dun sa sinabi nila, marami daw talagang nakakaalam kung sino si NIKO, yun nga lang hindi sila maingay dahil hindi rin naman daw pinagsisigawan. At, wag daw ako gumaya sa iba na nagmuka ng *insertadjectivehere* dahil sa pagkakalat ng crush. Hyesss naman. Kaso nga lang hindi sumang-ayon si Tomasa. Haha. Alam na. Nga pala, wala akong pinatatamaan a. Sadyang mabait lang akoXD

Nung Pinoy na, Amazing Race na, hanga ako kay Jen sa paglagok niya nung pinrepare ko na kadiring drink. Eto yung ingredients: tunaw na kesong ice cream, inipit na durog at Icetea ni Jael. Ang galing talaga ni Jen. Naawa naman ako kay Fred na halos maiyak na sa pag-inom, buti, tinulungan siya ni Egay. Ayun. Nakaraos naman sila.

Tapos nun, uwian na at kinilig ako kay NIKO. Konti lang naman, pero hindi ko idedetalye dahil baka mabasa pa niya to, e halatang-halatang-halatang-halatang-halatang-halata na ko. Kaya sakin at kay Tomasa na lang yun. Bohaha:]]

Tapos, nung asa Rob na kami, nakita namin sila ArvinSANE, Dan, Pao at Imman. Wala lang. Nagkita lang tapos, naggulo SILA ng konti dun sa OMG! Nakita rin namin ang ilang mascian dun. Ayun nagrurush.

Tapos pag-uwi ko, nagsimula na kong tumawa mag-isa. Hayup talaga e. May nakita akong jeep, parang nasa loob ka ng disco, halos umaalog-alog yung jeep sa lakas ng sounds, tapos iba’t iba pa yung ilaw. Haha talaga. Tapos may isa namang jeep, yung headlights niya, iba’t iba rin, parang Christmas Tree. Nakakatuwa Talaga. Ewan ko, yun daw ang uso sa mga jeep ngayon e. Pero astig yun a. Infairness.

Nung naglalakad naman ako, may nakita akong mga taga*insertschoolhere* na sumasayaw. Grabe, sa gitna ng daan yon mehn! Tapos mga 20 estudyante ata sila. Natatawa ako e. Pinipigil ko lang, baka sugurin pa nila ko e mag-isa lang ako. Haha. Kung alam lang nila...

Wala na akong matype. Tsaka, aalis din kami ngayun e. Mag-aanticipated Mass para sa Simbang Gabi. Mga 9 yun. Maghahanda pa ko. Haha.

So ayun. Magandang gabi sa lahat.
Pati na rin kay Ellaine, Fred, Tomasa at kay NIKO~