Haha. Natutuwa talaga ako sa Multiply. Ayun, effortless ang pag-update ko ng lahat ng sites ko dahil sa cross post service nila. Hayup, isang post lang sa isang site, lahat updated na! Haha. Katuwa talaga. Actually, dati ko pa ginagamit ‘tong service nila na ‘to e. pero ngayong ko lang na-appreciate. Haha. Abnormal. Isipin mo na lang, for almost three years, na-aupdate ko lahat sa isang post lang. Haha talaga. Haha.
Wala kong masasabing matinong bagay sa oras na ‘to. At nararamdaman kong puros kalandian lang ang malalagay ditto ngayong gabi. Kaya eto, magsisimula ako.
Natutuwa talaga ako sa taong ‘to. Adik. Haha. Bukod kasi sa matalino ang loko, hanep ngumiti. Ayan tuloy, sa kalandian ko, sobrang baluktot na grammar na yung gamit ko. Filipino na nga, baluktot pa. Anyways. Haha. Adik talaga ako sa ngiti niya. Pero yun nga, bukod sa talino at ngiti at bait niya, wala na akong ibang habol pa.
Kaso nga lang, crush ng bayan ang loko. Kaya eto, ayoko na munang ipagkalat. Makikipagsiksikan pa ba ‘ko? E may isang kaklase nga ako na nagkakandarapa sa kanya. Grabe talaga. Kaya ayun, kapag kinikilig ako sa mahiwaga niyang ngiti, kay tomasa ko binubuhos ang lahat. Buti na lang, pasensyosa tong si tomas.
At ang batang ito ay si –“Niko”.
[ewan ko, nakita ko yan sa net e. Japanese ng informal na smile. Tama nay un sa kanya no. Wag nang masyadong malande.]
Mamatay ka sa kahuhula kung sino yan. ‘wag na nating ipagkalat. Maissue pa ako. Haha.
--kalandian ang post ngayon. pasensya. Ako rin ang sumira sa sarili kong paninindigan:|