Thursday, December 11, 2008

Sermon

Magandang gabi.

Sinermonan ako ng pinakamamahal kong nanay. Grabe, parang lahat ng kasalanan ko simula nung June, naipon ata. Sinermonan ako mula pagdating ko ng bahay hanggang bago kumain. Hindi ako badtrip. Ginawa ko yun e. Tanggap ko. Tsaka okay na rin na nasermonan ako. Atleast kahit papano, narecall ang lahat ng kalokohan ko. At kahit papano din ay nakapagreflect ako.

Pot*. Nung narinig ko yung mga kasalanan ko, parang isang word lang ang gustong sabihin ng mama ko. Hindi niya lang masabi kasi di siya nagsasabi ng masasamang salita. Alam mo kung ano yung salitang yon? TARANTADO. Grabe talaga. Parang feeling ko, sunog na yung kaluluwa ko e. Pero yun nga, sana mapatawad ako ni Lord~

Sa school, masaya naman. Okay naman kasi ang buhay buhay. Isa lang talaga napansin ko sa sarili ko, yung dati kong sarili na mahal na mahal ang bahay. Na walang ginawa sa araw araw kundi mangarap na sana uwian na, ayun, nawala na naman. Ewan ko. Mas gusto ko na naman ang school. Muntanga talaga. Parang gusto ko may klase araw-araw. Hindi ako gc. May kakaibang kasiyahan lang talaga ang nadarama ko ngayon. Pero ewan. Malamang kasi, dahil yung kay NIKO. Pot*. Anlande.

Speaking of kalandian, natuwa ako KAHIT PAPANO kay arvin. Haha. Kinilig talaga ako sa effort niya para sa LIPTON nia. Grabe. Tapos, nakausap ko pa yung Lipton niya, sa pag uusap namen, grabe, ayaw pa kong derechuhin, may gusto rin pala. haha. Malandi si Arvin, pero okay lang dahil hindi siya perfect tulad ni Tomasa:]]

Speaking of Tomasa, salamat sa Coke Float --nadagdsagan na naman ako ng sandamakmak na elemento na magpapaikli sa buhay ko:]]

Ewan. Magulo talaga ngayon. Basta mahal ko ang pamilya, kaibigan at si Lord.
Tapos gusto ko si NIKO.