It has been a while..since the last time I fell inlove.
Binabasa ko yung last posts ko nung nagdecide ako na magpost na lang ng ibang bagay kesa ikwento lahat ng pangyayari sa buhay ko nung mga panahong hindi ako buhay sa cyberworld. Antagal na mula nung last time na nagpost ako ng tungkol sa isang tao, nang dahil lang sa kung anung dahilan. Kaya magpopost ako ngayon.
Nakikinig ako sa Fox Rain (yung tuvi duvi doo na kanta sa My Girlfriend is a Gumiho. Matagal ko nang alam yung kanta, pinanuod ko pa nga mismo yung telenovela. Pero mabilis ding nawala sa utak ko. pero lagi siyang tinutugtog ni Tim sa gitara, yun pa nga ang ringtone niya for the longest time bago siya nagpalit nitong huli. Ang ganda ng tono ng kanta, hindi ko naman naiintindihan yung lyrics pero hindi ako nagsasawang pakinggan yung kanta. Hindi ko alam kung anung gustong ipahiwatig nung words, o kung sino ang gumawa or whatever, pero wala na akong pakielam, ang gusto ko lang, mapakinggan palagi yung kanta, kahit paulit-ulit pa.
Nakilala ko last June si Timothy. Bago ako sa block, konti lang yung kilala ko at dun ko lang din nalaman na nag-eexist pala siya sa same batch at same course ko. Babaero si Tim, naging babae niya yung kaibigan ko at inagawan niya si Peter, na isa rin sa closst ko. At, oo, babae, dahil may girl friend siya at magsi-6 years na sila.
Hindi ko talaga crush si Tim, nagtataka lang ako kung bakit may mga babaeng nahuhumaling at naiinlove sa kanya na halos pumayag pang maging number 2 mapagbigyan lang niya. Kaya sinubukan kong alamin, isang buwan lang halos nung nalaman ko kung bakit. Pero hindi yun nagtagal, busy kasi siyang gawin na naman yung tactics niya sa isa pang babae. Isa siya sa pinakakakaibang lalakeng nakilala ko. Lumaki siyang walang ama tulad ko, panganay. Siya na yung kapartner ng mama niya sa lahat ng bagay. Siya ang taga-luto, laba, linis, plantsa, sundo sa mga kapatid, hugas ng plato, lahat. isa siguro yan kung bakit humaling na humaling talaga mga babae sa kanya. Mahilig siyang tumugtog ng gitara at kumanta, maganda yung boses. Sobrang mapang-asar, tuwang-tuwa siya 'pag naiinis na yung inaasar niya. Responsable at matalino pero tamad. Understanding pero selfish.
Naalala ko pa kung panu kami naging ganito ka-close. Siya yung nagsabi, wala daw kasi siyang close friend mula non. Lahat daw kasi naffall, (oo na, gwapo ka na sa kwentong yan), na medyo totoo rin kasi. Akala ko hindi kami aabot sa ganitong point. Akala ko kasi dati, siya yung taong walang sineseryosong usapan. Akala ko rin dati, gagaguhin niya lang ako tulad nung ginagawa niya sa iba. Pero nung mga panahong pakiramdam ko mag-isa lang ako, siya yung nagparamdam na hindi yun totoo. Hindi siya umalis, hindi niya 'ko iniwan hangga't kaya niya. Akala ko kasi, dun lang kami magsasama kapag masaya, kapag walang problema. Pero hindi, kasi napatunayan kong kahit sa mga panahong wala nang natira sa akin, papatunayan niyang meron pa akong 'siya.'
Siya naman yung nasa ganung kalagayan ngayon. Akala ko hindi niya ako pagkakatiwalaan, akala ko, hindi ako magiging worth na piliin niyang pagshare-an ng mga problema niya. Pero hindi, natuwa ako, kasi kahit bigat ng buhay niya yung gusto niyang ishare sa akin, nagtiwala syang hindi ko siya iiwan at tutulungan ko siyang dalhin yung mga bagahe niya.
Nito lang, ilang beses ko siyang sinabihan na napaka-selfish niya. Totoo naman kasi, hindi nga siya marunong magpahalaga ng ibang tao, madali siyang intindihin kahit napaka-unpredictable niya. At sa sobrang selfish niya, hindi ko alam panu ko nagagawang 'wag siyang iwanan, at tulungan pa rin kahit siya pa ang may kasalanan.
Pero ngayon, alam ko na.
Inlove ako.
Inlove ako sa kanya.
Hindi siguro sa paraan kung panu ko minahal si E, o kung paano ako muntik mahulog kay Joel. Mahal ko si Tim, kung panung mahal ng nanay yung anak niya, kung panung mahal ng kapatid niya yung isa pa niyang kapatid, kung panung mahal ng isang tao yung kaibigan niya. Hindi ko pwedeng maihalintulad si Tim sa kahit sinung kaibigan ko, kasi sobrang laki ng pagkakaiba niya.
Pero kung tatanungin ako kung sino ang isa sa mga pinakaimportanteng tao ngayon sa buhay ko, isa siya sa mga pwedeng isagot ko. Yung pagkakaibigan namin ang isa sa mga pinakamagandang tono na narinig ko, hindi ko man maintindihan lahat ng bagay tungkol dito, hindi ako magsasawang tabihan siya, sa saya, o problema. Mainterpret man ng ibang tao na ibang bagay ang pagkakaibigan namin, wala akong pakielam, basta ang alam ko, mahal ko siya, at wala na akong ibang hihilingin pa sa isang kaibigan bukod sa kanya. :)
Tuvi duvi doo ah ah.