Sunday, June 22, 2008

ILOG PASIG

karla and I took the bus on our way home.

hindi ito simpleng trip pauwi.since karla lives in las pinas at ako, sa manila lang.we took the bus trip to las pinas pero sa other side of taft[meaning the bus was going to lawton.ika nga roundtrip].sa pag ikot ng bus, nakito ko ang ilog pasig.i can't help but to wonder kung ilang tao na kaya ang namatay/nalunod don. walang bakod o harang man lang sa gilid ng ilog. at madami ang taong naglalakad sa gilid nito. wala silang pakielam kung gaano ka lalim ang ilog at kung ano ang mga posibleng mangyari sa kanila sa paglalakad nila doon.

noong nasa elementary pa lamang ako, ang anak ng janitor namin ang isa sa mga naaksidente sa ilog na ito. tahimik lang daw sila na naglalaro sa gilid nang biglang mangyari ang aksidente. wala na silang nagawa kaya't hinayaan na lamang nila ang bata.

iniisip ko na lang talaga sa ngayon kung ilang pamilya na ang napinsala at naaksidente na sa ilog na ito. kung ilang buhay ang nasira at kung ilang pangarap ang nasira. kung tutuusin. hindi dapat ang ilog ang dapat na sisihin sa mga ganitong pangyayari. pwede naman itong iwasan kung sana lang nag-iingat tayo.

hay. isa siguro ito sa dahlan kung bakit natatakot ako sa mga malalaking bodies of water.

No comments:

Post a Comment