Monday, November 17, 2008

CLUMSY

Kinaiinisan ko talaga ang ka clumsihan ko sa mga nakaraang araw. Grabe, kung ano-anong nababasag, nababagsak at nasisira ko. Buti sana kung simpleng baso o kahit ano lang. E ang problema, mamahaling bagay--N95 ng kuya ko, Laptop, Celfone at kung anu ano pa. Nakakinis na. Tapos kanina, nakabasag pa ako ng baso, buti yung plato daplis lang. Pero ang pangit pa rin ng itsura.

Tapos eto.Kagabi, 10:30 ako humiga pero 1:30 ako nakatulog. Ewan. Huwag mo kasi ako masyadong isipin e. Haha. Pero kawawa rin yung taong iniisip ko kagabi.haha.haha.haha. Tapos kanina, sa english ako yung sharer. So, ang shinare ko naman ay isang walang katapusang pagtanaw ng utang na loob sa mahal kong INA. Ayun nung sasabihin ko na kung sino yung "most extraordinary person in mylife" ko, pumasok si DUMAUALbeybeh. Hayup sa timing. May shades pa ang lalake. Feeling ko tuloy ubod ng gwapo ang lalaking iyon pag suot niya yung shades.haha.haha.haha. Natuwa pa ako dahil siya yung nagturo sa amin ngayon. Tapos, eto pa--binasa niya yung first sentence sa draft. Hindi ko alam kung dahil yun ba yung una niyang nabasa sa lahat ng papers namin o dahil sadyang nahahalata niya na siya yung dinedescribe ko dun..

He was is standing near the stairs, reading some papers and with his BACKPACK (as usual)....

Ano hindi ba obvious na siya yan? Hanep talaga. Wala naman masyadong nangyari ngayong araw. Nanibago kasi ako bigla sa sarili nagpakaGC ang kalooblooban ng katawan ko ngayong araw kaya hindi ko namamalayan na nag-iiba na ako. Hindi ko alam pero as of now, lima pa lang naman ang nagsasabi sa akin na nagiiba na ako. Marami ba yun? E ang nakakapansin pa yung close friends ko. "Hindi naman masama yung pagbabago mo. Nakakpanibago lang. Masyado ka nang seryoso" Nawindang ako. Nagbago ba talaga ako? hindi ko alam. Masyado lang siguro akong nagfofocus at nagbibigay ng atensyon sa mga bagay na binabalewala ko lang dati. Hindi ko alam kung masama yun. Pero ewan basta. Dahil kasi sa pagbabagong yun, andami ko ring namimiss. Ang HERTZ,[kris, jake, mane specially] ang ROUNDPEEPS at si KARLA. Gusto ko talaga makasama ulit sila. Pero hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

Nalaman ko ang pinakamamahal ni Arvin, nalaman ko yung masaklap na pangyayari kay Xander, nalaman ko rin yung masaklap na buhay fourth year ng isang close friend. Andami kong nalaman. Kahit papano, kaibigan ko silang lahat kaya naapektuhan din ako. Hindi ko alam kung malulungkot ako o ieencourage ko na lang sila. Mahalaga sila sa akin [hiyessssss] kaya ang gusto ko lang, kung san sila masaya:]] (yown!)

Masyado na akong maraming sinasabi. At bago ko pa makalimutan, nga pala. i click mo to.

No comments:

Post a Comment