Ambilis ng mga nangyari. Umalis siya. Tapos nagkaroon ako ng Niko. Tapos bumalik tapos nawala na si Niko dahil bumalik siya. Nangyari ang lahat sa 2 oras na usap. Ambilis talaga. Napaisip tuloy ako at buti na lang andito ang blog ko upang damayan ako.
Si Bespren ay dati ko ng minahal, pinangakuang handang maghintayan. Sinong umalis? Pareho. Sabay at pareho ang desisyon namin sa bagay na 'yon. Kaya walang pwedeng sisihin. Dumating ang panahon na humanga ako kay Vincent Sales at Egay Fojas. Pero wala silang kinalaman dahil hindi naman sila umabot sa punto na tulad nung kay Bespren. Wala silang ginawa, ganun din ako. Kaya, sa buong kwento, wala talaga silang kinalaman.
Pero shit, napaisip talaga ako bigla. Ambilis e no? After two hours, bumalik ang lahat. Grabe talaga, dahil dun nawala si sakristan at si Niko na nasabi ko na ang totoong pangalan tapos, ngayon lang ako mag-iisip ng matino? Pota talaga. Para na 'kong tanga.
Hindi ko tuloy alam kung pipiliin kong ibalik ang nawala o pangitiin ang sarili ko sa pamamagitan ni Sakristan at Niko.
Ina naman.
Kalandian.
No comments:
Post a Comment