Friday, January 30, 2009

Pinakamamahal na Bespren

Hindi ko alam kung tama pa ba ang aking nararamdaman.. (echos.)

Kaibigan,

Napagdesisyunan kong basahin lahat ng post ko kanina. oo, lahat ng post, mula sa simula hanggang sa huli. Isa lang napansin ko, at syempre, dahil yun ang pinaka kapansin pansin. Sa halos 200 (ko pa lang) na post, halos 100 post ang andun ka, hindi ka nawala. Simula nung makilala kita, hindi ko inaakalang magiging malapit ka sa akin, at ang masaklap, hindi ko inaasahang mapapasaya mo ako ng ganito.

Bumalik sa akin ang lahat ng pinagsamahan natin, mga panahong iniwan ako ng LAHAT pero di ka umalis, mga panahong soooobrang tanga ko pero patuloy mo akong pinagsasabihan, sa mga panahong umiiyak ako at nakikiramay ka, sa lahat ng kalandian ko, sa lahat ng kalokohan ko, sa lahat. sa lahat lahat. Hindi ko mabibilang kung ilang beses kitang nakasama. Na kahit pa wala pa tayong dalawang taong magkaibigan e, nahigitan mo na ng bonggang bongga yung iba. Grabe ka. Salamat.

Sa lahat ng post ko na andun ka, lagi akong nagpapasalamat, lagi kong sinasabi na mahal kita bilang kaibigan, lagi kong sinasabi kong paano mo ako pinasaya, sinamahan, dinamayan, inaway, pinilit, pinagtripan, niloko at muli, pinasaya. Hindi ko inakala na sa soooobrang dami ng kalandian ko, at sa sooobrang dami ng ginusto ko, sayo rin pala ako mahuhulog. Shit ka talaga.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon sayo. Seryoso. Sooobrang masaya ako pag kasama ka, at gusto kong laging andyan ka lang. Nasanay ako na nasa tabi lang kita e. Ngayon, hindi ko alam kung nararamdaman ko ang bagay na 'to dahil sa masyadong closeness o kung dahil saan man. Pero anuman 'to, shit, di ko alam (anlandi, kinginek)

Bespren..

Thursday, January 29, 2009

A Happy Birthday

Oo, birthday ko. Kaya magpopost ako.
Siguro, bukod sa layout, this time maraming nagbago.

Sa loob ng isang taon, mula nung nakaraang birthday ko, medyo maraming nagbago. Una, hindi ko kaaway pero hindi ko na rin kaibigan ang isang taong, pinagkatiwalaan at minahal ko bilang kaibigan. Wala na siya sa 16th birthday ko. Siguro, burado na ko sa kanya. Huwag siyang mag-alala, ganun din naman sa side ko.

Maraming nangyari sa loob ng ilang linggong hindi ako nagpost. Nagkaroon ako ng plurk, nag-intrams, nakipaglandian, umiyak, tumawa at kinilig.

Natutuwa ako sa birthday ko na 'to. Oo, hindi ako nakatanggap ng ubod ng daming regalo. pero yung araw na 'to pa lang isang malaking regalo na. Si Faylogna.. hyess. ang unang bumati saken, hindi lang sa text, nagkasabay pa kami pumasok! Pag minamalas ka nga naman.. haha. Joke fay. Tapos, Franklin na. Natuwa talaga ako ng bongga sa Franklin pero mamaya na muna. Yung pangatlo, si Mati. harhar, pagpasok ko pa lang, alam ko nakita niya na ako, natuwa nga ako sa kanya e. Pero shit sila ni Mane, akala ko kung sino. Wag nang tanungin kung ano ginawa nila. Baka matawa ka lang.

Natuwa ako sa Franklin ng bonggang bongga as I have said, alam ko naman na hindi ako masyadong importante. Pero salamat pa rin kela Tomasa, Jen, Ellaine, Fay, Mama, Vernisse, Jael at Ivonny na mga lagi kong kasama at hindi nakalimot. Kela Suzanne, Mel, Donna, Sharky, Munik, Xyra na hindi ko man palagi as in palaging kausap e hindi naman ako kinalimutan. lalo na si xy na halos walong taon ko nang kasama. Syempre, salamat kay Arvin, na
kahit papano ay naging close ko, kela J.A., Erald at Javier na hinding hindi ako kinalimutan at nagbigay pa ng Hertz letter. Kay Imman na kahit tarantado ay naalala rin, kay Paolo "Miggeh", Papa Egay, Dan, Buri, Ubas at Dayrit na hindi ako kinalimutan. Actually yung iba sa huling group ng boys na nabanggit ay lagpas limang beses ako binati Oha! Kaya maraming maraming maraming salamat~

Naappreciate ko rin ang pagkanta nila sa canteen, kahit na may halong kalokohan yon, sa boys nung uwian at marami pang iba. Sorry kung di ko mababanggit lahat:) Mahal ko Franklin kahit gano pa kalalaki ang mga sungay at buntot naminXD

Natouch din ako sa Hertz, Kay Mane~ at Mati, na umaga pa lang ay binigyan ako ng magandang regalo. (hayup.) Sa Newton Hertz, kela Pau, annal, bevs, anak, txad at marami pang iba:)) Kay Kris at Jedd na forever kong mamahalin, Kay kenna babes, bertol, benjo at maramingmarami pang iba. Maraming maraming salamat~

Pati sa mga nanging kaklase ko dati, sa mga hindi ko nanging kaklase, sa mga kabatch lang, school mate na close pa rin at pati na rin sa mga taong hindi ko naman kilala e binabati pa rin ako. Potek Astig talaga ang pangyayaring yooon. haha. Akalain mo, hindi ko sila kakilala, binati ako, anak ng.. sa lower years na bumati at sa lahat lahat na hindi ko na kayang itype maraming salamaaaaaaat~

All of you made my birthday happy. Thank you.
at kay God, sa mama ko at sa family pati na rin kela Rvin at Harvey:D

Matanda na ako:)

Monday, January 19, 2009

inactive~

BUSYYYY~

doing school works.
buhay graduating.
aww.




be back after few days:D

Thursday, January 15, 2009

Mahal ni Ben, Ben, Bespren:)

2nd day ng 3rd periodic test. Totoo talagang laging nakakawindang ang 2nd day e. Eto yung araw na kelangan mo talagang magreview sa lahat ng subject, ung hinde, wala akang masasagutan. Thank God, medyo nakaraos naman ako, siguro tama lang isipin na hindi ako zero sa tests. Haha. Lalu na sa Elec na two items lang pero 50 points each. San ka pa diba? Tatlo lang ang pinagpipiliang score mo, 50, 100 o ZERO.

Yung ibang test, tulad ng Eco at CS, okay lang hindi tulad ng Math na never naging okay. Kasi naman, pag kaharap ko ang Monster Teacher ko dun, parang naiintindihan ko lahat. Tapos pagdating ng test, joke lang pala na naiintindihan ko yun. Badtrip talaga.

Meron namang moments na inaatake na ako ng katangahan. Pano ba naman, habang nagrereview, alam ko, kabisado ko lahat. Tapos, pagdating ng test, parang nakalimutan ko lahat ng pinag-aralan ko. Nangyari sa akin yun kahapon, sa Physics. Nabadtrip ako ng sobra sobra.

Pagkatapos ng test, medyo naiba ang routine ko. Imbis na lumabas with F, ayun, magkakasama kami ni Bespren, "Ben" at ang Mahal ni Ben. (Note: Naalala mo pa ba si Ben, yung post ko dati na hinahanggan ko dati tas ngayon close friend na? Yung ayaw sa publicity kaya code name lang andito?) Obviously, puro codename lang lahat. Pag codename yung kay Ben, tas yung iba hindi, edi halata na.

Anyways, ayun nga, nagtapat na si Ben kay Mahal Niya. Siyempre, etong mahal niya, windang ever. Gulat na gulat sa lahat ng natuklasan, nalaman at sa bagay na naitanong sa kanya ni Ben. Kami naman ni Bespren, para magkausap yung dalawa, lumayas kami. Haha. Tapos, umalis na din pala ang Mahal ni Ben kaya nagkasama na kaming tatlo.

Ang plano lang talaga, kung di kagad natapos si Ben at ang Mahal niya, lalakad na kami ni Bespren sa SM Manila. Para sa walang kwentang bagay. E since natapos na sila Ben, sinama na namin. Yung Original na plano, dito nauwi-- Ako, si Bespren, si Ben, ang Mahal niya at ang dalawang kaibigan ang pumunta sa SM at naggala sa Quantum. Ang galing. haha.

Nag uwian na rin after mag-Quantum. Umuwi na si Mahal ni Ben with two friends at kaming tatlo ni Ben at Bespren ay nagbus na pauwi. Grabe, kahit sa bus tawa pa rin. Napagkwentuhan din namin ang ilang mga bagay-bagay. Etong si Ben, halatang sooooooooobrang good mood dahil nanlibre siya ng MANE. Oha, kay Ben, minsan lang mangyari yun. haha.

Pero ayun, masaya pa rin.

Mahal ni Ben, Ben, Bespren:)

Tuesday, January 13, 2009

Franklin~

Pagkatapos ng date kay arbin nung saturday, date kay sakristan (sa simbahan. haha) nung sunday, nagdate naman kami ni mama Velina kahapon. Masyado kasi siguro kaming nawalan ng sigla ngayung araw kaya pinili naming magpakabusog sa kwek kwekan sa ilalim ng LRT.

Kung titingnan, hindi talaga maganda yung place, nakadisplay sa polusyon yung mga kwekkwek at ang lugar pa ng pagkakainan mo, walang bahid ng germs. Grabe. Haha. Pero, masarap ang bawal. Kaya kahit na may ketong pa yung taong nagluluto, mapapakain ka talaga dahil ansarap nung k squared na yun. At, dahil nga sa sarap na taglay nung k squared, ayun nag round 1, round 2 at round 3 kami ni mama. In short, naka doseng itlog kami. Kaya ayun, bilang resulta ng katakawan. not less than 10 minutes siguro namin inakyat yung hagdan ng LRT na dati e less than five minutes lang. Pero okay lang, nabusog na ang tiyan ko, masaya pa ako. Andami naming napag-usapan, naipagtapat at kung anu ano pa. Masaya talaga. Swear. I love you, Mama:)

Tapos, kung kahapon, si Mama lang, kanina, e ang mga pinakamamahal kong Franklin Girls [FG] ang kasama ko. Andun si Mama, Ivonny, Vernisse, Ellaine, Claudine, Tomasa Leen, Jennylyn, at isang itlog, este lalake, si Javier. Siyempre, tulad ko, nahawaan na sila ng kaadikan sa wekwek. Karamihan tuloy, naground 2 pa. Maliban kay Tomasa Leen na hindi man lang tumikim. Sa saya namin dun, kahit nasa may LRT na kami, nagtext pa sila--"Magkawayan tayo forever. Walang iwanan." At ayun. Nagkawayan na kami forever. Masaya talaga~

Pero bago pa pala kami tuluyang makarating dun sa may LRT, naki pa namin sila Arbin, Raissa at Imman. At siyempre, kasama namin sila sa pakikipagkawayan forever at sa pag-uwi na rin.

Actually, hindi ko iniexpect ang lahat. Hindi ko inexpect na sasaya ako ng sobra sa Franklin. Hindi ko naimagine ang lahat. Yung mga taong kasama ko ngayon, mga naging kaibigan at kung anu-ano pa. At siyempre, para ienhance ang drama, sasabihin kong sa maikling panahon na kasama ko ang Franklin, sumaya talaga ako ng bonggang-bongga.

I love you FG:) isama na rin natin si Arbin, Imman at Raissa na sabit lang talaga sa post na to. Haha:)

Saturday, January 10, 2009

Grabe.

Bago ang lahat, maramingmaraming maraming maraming maraming salamat sa inyo mga kaibigan.(Di pa naman ako maamtay. Nagpapasalamat lang. Haha.)

The Happy Part.


Sabado ngayon. Kahit hindi ako magpeperform pumuta ako sa MaSci para sa elec ng groupmates ko. Ayun, enjoy naman ako kahit hindi ako kumawak ng board.

Pagkatapos ng problema, parang walang nangyari, kaya hanga ako sa F e. Haha. Parang balewala lang pag may problema. Haha. Talaga. So ayun, ang girls, kasama si Arvin, kumain sa KFC. Yung boys naman sinamahan si Agaton sa lablayp niya. Tapos, etong si Arvin, may lkad daw dapat kasama si Raissa, kaso hindi pinayagan si Raissa, kaya dahil sa gustong gusto niyang manuod ng Bedtime Stories Ayun, nagyaya.

E siyempre, ako namn ton si Adam Sandler fan ay hindi rin nakatiis. Siyempre, hindi ko palalampasin ang Bedtime Stories no. Kaya kahit alas tres pa yung palabas, handa akong maghintay. Kaya ayun, nagsimula ang "bonding moment" namin ni Arvin. Kakakain lang namin sa KFC nun kaya lalo kaming nahirapan maghanap ng gagawin bukod sa pagkain. Pero wala, dun din kami nauwi, nagcrepes kami. Etong si Acantilado, gumastos ng 95 pesos di naman inubos. Talaga naman. Haha. Tapos, nagkwentuhan kami ng bonggang bongga dun. Nag enjoy naman, wala talagang dull moment pag kausap yun si Acantilado. [ay jusme. Puro kasinungalingan na o. Haha. Joke lang Arvin.] Tapos ayun, nanuod na rin kami.

Maganda talaga yung movie. As in, siyempre, Adam Sander yun e. Haha. Pagkatapos nung movie, nagshopping-shoppingan kami at nagsimula ang "Search for the Black Slim Cut Pants" ni Arvin. Haha. Ayun, fortunately wala kaming nakita. Haha. Tipong halos sinuyod na namin ang mga store dun. Wala talaga. Kaya ayun, nung six na, naghiwalay na kami at unuwi sa kanikanyang bahay.

Grabe yun o. Siyempre, first time ko lumabas kasama yun si Arvin, una talaga nailang ako. Kahit na kahit papano e isa siya sa mga taong naging close ko na sa Franklin. Pero ayun, nung andun na kami, nag-enjoy talaga ako. Alam ko may bahid pa rin ng kahihiyan yun si Acantilado e. Pero okay lang. masaya talaga:)
Salamat ArvinXD

Lumabas na yung resulta ng ACET. Generally, malungkot talaga ang mga tao, pero malamang marami rin ang kahit papano e masaya. Lalo na si Ace Serraon na 100% TFDA. Grabe no? Ang galing. haha. halimaw ang loko. Tapos dun sa mga kaklase at kaibigan ko na rin na di pumasa, syempre, nakikiramay ako.

The Grabe Part.

Dahil din sa ACET, may nangyari. Hindi ako magbabanggit ng pangalan. Grabe tong part na to ng blog ko. Game. Sa loob ng dalawang taon, may inalagaan akong pagkakaibigan. Pagkakaibigan na kahit wala akong maibigay na napakaraming pisikal na bagay e sinikap ko na naman na punuin ng masasayang alaala. May isang taong never ko inisip na saktan, isang taong wala akong ibang inisip kundi ang sana masaya siya. Hindi ako nagyayabang pero maraming beses na mas pinili ko siya kesa sa sarili ko. Na mas sinakripisyo ko ang pwedeng isakripisyo kase kaibigan ko siya, na hindi ko siya iniwan kahit talikuran pa siya ng lahat ng lalaking minahal niya, na sinamahan ko siya sa lahat ng lugar hangga't kaya ko, na sinikap kong mapasaya siya kahit sa sarili kong paraan lang, na itinuring ko siyang higit sa pa sa isang kapatid, na okay lang sa 'ken kahit hindi niya naiintindihan ang sarili kong nararmdaman, na kahit pinuno niya ako ng pisikal na bagay bilang "simbolo" ng pagkakaibigan namin pero hindi pa rin niya inintindi yung mga saloobin ko, na never kong inisip ang pride at kahihiyan ko, na minahal ko siya at binigay ko yung kaya ko nang hindi ako humingi ng kapalit. Lahat yon hindi ko inisip. At ngayon, sa pangalawang pagkakamali ko, nagawa niyang tapusin ang lahat.

Nag-usap kami na hindi niya dapat saken malaman yung resulta ng ACET, pero inaamin kong nabigla, nagulat at nadala ako ng emosyon ko sa resulta kaya nasabi ko sa kanya. Mali ko yon di ba? Oo, mali ko. Kasi, pinaalam ko sa kanya na hindi siya pumasa sa eskwelahang gusto niya kahit na napag-usapan na namin yon. Eto yung una kong mali o. Nung nasa ibang bansa kami, umalis ako ng umalis sa booth at never ko daw inintindi yung booth namen, na never ko daw pinahalagahan yung bagay na yon. Andami kong pagkakamali no? Alam ko naman e. At dahil lahat ng "pagkakamali" ko, may kinalaman lang sa kinabukasan at feelings NIYA, nagalit siya. At mas pinipili na niyang putulin ang pagkakaibigan namin.

Sorry kung sasabihin ko to a. Pero, hindi ko alam kung sino na ang nagbago sa tin e. NEVER akong naging kaibigan? Okay. Salamaat, dahil all those times pala na sinubukan kong maging "kaibigan" sayo, wala kang naabsorb ni isa. Kahit isa lang wala. Salamat din sa lahat ng binigay mo sa kin. Sa mga shirt, sa pagkain sa Sbarro, sa pagkakataon na makasama ako sa Taiwan, sa pagkausap niyo dati kay Ed, sa lahat ng pera mo na inutang ko pero di na nabalik, sa chismis. Maraming salamat a. Ngayon kung may nakalimutan ako. Pakisabi na lang. Kung may corrections, pakisabi din. Yung maayos a. Hindi yung sa ibang tao ko lang malalaman. Kasi ako, never akong nagsabi sa ibang tao ng galit ko e, kung hindi mo malalaman, sa ken lang. Ganun lang. Sana naman, ganun ka rin.

Oo nga pala, may gusto akong ipagsorry. Sorry kase inisip ko na ng babaw mo, na ang taas ng pride mo. Sorry sa dalawang bagay na yon a. Sorry kung nag-isip ako ng masama. Sorry kung nakagawa ako ng pagkaka mali. Sorry talaga sa lahat. Seryoso. Sorry.

Ngayon lang ako nagsalita ng ganito ng public. Hindi ko kinaya e. Naiyak bigla ako sa mga nabasa ko. Sorry kung nasaktan ka man pag nabasa mo 'to. Naglabas lang ako for the first time ng sakit na naramdaman ko.

F.

Gusto ko sanang magbigay ng opinyon sa isang problemang hinaharap ng franklin at ng adviser namin.

Hindi ko na ikukwento ang buong pangyayari, pero kung isa ka sa mga nandon nung kinakastigo na ang lahat, maiiyak, maiinis, maaawa at kahit konti e matatawa ka. Eto mga pare, dito ko sisimulan. Alam ko ang halaga ng pagkakaibigan. Alam ko kung gaano kahalaga ang isa o mga kaibigan mo sa yo. Pero tanong, kung haharap kayo sa isang malaking problema kung saan lahat kayo manganganib 'pag di niyo sinabi ang totoo, iisipin mo pa ba ang mga kaibigan mo?

Hindi ako magmamarunong. Dahil kahit ako ang nasa pwesto niyo, malamang mahihirapan din ako. Matatakot. Matatakot para sa sarili pero dahil ang grupo ang sangkot, matatakot para sa mga kaibigan. Tulad niyo, malilito ako, maguguluhan. At malamang, hindi ko rin alam ang gagawin ko.

Kahit na may mga sandali nung oras na yon na nainis ako sa inyo, hindi ko pa rin maiwasang kahit paano e maawa at humanga. Humanga sa tatag ng pagkakaibigan at pagkakapatiran niyo. Ayan na, konti na lang patay na lahat kayo, pero, todo kapit pa rin sa tinatawag niyong "pagkakaibigan" o kung anu pa man yon. Kahit na isinakripisyo niyo pa yung mga sarili niyo para lang sa kabigan niyo, okay lang. Sorry mga pare, pero hindi ko maiwasang mainis kahit papano sa parteng yon. Sa parteng hahayaan niyo ang sarili niyong magdusa sa isang parusa sa kasalanang di nio naman ginawa. Maawa kase sa ating lahat, may isang tao nang hirap na hirap, nagdurusa sa kahihiyan dahil sa atin. Isang taong ibinigay ang lahat sa atin na ang masaklap, hindi natin naibalik kahit konti. Siya yung taong walang ibang hangarin kundi ang kabutihan ng bawat isa sa atin. Isang taon hindi man lang napahalagahn sa kabila ng mga sakripisyo niya. Sa taong yon, Maraming salamat. Alam ko imposible mong mabasa to. Pero kahit ilang beses mo akong ma engot, mahalaga ka sa akin. sa amin. Maraming salamat.

Pero, ano nga na mang magagwa ko? Tapos na ang lahat. Nangyari na ang mga dapat nangyari. Wala akong sinisisi. Wala akong kinagagalitan o kinaiinisan. Nung panahon na yon, lahat ng tao sa loob ng kwartong yon, mahal ko. Sobra. At lahat kayo, Franklin, mahalaga. Anu man ang pinagdaraanan nating lahat ngayon, matatapos din. Malalampasan rin.

Dramaaaaaa^_^

Wednesday, January 07, 2009

Masaya. Medyoooo:)

Warning: Ang mga kasunod na nilalaman ay mayroong ubod ng mahabang code names. Nais ng may-ari ang privacy dahil minsan lang siya meron nun.

Ganito ang mga pangyayari. Si First Super True Love pero Ex Na ay nakipagbreak kay Present Girlfriend [PG] dahil sa mababaw na dahilan na kahit ako ay hindi ko maarok. So siyempre etong si PG dahil sa kababawan ng pag-iisip ay nag-amok na naman. Kasi naman etong si First Super True Love pero Ex Na ay nilagay ako sa kanyang featured friends. Kaya nagalit na naman si PG. At pinipilit niya sa akin na mahal pa daw ako ni First Super True Love pero Ex Na.

Okay. Grabe talaga. Nang-aaway na namn siya. Buti this time, narealize niyang may ym na kaya dun niya na ako kinakausap. Hindi na sa friendster. Shit siya (sorry po). Masyadong bitter. Kung hindi talaga siya mahal ni First Super True Love pero Ex Na, tanggapin niya ng maluwag sa kalooban. Palayain niya, suportahan niya kung saan masaya yung mahal niya. Pero, yun lang ay kung mahal niya talaga si First Super True Love pero Ex Na. Tsaka isa pa, kung mahal man ako o hinde na ni First Super True Love pero Ex Na until now, No Comment na lang. Masaya na ako sa buhay ko no. Sabi nila, "First love never dies" totoo naman talaga at wala talagang papalit sa kanya. Hindi naman sa nirarank ko ang mga bagay-bagay. Pero, sige, walang makakapantay sa kanya pero iba namang pakiramdam ang nararamdaman mo, tapos masaya ka doon, siyempre dun ka na.

Ang hirap iexplain. Badtrip. Eto na lang ang ieexplain ko. Ang aking kasiyahan:)

Alam mo na ba yung feeling na masaya ka pero hindi mo alam kung hanggang kailan? Yung pakiramdam na masaya ka pero walang kasigurohan ang lahat. Yun ganun ang aking nararamdaman sa aking Pinakamamahal na Bespren [PB]. Hindi siya tulad ng kay NIKO, Dumaual, Timo at kung sinu-sino pa. Iba, kasi Mutual:) O gets na? Pero, sa amin, ngayon, malabo pa din. Ewan, abangan. Haha.

Pero di nga, PB, salamat sa lahat, dati ko pa sinasabi na mahal kita. At uulit ulitin ko yon kahit ilang beses pa. Alam mo naman siguro yon di ba?
:)

Tuesday, January 06, 2009

para sa Isang kaibigan

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang aking post. Pero, umm. Ganito na lang

May kaibigan ako. At masaya siyang nagmamahal ng isang babae (so, lalake siya, malamang) Pero siyempre, unfair ang mundo, hindi porket mahal na mahal mo ang tao, sayo na siya. Kahit pa tapat ka sa kanya kung ayaw niya, wala talaga. So ayun, mahal niya talaga ang babae. Marami rin naman ang sumuporta, tumulong at nagpayo sa kanya ng kung anu-ano. At syempre ako, hangga't kaya ko siyang tulungan, tutulong talaga ako.

Pero, may isang pangyayaring hindi inaasahan. Konti lang ang nakakaalam nun. Ewan ko ba, pero feeling ko, hindi talaga tama na isa ako sa mga "konting" taong nakakaalam. So, gusto ko mang sabihin kaagad dun sa kaibigan ko yung mga nalalaman ko. Pero, sinubukan kong pigilan ang sarili ko. Ayokong manguna, at hindi tama na sa akin niya marinig yon. Salamat naman at nagbunga ang medyo pag-iwas ko sa mga tanong niya ngayong araw na 'to. Yung taong involve ang umamin at nagtapat sa kanya.

Alam ko, hindi masarap ang katotohanan. Swear. At alam ko ang sakit na dinanas at dinaranas niya. Nung magkausap kami, umiyak siya at naglabas ng siguro ay wala pa sa kalahati ng lahat ng nararamdaman niya. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam ang sasabihin sakanya. Bakit? karaniwan kasi ng mga lalaking nakakausap ko ng ganung bagay, kelangan mo pang sermunan, batukan at kung anu-ano pa para lang isaksak sa isip niya yung mga bagay na sa tingin ko e tama. Pero yun nga. Humanga ako ng sobra-sobra sa taong ito. Hindi ko alam ang sasabihin kasi alam na niya yung nasa isip ko. Malawak ang pag-iisip niya. Hindi siya yung taong dahil nasaktan e reresbakan, uupakan at magaglit ng bonggang bongga sa nakasakit sa kanya. Nagparaya siya, at hindi niya kinulong ang sarili niya sa sarili niyang galit. At ang maganda pa sa kanya, hinangad niya ang kaligayahan ng taonginvolve sa kanila. Grabe ang taong ito.

Sunday, January 04, 2009

Pasukan na:(

Alam mo yung feeling na gustong magpost pero parang wala lang?

Hha. Ilang beses ko nang ninais magpost nung kung anu-anong survey pero wala akong matagpuan. Kaya magsh-share na lang ako.

Nung bata pa ako, as in bata pa talaga, mga 1 year old, may friends na kaagad ako. Friendsly ako e. haha. Kapitbahay namin sila. We are, friends. Dahil nga mga bata pa. Feeling namin, kami lang ang mga tao sa street namin. Umm, tatlo sila. At sila lang ang kalaro ko talaga. Pero hindi nagtagal yon, siguro six more or less, years ago na simula nung huling pagkakataon na buo kaming magkakaibigan. Yung dalawa kasi, namely Eimee Monica Solis and Louie Marty Solis --magkapatid yaan. lumipat sa cavite yung isa namely Erika Espiritu, ayun same street pa rin naman, Kaso kami yung lumipat.

haha. tapos, yun nga, dahil sa friendster, naconnect ulit kami. ohaaa. May common friends pala kasi kami. Kaya ayun. Masaya.

Grabe, pasukan ulit bukas. Actually, hindi ko pa masyadong iniisip na pressure ulit. Haha. Sanay na kasi ako sa ganitong feeling. Pero ayus din naman kase. makikita ko ang mga mahal kong kaklase, kaibigan at guro. (yung last noun, joke time lang>:]])

Marami daw kaming assignments, pero magaling ako e. Ayun, wlaa akong ginawa. Pero malamang lamang, mas dadalas akong online pag may pasok. Siyempre kase, may dahilan ako para buksan ang computer.

Hay.. Ang boring ng post ko.

Thursday, January 01, 2009

NEW YEAR:]]

Maligayang bagong taon.

Ilang linggo din akong hindi nakapagpost kaya namiss ko din yung blog ko. Kaya ayun. Nagtapos na ang isang magandang taon para sa 'ken. Nung una, natatakot akong harapin yung 2008, pero ngayon parang ayokong magpaalam. Pero namaaan, wala akong choice kundi magpaalam talaga. Haha. Andami talagang magandang pangayari e. Hindi ko na lang iisa-isahin.

Konting araw na lang, alam ko, graduation na, bakasyon ulit pagkatapos e college life na. Medyo excited ako, pero malungkot din. Aalis na ako ng high school. Iiwanan ko na ang mundong ginagalawan ko at minahal ko na rin sa loob ng apat na taon. Pero yun nga, wala pa rin akong choice kundi harapin yung mga paparating.

Masaya ang paghihiwalay ng taon dito sa amin. Kumpleto naman kami. Masaya. Yun naman ang pinagdadasal ko e. Sapat na ang lahat ng blessings ko sa nakaraang taon para magpasalamat ako ng sobra sobra sa Poong Maykapal. Sa pamilya ko, sa Hertz, sa Franklin, sa mga Round Peeps, sa Sakristan, sa mga tapat na kaibigan at sa lahat ng taong taong extra lang sa buhay ko.

Haay, Happy New Year sa lahat!
:)