Gusto ko sanang magbigay ng opinyon sa isang problemang hinaharap ng franklin at ng adviser namin.
Hindi ko na ikukwento ang buong pangyayari, pero kung isa ka sa mga nandon nung kinakastigo na ang lahat, maiiyak, maiinis, maaawa at kahit konti e matatawa ka. Eto mga pare, dito ko sisimulan. Alam ko ang halaga ng pagkakaibigan. Alam ko kung gaano kahalaga ang isa o mga kaibigan mo sa yo. Pero tanong, kung haharap kayo sa isang malaking problema kung saan lahat kayo manganganib 'pag di niyo sinabi ang totoo, iisipin mo pa ba ang mga kaibigan mo?
Hindi ako magmamarunong. Dahil kahit ako ang nasa pwesto niyo, malamang mahihirapan din ako. Matatakot. Matatakot para sa sarili pero dahil ang grupo ang sangkot, matatakot para sa mga kaibigan. Tulad niyo, malilito ako, maguguluhan. At malamang, hindi ko rin alam ang gagawin ko.
Kahit na may mga sandali nung oras na yon na nainis ako sa inyo, hindi ko pa rin maiwasang kahit paano e maawa at humanga. Humanga sa tatag ng pagkakaibigan at pagkakapatiran niyo. Ayan na, konti na lang patay na lahat kayo, pero, todo kapit pa rin sa tinatawag niyong "pagkakaibigan" o kung anu pa man yon. Kahit na isinakripisyo niyo pa yung mga sarili niyo para lang sa kabigan niyo, okay lang. Sorry mga pare, pero hindi ko maiwasang mainis kahit papano sa parteng yon. Sa parteng hahayaan niyo ang sarili niyong magdusa sa isang parusa sa kasalanang di nio naman ginawa. Maawa kase sa ating lahat, may isang tao nang hirap na hirap, nagdurusa sa kahihiyan dahil sa atin. Isang taong ibinigay ang lahat sa atin na ang masaklap, hindi natin naibalik kahit konti. Siya yung taong walang ibang hangarin kundi ang kabutihan ng bawat isa sa atin. Isang taon hindi man lang napahalagahn sa kabila ng mga sakripisyo niya. Sa taong yon, Maraming salamat. Alam ko imposible mong mabasa to. Pero kahit ilang beses mo akong ma engot, mahalaga ka sa akin. sa amin. Maraming salamat.
Pero, ano nga na mang magagwa ko? Tapos na ang lahat. Nangyari na ang mga dapat nangyari. Wala akong sinisisi. Wala akong kinagagalitan o kinaiinisan. Nung panahon na yon, lahat ng tao sa loob ng kwartong yon, mahal ko. Sobra. At lahat kayo, Franklin, mahalaga. Anu man ang pinagdaraanan nating lahat ngayon, matatapos din. Malalampasan rin.
Dramaaaaaa^_^
No comments:
Post a Comment