“Sukob na! Halika na! Sabay tayo sa payong ko…”
Yan ang kinakanta ng mga taga-ABSCBN noong rainy season last year. Pero, pagdating sa Masci, hindi ganyan ka-romantic ang tag-ulan natin. Andyan ang makabaliktad-payong na hangin, nakaka-sipong ulan at siyempre, mawawala ba ang minsang lampas-taong baha? Bahang di lamang sa kalsada makikita kundi pati sa Lovers’ Lane. Isama na rin natin ang mga tiny puddles sa quad, hallways at lalung lalo na sa CR. Hindi nyo na matatakasan ang mabagyong buhay diyan sa Masci. Kaya ang mabibigay lamang ng The Mascian ay kaunting rainy day tips sa inyo:
1. Alamin ang panahon bago umalis sa lungga mo.
Manood ka man sa “Magandang Tanghali Bayan” o sa “Unang Hirit”, walang pagkakaiba yun. Basta dapat malaman mo lang na babagyo o hindi. Kung may signal na, mas maganda na ring huwag pumasok. Pero huwag namang exag. Mamaya, ambun-ambon lang, di ka na pumasok.
2. Know your surroundings.
Kung alam ninyong palaging binabaha sa paligid mo, laging magdala ng bangka… hindi joke lang. Kung binabaha nga naman ang lugar ninyo ng matindi, mas matalino nang mag-stay sa bahay. Mahirap na ang ma-shoot sa mga manhole na nakakalat sa tabi-tabi.
3. Maging laging handa.
Alam naman natin lahat ang kailangan kung umuulan. Laging magdala ng payong, kapote o kung puwede pa - bota. Para safe ‘di ba? At kung nasa FX o sasakyan kayo papuntang school, makinig ng radyo. Sa mga ganitong panahon, hindi advisable ang matulog sa vehicle. Be alert. Kaya nga may halos dose oras tayong klase ‘di ba? Para matulog? Ooops.. joke na naman yun… Magdala rin ng extrang saplot sa katawan katulad ng t-shirt, pantalon, brip/panty (basta underwear), medyas, atbp. Para diretso na sa Robinson’s pagkatapos di ba? (Joke joke joke!)
4. Huwag mag-panic sa baha.
Minsan, sa isang buhay ng Mascian, mapepeste ka. Lalo na kung ang mga dadaanan mo ay lubog sa baha, malamang ay ibababa ka na ng FX driver sa dulo ng street at lalakarin mo na lang. Para sa mga sitwasyon na walang takas katulad nito, ito ang tips namin sa inyo:
- E kung alam mo naman palang baha e bakit ka pa bumaba? Para maiwasan ito, umuwi ka na lang. Wala nang pasok… di mo ba narinig sa radyo?
- Kung pansamantalang nablangko ang kokote mo, at andyan ka na, nakalusong sa baha, ang dapat mong gawin ay… Maglakad. Malamang. Huwag kang tumakbo dahil mahihirapan ka lang lalo na kung hanggang bewang ang tubig. Hindi ito beach. Ang mga tubig na tatalsik sa mukha mo ay punung-puno ng ihi, tae, laway at iba-iba pang basura ng kalikasan.
- Kung ikaw ay natatakot ma-shoot sa manhole, problema mo na yun. Huwag tatalun-talon sa tubig sa pag-asa mong maiwasan ang mga butas. Di mo nga nakikita diba? Mamaya ma-swak ka pa.
- Kung ikaw ay naiihi at di na mapigilan ang tawag ng kalikasan… pigilan mo pa rin. Kahit nakalubog ang kalahati ng iyong katawan sa tubig, hindi ibig sabihin pwede ka na ring jumingle. Hindi ito beach o swimming pool para ihian. Narinig mo na ba ang leptospirosis? Maawa ka naman. Huwag nang dagdagan ang dumi ng flood water. Pero kung di mo na matiis, bahala ka… sino bang makakaalam?
5. Yehey! Nasa Masci ka na!
Kung sa palagay mong masaya na ang buhay mo at nakarating ka na sa patutunguhan mo, akala mo lang yun. Basa ka na, mabaho pa, jumingle ka pa sa underwear mo tapos papasok ka pa? Depende sa trip nyo yan mga tsong… Well, sa totoong buhay, pagdating mo sa gate ng Masci ay lalo ka pang mapepeste dahil sa layo ng linakbay mo ay wala palang pasok. Pero mas lalo kang mapepeste kung may pasok pa rin pala (Ang gulo ko ‘no?) Siyempre kung may pasok, puwede kang madulas sa CR, bahain sa Lovers’ Lane, matalsikan ng putik sa quad, o ulanin sa classroom (oo, puwede mangyari yun sa Masci). Ano? Kaya nyo pa ba?
At yan ang mabagyong buhay Masci… saya ‘no?
-got it from thisiscoy.net
Cute no, he said he wrote this when he's still in MaSci. Wala lang. Share Share:))
No comments:
Post a Comment