Tuesday, June 22, 2010

OMC. :)

One More Chance Quotes :)
  • ´Sana kaya kong tiisin yung sakit na nararamdaman ko, kasi ako ung humiling nito diba, ako ung may gus2. Sana kaya kong sabihin sayo na masaya ako para sayo, para sa inyo. Sana kaya ko, sana kayo ko.. pero hinde eh.´


  • ´hindi mo alam kung gano ko kagustong sabihin sayo na.. sana tayo nalang, tayo nalang ulit. pero pag sa twing mararamdaman ko kung gano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit. and IM SORRY. ako naman ang may kailangan ng panahon ngaun, para mak...alimutan ko na ang lahat ng sakit, para maalala ko ang lahat ng maganda at mabuti saten. para bumalik ang popoy na nawala nung ngkahiwalay tayo.´



  • baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal naten, kase baka merong bagong darating na mas OK, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nagiisang taong magtatama ng mali sa buhay naten, nang lahat ng mali sa buhay mo..´


  • "Ten years from now, ganito parin kaya tayo?"
    "Ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, forever and ever!"
    "Promise?"
    "Promise."


  • "Alam mo yung feeling na parang sinusuko ko na sayo lahat! poy nakakasakal eh, nakakasawa. I wanna stop wondering, what if.. I want to know what is."


  • "5 years itatapon m lang lahat? hindi mo na ko pwdeng bgyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko to??"


  • "I don't even know kung tama 'tong ginagawa ko, pero alam ko kailangan ko nang tapusin 'to."


  • but your asking for too much! ang hinihiling mo mawala ka sa buhay ko!


  • Alam mo ba'yung three month rule, ha?! Lahat ng nagmahal at nasaktan alam 'yun! Kailangan mo muna maghintay ng three months bago ka magka-boyfriend ulit! Ba't ba kating-kati kang palitan ako?! May dalawang linggo pa'ko bash!


  • "10 seconds nalang, PROMISE.. 10 seconds nalang"


  • "O SIGE! makipagbalikan ka na naman sa kanya tapos magaway na naman kayo tapos mgbalikan na naman kayo tapos magaway na naman ulit kayo!"



  • I love you and I will tell you everyday, Everyday until you forget the things that hurt. I hate the things that make you hurt And how I wish I could take them away. If only it could be done, I'll do it for sure. "...


  • "Ako naman ang may gusto nito diba? Pero bakit ang sakit-sakit?"


  • "ipikit mo ang mga mata mo, para kung masaktan man ako.. d mo makita."



  • "I want my HEART to stop breaking, sana pag naging tayo na ulit, kaya na kitang mahalin ng buong buo. na walang halong takot kung masaktan man tayo ulit."


  • "Minsan, it's better for 2 people to break up.. so they can grow up. It takes grown ups to make relationships work."


  • "Ang totoo hanggang ngayon umaasa parin ako na sabihin mong ako parin. Ako na lang. Ako na lang ulit."



  • "She love me at my WORST, You had me at my BEST. at binalewala mo lang lahat yon. and you chose to BREAK my heart."

-Best Filipino movie ever. haha. halos kabisado ko rin lahat yan. Wala lang. :)))

Monday, June 21, 2010

Taympers daw muna

Isang oras na sermon is equal to 35 times na pag-ulit ng unsolicited pero dapat mong sunding advice, 42 times na na pag-ulit sa ginawa mo. 45 times na pag-ulit sa history, at nakakarinding pagcompare sayo sa mababait mong mga kapatid. Ewan, matigas nga rin siguro ang ulo ko. At hindi na rin ako marunong magprioritize kung ano talaga ang mas mahalaga. Hindi na rin kasi siguro ako nakapagbibigay ng tamang oras sa pamilya ko. na sobrang ikinagagalit ni Mama. Pero, hmm. Point taken. Mali talaga ako.

Nilunok ko na ang Presidency ko kanina kasama ang lahat ng responsibilidad, powers at privileges na kasama nito. At hindi siya ganun kadali. Hindi ako ganun kagaling pero kailangan kong ipakita sa lahat na magaling ako. Responsibilidad kong ingatan ang bawat residente ng Organisasyong 'to. Responsibilidad kong itaas na muli yung kalidad na sinasabing bumaba. Responsibilidad kong pagtibayin pa lalo ang pagkapit sa prinsipyo ng bawat isa.

Hindi siya madali, swear. Nakita ko kay Noli kung gaano yun kahirap, na nalagpasan naman niya, pero pangarap niya ang naging kapalit. Nagawa niyang protektahan kami, ipakita sa lahat na magaling siya, at pinagtibay niya lalo yung kapit namin sa mga Prinsipyo. Pero it scks na kapalit ng lahat ng kabutihang yun yung ilang taon niya paghihirap para sa pangarap naman ng pamilya niya.

Kinakabahan ako na baka this time, pamilya ko na mismo ang isakripisyo ko. Na pinipilit ko namang hwag sana. Ginagawa ko lahat to make things better. Sa acads, sa Org, sa Pamilya. Hindi siya ganun kadali, pero kaya.

Kanina, nag-invite ang CHD ng meeting. Nakakaiyak nung huli nung sinabi ni Hubert na may limitasyon yung prinsipyo. Hindi ko na itutuloy, pero sana maayos na ang lahat.

About the PLM Fashionista
It was supposed to be a happy celebration. Nagpunta ang mga estudyante to cheer for their college representatives sa PLM Fashionista 2010. But the almost-five-hour program culminated in a very controversial manner. Because of erroneous calculations, the results of the event were put in question. Many people were upset.

The present Supreme Student Council was the main organizer of all the student-sponsored events of the Foundation Day. Although it partnered with various College Student Councils and student organizations, it still had the responsibility to supervise and monitor all the student activities to ensure that everything was executed properly.

Everybody waited for the SSC's move to address the fiasco caused by the error of the Tabulation Committee of the PLM Fashionista 2010. A public apology would have been a good approach had it been done with a sense of urgency and conveyed with whole-hearted sincerity. But such apology was only issued after the winners of the Ginoo at Binibining Pamantasan contest were announced shortly before midnight yesterday. It was delivered while the audience have started leaving the venue of the event.

I don't know the reason why the SSC chose such timing. The apology, which was intended to remedy the damage caused by the fiasco, provoked more people to get angry. People felt that the SSC did not give priority to the matter. Hence, the sincerity of the apology was tainted badly. Instead of resolving the matter, the SSC had inadvertently caused divisiveness among the students of the colleges involved.

I am very saddened and disappointed by the "kampi-kampihan" that was spawned by the Fashionista fiasco. Many are claiming that the SSC's credibility to organize events is now debatable, as well as its ability to handle a crisis and make crucial decisions. The public apology that they delivered Saturday night was not welcomed by the aggrieved parties. In my opinion, the SSC needs to regroup and come up with a better game plan. And they need to do it fast.

Meanwhile, I urge the students to remain calm and refrain from getting emotional about what happened. It may be a difficult thing to ask since many feelings were deeply hurt. But you have to remember that the fault came from the Tabulation Committee, at pare-pareho lang kayong naging biktima ng pagkakamaling yun. You shouldn't be fighting. PLM Fashionista was a competition, but that competition ended Friday night.



Written 23 hours ago · · · Report Note
Rtus Lim
Rtus Lim
What is incompetence to the nth level? Sabi nga nung isang host.. this is the "MOST HARDEST" decision that the affected colleges will ever accept. LOL
Yesterday at 5:07pm · · 1 person · Flag
Carlo Yanesa
Carlo Yanesa
i agree. i happen to be in plm that night during PLM fashionista, and truly, it is a disappointing sight. nakaka-frustrate. as a proffesional who works for events, i am saddened by how the organizers made the event longer than one can ever imagine. plus the handling of the tabulation- talagang kapuna puna.and finding out that they announced the mix... See More up right after BB. and Ginoong Pamantasan made it worse.
hopefully people learned something from this experience. wag sanang gawing praktisan ang mga ganitong projects, nakakasama sa imahe ng pamantasan. proper planning should have been set days or weeks before the event was staged, and correct execution should have been implemented.it's no joke to be put in the spotlight because of other people's wrong doings.
just a realization.
Yesterday at 5:17pm · · 2 people · Flag
Rtus Lim
Rtus Lim
@ Carlo: More than 5 hours na fashion event... more than an hour dead air.. only in PLM!!!
Yesterday at 5:38pm · · Flag
Rtus Lim
Rtus Lim
Kala ko nga project ng HIGH SCHOOL ang Fashionista eh.
Yesterday at 5:39pm · · Flag
Gabriel De Guzman
Gabriel De Guzman
ano ang nangyari? dba cna Val ang partner college n2? ano nangyari?
Yesterday at 11:34pm · · Flag
Kay Aquende
Kay Aquende
Super dami pong ngyari.
10 hours ago via Facebook Mobile · · Flag
Francis Daniel Duarte Cielo
Francis Daniel Duarte Cielo
ang ganda magbigay ng feedbacks ni kay..hehehe
7 hours ago · · Flag
Lorraine Narciso
Lorraine Narciso
nakakaloka lang kaya walang sigurong masabi si kay...hehehehe...
5 hours ago · · Flag
Patrick Malonzo Balmediano
Patrick Malonzo Balmediano
@ kuya kiko- naubos n lhat ni kay mga ssbhin nya nung mismong araw na nangyari ang kpalpakan n gnwa nila.. ehhehe
5 hours ago · · Flag
Kay Aquende
Kay Aquende
tama! ahahhahhhaha!!!

super talak talaga ako. :) in a nice and major way. :)
3 hours ago · · Flag
Patrick Malonzo Balmediano
Patrick Malonzo Balmediano
parang d nmn ehhe
3 hours ago · · Flag
ZeLind Paz
ZeLind Paz
next year.. naku!! SSC-TUGON ang magwawagi,,,,, double work!! hayz!
about an hour ago · · Flag
Jeremae De Guzman
Jeremae De Guzman
tanong lang po, anong ginawaq ng CME-SC sa FASHIONISTA? Wala po silang ginawang kapalpakan, kasi wala naman po talaga silang ginawa. Tama ba?
about an hour ago · ·
ZeLind Paz
ZeLind Paz
huh?? wat po college nio?? council din po ba kayo?
about an hour ago · · Flag
ZeLind Paz
ZeLind Paz
@jeremae.. council din po ba kayo?
about an hour ago · · Flag
Jeremae De Guzman
Jeremae De Guzman
@zelind: hindi po ako council officer. isa ako dun sa mga tumulong nung nakita kong wala nang tumutulong. at, hindi ko po sinasabi na naging biased si sir, ang tinatanung ko, kung tama ba na walang ginawa yung CME-SC sa 'kapalpakang' nangyari.
about an hour ago · ·
ZeLind Paz
ZeLind Paz
@jeremae, kung pamumulitaka lamang ang sinulat ni Sir.. i think.. he wont write these words "I urge the students to remain calm and refrain from getting emotional about what happened. It may be a difficult thing to ask since many feelings were deeply hurt. But you have to remember that the fault came from the Tabulation Committee, at pare-pareho ... See Morelang kayong naging biktima ng pagkakamaling yun. You shouldn't be fighting. PLM Fashionista was a competition, but that competition ended Friday night"

when you put the TUGON identity of sir marlon and you have the closed-mind... talagang di nio makukuha ang pangangaral ni sir..

aun lang..

sabi nio nga.. kalma..kalma lang.. so let's have a goodnight sleep..

GODBLESS!!
about an hour ago · · 1 person · Flag
ZeLind Paz
ZeLind Paz
ah okie... sa ibang page ko pala nabasa un.. ASK mo page ng CME.. for sue may sagot kang matatanggap..

GUE po.. GOODNIGHT!
about an hour ago · · Flag
Jeremae De Guzman
Jeremae De Guzman
wala po akong sinasabing ganyan, ang tinatanong ko lang yung kung ano ang ginawa ng CME. ako po ba talaga ang closed-minded? tinatanong ko lang kung sa lahat ng nangyare, anung say nila? may ginawa ba?
about an hour ago · ·
Carlo Yanesa
Carlo Yanesa
@ jeremae - i think it's best to ask SSC about that. tanong ko din yan. anu bang role ng cme-sc sa fashionista that night?
about an hour ago · · Flag
ZeLind Paz
ZeLind Paz
tooot.. maling page nabasa ko.. sorry jeremae..
about an hour ago · · Flag
Jeremae De Guzman
Jeremae De Guzman
@kuya Carlo: bakit po ang SSC ang tatanungin ko? diba po kapag tinie-up ka sa isang event, may responsibilidad at initiative ka sa lahat ng mangyayare sa event na yun? siguro nga, tama na CME-SC ang tanungin ko. Thanks!
57 minutes ago · ·
Jeremae De Guzman
Jeremae De Guzman
@zelind: okay lang po. :)
56 minutes ago · ·
Carlo Yanesa
Carlo Yanesa
@ jeremae. u have a point. tama din namang tAnungin ang CME-SC about it. what led to this incident na ssc lang ang nababatikos? is there an explanation behind it?
54 minutes ago · · Flag
Jeremae De Guzman
Jeremae De Guzman
@kuya Carlo: Exactly my point kuya Carlo. Puro SSC Officers ang nasa spot light.Pero joint project ang Fashionista ng SSC, CPT, and CME. Nakita ko kung paano nagtrabaho si Sledge at ang CPT-SC. Kaya gusto ko sanang malaman ang side ng CME. Hindi po dapat ipataw ang bigat ng pangyayari sa isang tao, grupo lang. RESPONSIBILIDAD ng colleges na yun ang buong pangyayari pero SSC LANG ang nasisisi. Let us not resolve a problem through its branches. Let's go directly to the roots.
47 minutes ago · · 1 person ·
Carlo Yanesa
Carlo Yanesa
@ jeremae. i agree. it's not solely the council's fault. maraming factors that led to this dilemma. hindi lamang sila ang organizers ng event.at hindi lang naman fashionista ang may mga aberya. but sadly jeremae, as the supreme student council, sila kasi ang over-all in charge sa lahat ng activities. kaya sila ang pangkalahatang nahaharap sa isyu. ... See Morepero ang mas malaking tanong, eh paano natin maiiwasan at masosolusyonan ang ganitong mga pagkakataon?un siguro ang mas pagtuunan ng pansin ng nakararami. hindi ang pasakitan ang isa't isa. it will only drain everyone.
39 minutes ago · · Flag
Jeremae De Guzman
Jeremae De Guzman
@kuya Carlo: Nakatie-up po kami sa Binibini at Ginoo, and we spent hours, even days of planning, preparing and everything, para maging successful ang Binibini at Ginoo. And it was. SSC po ang head organizer pero we took the initiative na gawin na lahat kahit hindi kami College Council dahil alam naming responsibilidad namin yun. Sa Fashionista, meron po bang gumawa nun to help the head organizer? Hindi po kaya yun ang kulang?
33 minutes ago · ·
Carlo Yanesa
Carlo Yanesa
i can't answer that for you jeremae. it might. we'll have to know more from people concerned. pero it's nice to hear that ur team made that effort to make bb. at ginoong pamantasan work. ang wish ko lang, eh di na maulit ang ganitong mga pagkakataon. it only demean plm's capability to mount / stage such activities. with that said, i will sleep na. haha. hope some light was shed thru this conversation.
27 minutes ago · · Flag

Share lang. :)))

Thursday, June 17, 2010

Resolved No. 01

Kinausap kami ni ate Rhea nung kahapon ( June 16, 2010). Hindi ko alam kung anong nangyari. After nung pag-uusap, umiyak ako ng umiyak kay Jeng. Sa either napakaraming dahilan, o dahil sa hindi ko talaga maisip kung ano yung dahilan.

Pinamuka niya kasi sa akin na ako na talaga ang Presidente ng BSA-ISO. Ako na mag-iisang taon pa lang sa org at 2nd Year pa lang sa PLM. Hindi ko alam kung ano talaga yung point ng pag-iyak ko. Siguro una, dahil sa nung kinausap ako ni ate Rhea, pinamuka niya sa akin kung gaano ako naging kairesponsable sa isang bagay na ipinipilit nilang mangyari sa residente. Sa isang bagay na hindi ko tinanggap kasi ang lala ng naging problema sa loob. Pangalawa, dahil isinampal niya sa akin kung gaano kalaki ang responsibilidad ko, sa lahat at bawat Bukluran sa Pamantasan. Naramdaman ko kahapon yung sobrang bigat na pakiramdam na sa sa panahong to, lahat lahat sila, nasa mga balikat ko. Hindi lang ang pangalan ng Org kundi ang bawat tao rin na nagdadala sa pangalang yun. Pangatlo, dahil sa hinaba ng panahon na ginugol ko para sa Bukluran, at sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko, kulang pa din pala ang lahat ko. Na wala pa pala siya sa katiting na kailangan ng buong Organisasyong hahawakan ko. Pang-apat, connected sa pangatlo, ang taaaaaaaaaaaas ng tingin sa akin ng karamihan pero sobrang nahihiya ako kasi hindi ko alam kung may napatunayan na ba talaga ako. Ang sakit kasi na lahat ginagalang ka sa mga bagay na akala nila ikaw talaga, pero hindi pala.

At habang nagtatype ako, narealize ko na lahat nagboil down lang sa ibang bagay, na naging sobrang duwag akong harapin ang katotohanan. Na sobrang natakot akong yakapin ang isang posteng matagal ko na palang piunanghahawakan.

At sobrang gumaan ang pakiramdam ko ng kinausap ko kanina si Noli. Alam kong sobrang problemado siya sa SSC, pero hindi ko na napigilang magtanong sa kanya. Sa lahat naman kasi ng tao sa Bukluran, siya. Siya talaga ang tunay na alam kong nakakakilala sa akin. Siguro hinintay ko lang yung pagkakataong sa kanya na mismo manggaling yung mga salitang sobrang kailangan kong marinig para magsurvive. Siguro dahil kung hindi nanggaling sa kanya yun, iba ang magiging epekto sakin, so in short, siya lang naman yung taong hinintay kong magsalita sa mga bagay na nangyayari ngayon. Ayun.

Siya yung nagsabing kasi kung ayaw ko talaga, pero para sakin naman, mapupunta at mapupunta sa akin. Na kaya ko kasi magaling ako. Kasi kaya ko. Na kasi mas magaling ako sa lahat ng natira kaya ako. Nung sinabi / tinaype niya yung mga bagay na yun nagsimula akong umiyak at nagsimula kong iopen sa kanya lahat ng bagay na bumabagabag sa akin.. Hindi naging ganun kahaba yung pag-uusap namin tuld nung kay Jeng pero gumaan ng sobra yung pakiramdam ko after nung pag-uusap.

Hindi dahil bonggang bongga yung pagpuri niya sa akin kundi dahil dun ko narealize na nagtitiwala siyang kaya kong gampanan ang naging papel niya. Sa buhay ko sa Bukluran, wala ng exact na word para madefine ko kung ano na ba talaga siya sa akin. Pero yung simpleng bagay na alam kong pinagkakatiwalaan niya ako, sobrang laking bagay na nun.

Hindi pa din siyempre natanggal yung problema niya sa SSC, pero okay na ko. Haha. At least, ngayon, mas go akong tumulong kasi MEDYO naresolba ko yung sarili kong issue. Wala. Ayun.

Tuesday, June 15, 2010

My Personal Miracle

Siguro kinailangan ko lang ng panahong wala nang ibang taong pwedeng makinig sa nararamdaman ko para bumalik sa dati kong ginagawa na hindi pumalya sa pagpapaginhawa ng pakiramdam ko..

Hindi naging madali para sa akin ang pumasok sa College. Pero sa lahat ng mahirap na nagawa ko, itong panahon na ‘to yung pinakamahirap. Lumaki ako sa isang Organisasyon na humubog sa kung sino o ano ako ngayon. Mag-iisang taon na rin siguro ako, at kahit kalian, hindi ko pinag-sisihan yun, sa katunayan, laking pasalamat ko pa sa lahat ng panahong naiisip kong Bukluran ako. At kung may isang tao akong pasasalamatan ng sobra, si Noliver Barrido yun..

Hindi ko siya kilala, isa lang sa mga ordinaryong higher year Orgmate si ‘kuya Noli’ nung unang beses na nakita ko siya. Pero habang tumatagal, hindi na ordinaryo ang nagging tingin ko sa kanya. Dumating yung panahon na naging Secretary – General niya ako, sobrang ikinatakot ko yun dahil First Year pa ko, pero, hindi pala sa dahilan nay un ako dapat matakot. Kung hindi sa fact na hindi isang ordinaryong ‘Org President’ ang makakatrabaho ko.

Pero habang tumatagal, hindi lang siya naging ‘Presidente’ ko. Naging Mentor, Trainer, Kaibigan, Kasama, Kasangga, Kapatid... Hindi lang ako isang beses umiyak nang dahil sa mga sermon niya, at hindi lang ako sa mga sermon niya umiyak. Kung hindi dahil sa napakaraming bagay na itinuro at ipinarealize niya saken.

Madali siyang hangaan, pero mahirap Mahalin. Pero kapag minahal mo na, mahirap nang bitawan ulit. Hindi naging madali ang makasama siya sa maikli ngunit siksik na siksik na panahon. Ang hirap na uling bumitaw, kahit ilang beses nang nasubok yung pagmamahal na yun.

Hindi ko magawang iwanan siya sa mga sandaling alam kong sobrang nahihirapan siya, kasi alam kong mas mahihirapan ako para sa kanya. Pero ngayon, na masasabi kong ayos na siya... Siguro nga, kailangan ko nang bitawan ang kung anuman na pinanghahawakan ko dati, dahil may ibang tao nang pwedeng fumulfill nun o lagpasan pa...

Ayoko lang ng ganitong paraan, sa ganitong panahon.

Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ang blog entry na ‘to. Naglabu-labo na rin mga bagay sa utak ko e.