Isang pinagpalang umaga mga kabuklo,
Isang paalala mula sa isang taong higit na nakakaalam sa mga bagay bagay na hindi alam ng iba. Nais kong hilingin na huwag masyadong bigyan ng sandamakmak na trabaho si emae. Matalino yong bata, magaling, maaasahan, pero hindi niya kayang gawin lahat ng trabaho. Oo siya ang presidente pero wag naman maya't maya siya ang pressurin, may ibang officers din naman siya. Magmula pa noong election hanggang nitong hulyo, labas masok ng ospital ang bata due to overfatigue, shortness of breath, scoliosis and stress-related illness, i am pertaining to illness, not just a disease. Hindi yon alam ng iba, pero ngayong alam niyo na, sana maunawaan ninyo na bagamat hindi siya nagrereklamo, bagamat hindi siya tumututol, eh okay ang kalagayan niya.
Ayokong maririnig ulet, na pati ang trabaho ng SSC ay si emae na halos ang gumagawa, nakakahiya naman sa mga SSC officers. Inaasikaso ng bata ang congress, trainings, org, party, wag na sanang dumagdag pati ang ssc...May kanya kanya kayong liderato.
Madalas inirereklamo ng bata ang kanyang co-officers, sa pagiging mediocre ng mga ito. Na tuwing may iuutos, hindi pulido ang output at tila hindi sumusunod nang maayos sa instruction. Mayroon din namang maayos magtrabaho, pero karamihan palpak. Napepressure siya, ramdam ko yon, at alam ko na hindi na rin niya natututukan ang pag-aaral niya.
Wag nating iparamdam sa presidente ng bukluran na may dapat siyang patunayan, for all we know, she's just 17, may mga responsibilidad lang siyang dapat gampanan subalit dapat ay katuwang niya tayo. Thanks eric for guiding the org.
Yon lang, gusto ko lang maiwasan ang pagdating ng panahon na bigla lang magbreakdown ang bata sa school dahil sa sobrang pagod. Muntik na nga yang itransfer ng school ng nanay niya eh, kasi sa sobrang pag-aalala sa kalusugan niya. kahit papaano, gusto ko rin naman na maenjoy ni emae ang college life niya, hindi yong puro trabaho na lang. Sana wag ipagkait sa bata ang kanyang kabataan. =)
Noli sent this to every concerned person. Not including me.
Natouch, nahiya, naasar at natutuwa ako for this. Anuman ang pinili ko at kung nasaan man ako ngayon, wala akong pinagsusumbatan. Dahil ito ang pinili ko. Ito ang desisyon ko. Ginusto ko to kahit alam kong andaming nakataya. Pamilya, Health pati moral issues ko. Hahahaha. Pero kahit ganun, wala akong pinagsisihan, wala akong pinagsisisihan at wala akong pagsisisihan.
Nahiya at naasar ako kasi pati sa Alumni sinend niya 'to. Hindi na ko magpapakaplastic para sabihing balewala lahat ng sasabihin nila. Syempre, matter sakin anuman ang opinion nila sa bawat ganyang issue. At tulad ng sinabi ko, ayokong nalalaman ng lahat yung mga ganyang issue ko sa buhay. Parang sinusumbat ko lang din kasi sa kanila lahat ng pinaggagagawa ko na yung iba naman e walang katuturan. Hahaha.
Natouch at natutuwa. Alam ko namang mahal ako ni Noli e. Pero di ko naman alam na aabot sa ganito. He's never expressive sa feelings niya, and I super duper appreciate this. Kahit medyo nahihiya talaga ko.
Tsaka ayoko ng feeling na kinaaawaan. Ieww. I don't deserve that. Hahaha.
Lagi kong iniisip what would it be if I chose the other path. Pero, after every moment like that, nakikita ko yung dahilan bakit ako nandirito, at patuloy na kumakapit. Hindi ako kailanman nagsisi, at wala akong pagsisisihan.
-status ko sa FB.
:))
No comments:
Post a Comment