Saturday, January 01, 2011

My Wind.

I met him last 12-21-10, 3 years after our break up. And yes, I fell in love with him all over again.

Pero iba ngayon, mas nakakausap ko siya sa kung paanong paraan ko gusto, sa paraang hindi niya mahahalata na kasama kong bumalik sa Cavite ang feelings ko para sa kanya noon. Casual lang kami sa pag-uusap sa kasalukuyan at sa nakaraan. Tinatawanan lang namin lahat. Sa kanya siguro, bawat sandaling magkasama kami, wala lang. pero para sa akin, yun na ang bumuo ng araw kong nagsisimula pa lang.

Maraming beses kaming ganun. Halos lahat ng oras na magkasama kami, ganun lang ang nangyayari. Pero iba nung Bagong Taon.

Star: Andami mong niligawan, bakit waa kang girlfriend?
Wind: Kasi wala naman akong sineryoso.
Star: E bakit wlaa kang sineryoso?
Wind: Mahirap kayang masaktan, lalu na pag mahal na mahal mo? Mahirap.
Star: Oo, mahirap talaga.. Sobra.

Tianawanan lang namin yung pagkakataong yun kahit alam namin na malalim yung kahulugan nun para sa 'ming dalawa.

Lalu sa akin. Dahil bukod sa naalaman kong kung ano ang ginawa niya sa akin, yun din ang ginawa sa kanya ni Graciel at ang mas masakit, na kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon, yun pa rin din ang nararamdaman niya para kay Graciel. Na wala pa ring ibang mas mahalaga sa kanya kundi si Graciel.

Pareho kami ng status ngayon. Yung nararamdaman ko para sa kanya, at yung nararamdaman niya para sa iba.

Pagkatapos ng pitong taon, nagtataka lang ako na hindi nagbago ang lahat. Mahal ko pa din siya, mahal na mahal.




No comments:

Post a Comment