Wednesday, August 10, 2011

First Time

So yeah, this post would be about that guy on your left. That skinny, moreno, playboy, perfect fucking partner guy there (I prefer performance).

And before I start. This is a NOTE. I still dream of wearing a white traje de boda on my wedding, presenting myself as a virgin, and giving that very wonderful gift to my man.

That's just it. And here it goes.

I met this guy roughly 5 months ago. We have Alvin and Arianne as our first common friends (pero dumami na rin) and the Fronteras' Residence is always our second home. It was not surprising that as a neighbor and a friend to the siblings, they'd also act as if they live in the house. I find him cute even on the very first time we met, but didn't give much attention. When Holy Week came, as a tradition I participated in the Bisita Iglesia, but this time, with my friends, Alvin, Arianne, Charmaine, Noli, Louie, Marco, and the three of them, Adriane, Bobby and Kristine. And again, I didn't give too much attention.

He's not a close friend, I cannot even consider him as a friend as of the moment. I am not in love with him or whatever you call that shit. He's just the first person who explored the body of, yours truly. A week before tati happened, I was so drunk and I was really acting crappy. And since he's some kind of an alcoholic monster, all he did was mock at me every time I see him after that night.

Pero pagkatapos ng isang linggo, nagkataong nagkita ulit kami sa bahay nila Arianne para mag-inuman, this time, with Andrew, Ace, Peter, Arianne, Meng, Triccie, Alvin and all the other Otis people. Crush ko na naman kasi noon pa si Adriane, iba lang ata talaga that night dahil sa alak. Kasi nga kapag may alak, may balak.

Sa madaling salita, may nangyari sa amin nun. Tinanong pa niya sa akin nun kung tuloy-tuloy na ba kami sa langit, pero tumanggi ako. Alak, init ng katawan at konting kilig lang ang gumana sa akin kaya ako pumayag. Walang pagmamahal, libog lang. Hindi ko alam kung paanong tatapusin yung mainit na eksenang yun. Unang beses ko e, samantalang hindi ko malaman kung pang-ilan na niya. Magaling si Adriane, performance level.

Pagkatapos pa lang ng inuman, hindi na siya umuwi sa kanila. Nag-abang lang siya sa loob habang tuloy pa rin ang kwentuhan naming magkakaibigan. Nung pumasok kami para matulog, tabi dapat kami ni Arianne. Pero 'pag lights off, nasa gitna na namin si Peter. Tapos katabi ko si Alvin. Si Adriane, nakaupo pa rin, na kitang kita lahat ng galaw namin. Hindi ako makatulog nun pero buti, gising pa rin si Peter kaya tuloy pa rin kami sa kwentuhan.

Pero dumating naman yung oras na busy na si Peter sa ibang bagay, o, mas tamang sabihin, sa iba pa niyang katabi. Binigyan niya na lang ako ng pera para bumili ng Red Horse, pampatulog. Paglabas ko ng bahay sumunod si Adriane, alam ko na yung mangyayari.

Pag-uwi, sinalin sa baso yung alak, pero kaming dalawa lang din ang uminom. Lights off na ulit. Naka-higa na ulit kami. Ganun pa rin ang pwesto.

Tinanong ko si Peter at si Adriane kung tulog na sila. Hindi na sumagot yung isa, yung latter, sumagot pa. Pa-wala na yung diwa ko nun nung nagtanong si Adriane, hindi ko maintindihan kaya tumingala ako. Naintindihan ko na ang sinabi niya. Sinabi niya sa labi ko e.

Hindi pa kami nagkakasama ulit sa inuman pagkatapos nun, meron, pero once pa lang ata. Maraming nakakaaalam pero open secret lang. Deadma lang. Kasi nga, wala naman.

Thursday, August 04, 2011

Balisong.






I am really a fan of OPM Bands at nalulungkot ako sa tuwing nadi-disband ang iba't ibang banda. Pero, wala tayong magagawa. Ang maganda naman kasi, madisband man o hindi, hindi maaalis sa dugo ng bawat musikerong Pilipino ang musika (duhh) e.

Curretly: Naiinlove sa dalawang kantang ito. Balisong - Rivermaya at Moonriver, na version ni Ebe Dancel.

Can't have at the moment.


Got it form, of course, youtube pero from Trish Palconit's blog na rin. Wala kasi akong magawa kaya bilang pag-eenjoy na rin ng pagbalik ko dito sa BS ay nag-bloghop na rin ako.

Sa ganda ng Cinemalaya ngayung taon, at sa dami ng MassComm friends ko, ay, unfortunately, hindi pa rin ako nakanood ng kahit anong Cinemalaya movie, maliban sa "Ang Babae sa Septic Tank" na hindi ko talaga pinalampas sa unang araw palang ng pagpapalabas nito sa SM Cinemas.

Anyway, ang lakas lang ng dating ng istorya nitong Lapit na U, Ligo na Me sa 'kin. Well, yung movie na rin, kinabog lang niya ang No Strings Attached na ang tagal ma-download at Friends with Benefits na papanoorin ko rin sometime. 'Di ko pa naman 'to napapanood, opinyon ko pa lang naman yan mula sa trailer na napanood ko.

Naalala ko yung last time na magkatext kami ni George Oribiana at nagbigay ako ng clue sa kung anu-anong pinaggagagawa naming magkakaibigan (Andrew, Peter, Arianne, Ace, Ako), ni-recommend niya agad na panoorin ko 'to kahit na 'di ko naman sinabi ang details.

Anyway, wala akong magagawa dahil matagal-tagal na panahon ang kailangan ko pang hintayin para mapanuod talaga yan. So, bahala na.

The Friend who gave so much benefits.


Joel Lara. Ka-org. Kaibigan. Kati. Kalandian. Ka-ibigan?
Nakilala ko si Joel nung Election 2010. Isa siya sa mga kandidato way back ng party. Tumatakbo siya nun for College Representative ng College of Physical Therapy, na fortunately, nanalo naman. Naalala ko pa nung vigil for the elections, umiyak siya, kasi sa buong slate nila, kahit na nanalo siya, may isang natalo. Haha, nakakatawa lang, iyaking Joel.

Yung huling beses na pinag-usapan namin yung lahat ng nakaraan namin, umamin siya na crush niya 'ko simula pa lang, bago pa mag-election. Dumating din yung LTS, na nagpapicture ako sa kanya dahil inaasar ko si Noli dahil may crush siya kay Joel. Wala lang siya sa'kin nun. Ordinaryong ka-org. Umiikot kasi ang mundo ko nun sa iila
ng tao lang sa Bukluran.

After LTS (summer vacation pa rin), nung naka-sun ako dahil kay Ate at kay Noli, nagulat ako nung nag-Sun din siya. Inamin niya rin yun nung huling usap namin, na para sa'kin yun. Na-flatter ako ng sobra, though ngayon ko lang nalaman, kasi minsang lang yung may magbigay ng ganung effort sa akin. After nung mga oras na lagi na kaming magkatext at magkausap at may tawagang Labs, hindi pa rin nagbago yung tingin ko sa kanya. Ka-org, kaibigan.

Dumating yung pasukan nun, na naisipan kong magkunwaring kami, na gusto ko siya, na hmm, nilalandi ko siya. Ngayon ko lang na-realize na nag-take advantage lang ako. Alam kong gusto niya 'ko e. At alam kong kung gagawa pa ako ng move, lalo niya akong magugustuhan. Tumagal yung ganung state namin. Na may tawagan, na laging magkatext, magkausap, magkasama. Natutuwa ako sa lahat ng acts niya, kasi sa lahat ng yun, alam ko, iniisip niya ako. Naging malinaw sa kanya noon pa lang na kinakati ko lang talaga siya.

Dumating yung time na liligawan niya na ako, para maging pormal na ang lahat. Yun din yung time na nagkakagusto na sa kanya si Kim, isa sa pinakamalapit kong kaibigan. Pero, eto rin yung time na bumalik ako sa Cavite, nakita at nakausap uli si E. Alam ko ng mga panahon na yun na wala na kaming pag-asa ni E, na lahat, naiwan na sa past, na magkaibigan na lang talaga kami. Pero ewan, buong buhay ko, si E pa lang yung masasabi kong minahal ko talaga, kaya nga ang laki ng impact na iniwan niya sa 'kin. Kaya nung tinext ako nun ni mama para pumuntang Cavite, at isa si E sa mga susundo sa 'kin, bumalik ako.

Sa laki ng iniwang bakas ng Christmas vacation na kasama si E, dinala ko yun hanggang sa pagbalik ko sa Manila, sa PLM. Nalaman ng lahat yun, including Joel. Dun nagsimulang magbago yung pakikitungo niya sa akin. Alam ko may gusto pa rin siya, pero iba na. Pero, ewan, di ako nabahala nun. Or anything.

Dumating ang summer 2011. Dumami ang inuman sessions sa Bukluran, at ayon sa lahat ng nakakausap ko, sa tuwing nalalasing si Joel, lagi niyang kinukwento kung paano at gaano niya 'ko ka-gusto, kung paano niya sobrang na-appreciate si Kim. Kinukwento niya rin na kaya ko sinasabing mahal ko si E, kasi pinaraya ko siya for Kim. Natouch ako nun, kasi nga alam ko, may gusto pa rin siya sa 'kin. Pero dati, nagagalit din ako sa tuwing kinukwento at sinasabi niya na nagparaya. Dati di ko alam kung bakit e. Ngayon alam ko na.

Pagdating ng Pasukan 2011, nagkakamabutihan na talaga sila ni Kim, mahal na rin siya ni Kim e. At wala na kay Kim kung mahal na din ba siya ni Joel o hindi. Si Joel naman, sobrang gusto kay Kim, tipong alam niya, magiging sila na.

Nasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako nun. Pero hindi lahat ng sakit, dulot ng pagmamahal. At hindi lahat ng selos, pag-ibig ang dahilan.

Joel, kung mababasa mo man 'to, alam kong masasaktan ka, kaya sorry. Sorry.

Ako yung dating dahilan ng lahat ng ginagawa mo, ng ngiti mo, ng pag-unli mo everyday, ng pag-stay mo sa shed kahit may test kinabukasan, ng sweet na mga status mo sa FB at ng lahat pa ng kalandian sa mundo. Pero ngayon, hindi na. Parte na lang ako ng kahapon. Nagselos ako kay Kim kasi nasa kanya na yung atensyon na tinetake for granted ko lang dati. Pero hindi ko na pinagsisisihan yun, kasi at least, ngayon, totoo na yung inooffer sa'yo ni Kim, hindi simpleng pag-entertain lang. Mahal ka talaga niya, hindi tulad ko, na ginamit ka lang para ma-satisfy ang sarili.

Hanggang ngayon, may konting *insertwordhere* pa rin sa tuwing nakikita ko yung attention na binibigay mo kay Kim, pero, at least, lessened na naman.

Na-realize ko 'to nung may nangyari sa 'tin, (virgin pa 'ko a!). Na kung mahal talaga kita, sobrang magiging masaya o sobrang magiging malungkot ako. Pero hindi, wala akong naramdaman nun maliban sa L. Naging close ulit tayo nun, napag-usapan natin lahat ng bagay kasama ng pag-amin mo sa 'kin sa lahat ng nakaraan. Sorry nga lang kasi, ikaw lang talaga ang umamin nun. Bumalik yung dati nating landian, pero after nun wala na. Wala akong nararamdaman.

Hindi ko alam kung paano ko ieexpress ng maayos lahat ng nasa isip ko ngayon. Sa lahat kasi ng nakalandian ko (na konti lang naman. haha), binigay mo yung totoong version nung bagay na nilalaro ko palagi. Sorry, kung nasaktan kita. Pero thank you, sa pagbibigay ng hinahanap ko. Yun mismo kasi talaga yung binigay mo, ang sad part lang siguro dito, hindi ikaw yung dapat na nagbigay nun.

Salamat din, kasi isa ka sa mga dahilan kung bakit ako masaya ngayon, hindi dahil sa kung anumang nakaraan o nangyari sa 'tin, dahil kundi sa mga bagay na narealize ko after ng, kung nagkaroon man, 'tayo'. :)

Para kang hayop na dahil sa unang kita natin, lapit ka ng lapit sa 'kin, at sobrang natuwa naman ako sa'yo, kinulong kita para 'di ka na makawala at ako lang ang bigyan mo ng ganung atensyon at saya. Pero may dumating para ikaw naman ang pasayahin, ang kaibahan namin, gusto ka talaga niya, at willing siyang ibigay ang kahit ano, mabalik lang sa'yo yung sayang binibigay mo sa kanya. Nainis ako kasi dapat ako lang yung pinapasaya mo e. Pero, masyado na akong naging maka-sarili, kaya ngayon, pakakawalan na kita.



Going back.

Huling beses na nagpost ako dito, nung January 1, 2011 pa. Pero hindi ibig sabihin nun, kinalimutan ko ang pagbblog, o sa pananaw ko, pagsulat ng lahat ng mga importanteng bagay sa buhay ko. Natuto ako mag-Tumblr, na ikinasaya ko naman dahil nung una, parang blogspot din, na siympre, unti-unting nagbago. Hinahanap-hanap ko pa din yung *insertwordhere* ng Blogspot, kaya as expected, binalikan ko 'to.

Salamat kay Xyra Yuson, dahil unconsciously, napa-realize niya sa 'kin na kailangan ko ngang bumalik dito. After all, dito ko pa rin naman masasabi lahat. Lahat lahat.

So, hmm. Sapat na siguro 'to para sa welcome back message ko. :)