Thursday, August 04, 2011

The Friend who gave so much benefits.


Joel Lara. Ka-org. Kaibigan. Kati. Kalandian. Ka-ibigan?
Nakilala ko si Joel nung Election 2010. Isa siya sa mga kandidato way back ng party. Tumatakbo siya nun for College Representative ng College of Physical Therapy, na fortunately, nanalo naman. Naalala ko pa nung vigil for the elections, umiyak siya, kasi sa buong slate nila, kahit na nanalo siya, may isang natalo. Haha, nakakatawa lang, iyaking Joel.

Yung huling beses na pinag-usapan namin yung lahat ng nakaraan namin, umamin siya na crush niya 'ko simula pa lang, bago pa mag-election. Dumating din yung LTS, na nagpapicture ako sa kanya dahil inaasar ko si Noli dahil may crush siya kay Joel. Wala lang siya sa'kin nun. Ordinaryong ka-org. Umiikot kasi ang mundo ko nun sa iila
ng tao lang sa Bukluran.

After LTS (summer vacation pa rin), nung naka-sun ako dahil kay Ate at kay Noli, nagulat ako nung nag-Sun din siya. Inamin niya rin yun nung huling usap namin, na para sa'kin yun. Na-flatter ako ng sobra, though ngayon ko lang nalaman, kasi minsang lang yung may magbigay ng ganung effort sa akin. After nung mga oras na lagi na kaming magkatext at magkausap at may tawagang Labs, hindi pa rin nagbago yung tingin ko sa kanya. Ka-org, kaibigan.

Dumating yung pasukan nun, na naisipan kong magkunwaring kami, na gusto ko siya, na hmm, nilalandi ko siya. Ngayon ko lang na-realize na nag-take advantage lang ako. Alam kong gusto niya 'ko e. At alam kong kung gagawa pa ako ng move, lalo niya akong magugustuhan. Tumagal yung ganung state namin. Na may tawagan, na laging magkatext, magkausap, magkasama. Natutuwa ako sa lahat ng acts niya, kasi sa lahat ng yun, alam ko, iniisip niya ako. Naging malinaw sa kanya noon pa lang na kinakati ko lang talaga siya.

Dumating yung time na liligawan niya na ako, para maging pormal na ang lahat. Yun din yung time na nagkakagusto na sa kanya si Kim, isa sa pinakamalapit kong kaibigan. Pero, eto rin yung time na bumalik ako sa Cavite, nakita at nakausap uli si E. Alam ko ng mga panahon na yun na wala na kaming pag-asa ni E, na lahat, naiwan na sa past, na magkaibigan na lang talaga kami. Pero ewan, buong buhay ko, si E pa lang yung masasabi kong minahal ko talaga, kaya nga ang laki ng impact na iniwan niya sa 'kin. Kaya nung tinext ako nun ni mama para pumuntang Cavite, at isa si E sa mga susundo sa 'kin, bumalik ako.

Sa laki ng iniwang bakas ng Christmas vacation na kasama si E, dinala ko yun hanggang sa pagbalik ko sa Manila, sa PLM. Nalaman ng lahat yun, including Joel. Dun nagsimulang magbago yung pakikitungo niya sa akin. Alam ko may gusto pa rin siya, pero iba na. Pero, ewan, di ako nabahala nun. Or anything.

Dumating ang summer 2011. Dumami ang inuman sessions sa Bukluran, at ayon sa lahat ng nakakausap ko, sa tuwing nalalasing si Joel, lagi niyang kinukwento kung paano at gaano niya 'ko ka-gusto, kung paano niya sobrang na-appreciate si Kim. Kinukwento niya rin na kaya ko sinasabing mahal ko si E, kasi pinaraya ko siya for Kim. Natouch ako nun, kasi nga alam ko, may gusto pa rin siya sa 'kin. Pero dati, nagagalit din ako sa tuwing kinukwento at sinasabi niya na nagparaya. Dati di ko alam kung bakit e. Ngayon alam ko na.

Pagdating ng Pasukan 2011, nagkakamabutihan na talaga sila ni Kim, mahal na rin siya ni Kim e. At wala na kay Kim kung mahal na din ba siya ni Joel o hindi. Si Joel naman, sobrang gusto kay Kim, tipong alam niya, magiging sila na.

Nasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako nun. Pero hindi lahat ng sakit, dulot ng pagmamahal. At hindi lahat ng selos, pag-ibig ang dahilan.

Joel, kung mababasa mo man 'to, alam kong masasaktan ka, kaya sorry. Sorry.

Ako yung dating dahilan ng lahat ng ginagawa mo, ng ngiti mo, ng pag-unli mo everyday, ng pag-stay mo sa shed kahit may test kinabukasan, ng sweet na mga status mo sa FB at ng lahat pa ng kalandian sa mundo. Pero ngayon, hindi na. Parte na lang ako ng kahapon. Nagselos ako kay Kim kasi nasa kanya na yung atensyon na tinetake for granted ko lang dati. Pero hindi ko na pinagsisisihan yun, kasi at least, ngayon, totoo na yung inooffer sa'yo ni Kim, hindi simpleng pag-entertain lang. Mahal ka talaga niya, hindi tulad ko, na ginamit ka lang para ma-satisfy ang sarili.

Hanggang ngayon, may konting *insertwordhere* pa rin sa tuwing nakikita ko yung attention na binibigay mo kay Kim, pero, at least, lessened na naman.

Na-realize ko 'to nung may nangyari sa 'tin, (virgin pa 'ko a!). Na kung mahal talaga kita, sobrang magiging masaya o sobrang magiging malungkot ako. Pero hindi, wala akong naramdaman nun maliban sa L. Naging close ulit tayo nun, napag-usapan natin lahat ng bagay kasama ng pag-amin mo sa 'kin sa lahat ng nakaraan. Sorry nga lang kasi, ikaw lang talaga ang umamin nun. Bumalik yung dati nating landian, pero after nun wala na. Wala akong nararamdaman.

Hindi ko alam kung paano ko ieexpress ng maayos lahat ng nasa isip ko ngayon. Sa lahat kasi ng nakalandian ko (na konti lang naman. haha), binigay mo yung totoong version nung bagay na nilalaro ko palagi. Sorry, kung nasaktan kita. Pero thank you, sa pagbibigay ng hinahanap ko. Yun mismo kasi talaga yung binigay mo, ang sad part lang siguro dito, hindi ikaw yung dapat na nagbigay nun.

Salamat din, kasi isa ka sa mga dahilan kung bakit ako masaya ngayon, hindi dahil sa kung anumang nakaraan o nangyari sa 'tin, dahil kundi sa mga bagay na narealize ko after ng, kung nagkaroon man, 'tayo'. :)

Para kang hayop na dahil sa unang kita natin, lapit ka ng lapit sa 'kin, at sobrang natuwa naman ako sa'yo, kinulong kita para 'di ka na makawala at ako lang ang bigyan mo ng ganung atensyon at saya. Pero may dumating para ikaw naman ang pasayahin, ang kaibahan namin, gusto ka talaga niya, at willing siyang ibigay ang kahit ano, mabalik lang sa'yo yung sayang binibigay mo sa kanya. Nainis ako kasi dapat ako lang yung pinapasaya mo e. Pero, masyado na akong naging maka-sarili, kaya ngayon, pakakawalan na kita.



No comments:

Post a Comment