Tuesday, November 27, 2012

Mistakes and Scars.

Tatlong taon na yung Tumblr ko. So malamang, mas matanda ito. Haha. Narealize ko lang na lahat ng itinatago ko, nandito yung totoong kwento, yung totoong nangyari. Sa takdang panahon, may pagkakatiwalaan ako ng blog na ito, na hahayaan kong makaalam ng lahat.
May isang tao ang wala dito, si Louie. Dumating kasi yung point sa buhay ko na akala ko, magkakaroon na ako ng maayos at matinong relasyon. Yung hindi ko kailangang magtago, yung hindi ko kailangang magpalusot at gumawa ng kwento dahil okay na. Yung hindi landian lang, na akala ko, paghahandaan kong mag-commit.
Matagal ko nang kilala si Louie. Pero kilala lang. Kapatid siya ni JR na crush ko at ni Wina Shi na kalaro ko noong bata pa ako. Itong huling summer (2012) niya lang daw ako talaga napansin. Naaalala ko pa, pauwi ako noon dito sa Manila, habang naglalakad, nakasalubong ko yung mama niya, kinausap ako for a while. Napansin ko siya non, sa may bakod nila, nakatitig. In-ignore ko lang, nung una. Pero nakatitig pa din siya. After namin mag-usap ng mama niya, dumirecho na ako ng paglalakad.
May 26 nun, celebration ng 1st birthday ni Mickel. Kausap ng mga kapatid ko yung mga barkada nila sa Cavite, that time, kasama nung mga barkada si Louie. Nagulat ako nung binigay nila sa akin yung phone, tapos yun pala, si Louie yung nasa kabilang line. Gusto daw akong kausapin.
Nung araw na yun una kaming nagkatext. Nun pa ako bumili ulit ng TnT sim card para makatext siya. Nung una landian at pang-divert lang ng atensyon ang kailangan ko, na naging successful naman. na-divert nga ang atensyon ko, AT UMASA akong seryoso, pero yun nga, landian lang pala.
Pumunta pa siya ng dalawang beses sa bahay nun, nagpakilala kay mama. May isang beses pang pumunta siya sa school, at yung isa pa, nagkita kami sa Robinson's Otis. Tinitext at tinatawagan niya ako everytime. Halos siyana ang naging laman ng bawat 24 hours ko. Wala akong masabi sa effort na ipinakita niya nun, na nagkaroon din naman ng bunga, muntik akong ma-fall.
Hanggang sa nalaman ko na hindi pa rin pala sila break ng girlfriend niya for 5 years. Matagal nang sinasabi sa akin ng mga kababata ko yun, na hindi ko pinaniwalaan dahil sa effort na ipinakikita niya, hanggang sa ako na mismo yung nakakita. Nung unang beses, pinatawad ko pa, halos nagmakaawa pa ako na bumalik siya kahit ako yung nagpaalis. Pero after two weeks, natauhan din naman ako.
Masakit. At honestly, bitter pa rin naman ako. Unang beses sa buong buhay ko na nangyari 'to. Yung maging "other woman" nang wala akong kaalam-alam. Nahirapan ako talagang mag-move on, lalo na't yung taong dating laman ng 24 hours ko, wala na.
Ganun yata talaga kapag ibang tao yung dahilan kung paano ka nakapag-move on, hindi ka talaga makakamove-on. Hindi doon sa tao, kundi sa pakiramdam, sa pakiramdam na dependent sa iba yung kasiyahan mo.
2 months na halos mula nung natapos yung kay Louie. And guess what, we're friends, pati sa FB, yung account for others niya. Kaya nalalaman ko pa rin yung mga nangyayari sa kanya. At guess what ulit, may bago siya, na mas bata ulit, na pustahan, pinag-effortan niya rin ng sobra. Noong una, gusto kong magalit at magselos and everything, at pabalikin siya sa akin. Pero mali. Maling-mali. Hindi pa rin sila break ni Karen, at hindi ko na dapat pang ipaliwanag kung bakit maling-mali yung naisip ko.
Mali nga siguro na magkaibigan pa din kami dahil magiging bitter at magiging bitter pa rin ako. Pero wala eh, ayan na. Mayroon pa ring part na ayaw kong fully iwasan, na hayaan na lang na ganyan. Kailangan ko na lang din sigurong tanggapin na wala, ginago lang talaga ako. At nagpagago naman ako. At hanggang ngayon, nagpapagago pa rin ako.

Post created 2 years ago.

Friday, April 13, 2012

When you love someone.

So honestly, I am quite irritated sa aking sarili. At dahil napansin ko na after ko ipost dito ang mga bagay-bagay, natatapos agad yun, ipopost ko na dito ang kinaiiritahan ko.

May gusto ako kay Tim, pero mahal ko siya, bilang kaibigan. Pero yun nga, gusto ko siya. Hindi ko pa kasi ma-admit na mahal ko na siya romantically. Gusto, oo. Pero ganito kasi: may times na ang possessive ko sa kanya. Naiinis ako kapag nalalaman kong may ibang babaeng ganun sa kanya, at syempre, hindi ko yun maexpress out loud dahil sa fact na "Super close friends" lang talaga kami at wala kong karapatang angkinin siya. tapos, gusto ko siyang laging kasama, kapag magkasama kami, ayoko nang magkahiwalay pa ulit kami, o kaya 'pag magkahiwalay na kami, gusto kong katext agad siya. At huli, wala akong pakielam kung may mga babae siyang nilalandi as long as wala siyang bagong kaiinlove-an.

Oo, gusto ko talaga siya at nahihirapan akong itago yun kahit kailangan kong gawin dahil nga "magkaibigan" lang talaga kami. At putang ina lang, dahil nahihirapan na ako sa ginagawa ko. Ang hirap magpanggap, magpigil ng salita. May mga araw na siya lang iniisip ko. Pero may mga araw din na natutuwa ako kasi hindi tulad ng ibang babae, alam kong ako lang yung nasa pwestong 'to sa buhay niya, ang nag-iisa niyang "close friend".

Hindi tulad sa ibang lalake, mas pinili kong ilihim sa kanya 'to. Hindi ako nagsalita o nagpahiwatig, kahit nung mga panahong nilalandi niya 'ko. Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya nun kahit deep inside, sobrang nasisiyahan ako. Well kasi nga, natatakot akong mawala yung friendship kung aamin ako. At sa ngayon, yung relasyon na yun yung pinaka-ayaw kong mawala.

Fine. Alam ko muka na 'kong tanga kakadeny na hindi ko siya gusto pero nagrereklamo ako ngayon sa sitwasyon ko. pero 'di ba, gumagawa ka ng mga bagay para protektahan yung tao/bagay na mahalaga sa'yo? Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin, lalung-lalo na si Tim. Hindi ko kakayaning mawala ang mga yun kung gagawa ako ng isang bagay na para sa sarili ko lang naman. Masaya na ako na andyan siya, at mahal niya 'ko, bilang "kaibigan".

Mahirap lang talaga, kaya sana dumating yung panahon na 'di ko na siya gusto. Yung purong pagkakaibigan lang talaga tingin ko, para sa panahong yun, anuman yung maramdaman niya para sa'kin, 'di na ako mahihirapan.

Wednesday, March 07, 2012



Dalawang thesis, magkakasunod na araw ng defense, kabwisitan sa groupmates, pagod sa sobrang layong OJT, long test sa abpsy at pressure ng botany. 30 minutes, tocino at barbecue at isang tao para makalimutan lahat. Yey! Galing mo. haha. Iloveyouuu! Start na 'ko gumawa ulit. :* :))


I Pmed him before I went back to work.

I wanted to review my previous posts before I post something at this moment. But, I suddenly wanted to post everything that i am feeling as of the moment.

The quoted words say it all. I was really stressed today and, for heaven's sake I am stressed for tomorrow. I decided to call my 'boyfriend' and just waste my resting time not expecting that call would cause so much effect.

I am happy. With him. I do not know if I am 'inlove' but for sure I love this person bigtime. I do not know.

Friday, March 02, 2012

Trending.



Pagkatapos ng Friends with Benefits at No Strings Attached, Unofficially Yours naman. Pare-pereho ng istorya, kalibugan to pag-iibigan. Mas natuwa lang siguro ako sa Unofficially Yours dahil Filipino ang context. Nakakatawa at nakakakilig kasi nga si John Lloyd at Angel Locsin. Anyway, hindi naman ako nagpost para magsulat ng movie review.

Naguguluhan lang ako sa mga panahong 'to. May mga bagay kasi na nauulit kaya ayoko nang ituloy..kaso, masaya ako kaya gusto ko pa rin kahit papano. Ayoko lang ding simulan kasi alam kong hindi ako handa, sumugal tapos masaktan lang ulit. Masaya ako sa estado namin ngayon, "magkaibigan", at sobrang natatakot ako na magtapos yun, sa maganda o panget na paraan. Alam kong maimiss ko eh. Ayaw ko isipin, ayaw kong alalahanin.

Hay.. Sana..

Saturday, February 18, 2012

Inlove. :)

It has been a while..since the last time I fell inlove.

Binabasa ko yung last posts ko nung nagdecide ako na magpost na lang ng ibang bagay kesa ikwento lahat ng pangyayari sa buhay ko nung mga panahong hindi ako buhay sa cyberworld. Antagal na mula nung last time na nagpost ako ng tungkol sa isang tao, nang dahil lang sa kung anung dahilan. Kaya magpopost ako ngayon.

Nakikinig ako sa Fox Rain (yung tuvi duvi doo na kanta sa My Girlfriend is a Gumiho. Matagal ko nang alam yung kanta, pinanuod ko pa nga mismo yung telenovela. Pero mabilis ding nawala sa utak ko. pero lagi siyang tinutugtog ni Tim sa gitara, yun pa nga ang ringtone niya for the longest time bago siya nagpalit nitong huli. Ang ganda ng tono ng kanta, hindi ko naman naiintindihan yung lyrics pero hindi ako nagsasawang pakinggan yung kanta. Hindi ko alam kung anung gustong ipahiwatig nung words, o kung sino ang gumawa or whatever, pero wala na akong pakielam, ang gusto ko lang, mapakinggan palagi yung kanta, kahit paulit-ulit pa.

Nakilala ko last June si Timothy. Bago ako sa block, konti lang yung kilala ko at dun ko lang din nalaman na nag-eexist pala siya sa same batch at same course ko. Babaero si Tim, naging babae niya yung kaibigan ko at inagawan niya si Peter, na isa rin sa closst ko. At, oo, babae, dahil may girl friend siya at magsi-6 years na sila.

Hindi ko talaga crush si Tim, nagtataka lang ako kung bakit may mga babaeng nahuhumaling at naiinlove sa kanya na halos pumayag pang maging number 2 mapagbigyan lang niya. Kaya sinubukan kong alamin, isang buwan lang halos nung nalaman ko kung bakit. Pero hindi yun nagtagal, busy kasi siyang gawin na naman yung tactics niya sa isa pang babae. Isa siya sa pinakakakaibang lalakeng nakilala ko. Lumaki siyang walang ama tulad ko, panganay. Siya na yung kapartner ng mama niya sa lahat ng bagay. Siya ang taga-luto, laba, linis, plantsa, sundo sa mga kapatid, hugas ng plato, lahat. isa siguro yan kung bakit humaling na humaling talaga mga babae sa kanya. Mahilig siyang tumugtog ng gitara at kumanta, maganda yung boses. Sobrang mapang-asar, tuwang-tuwa siya 'pag naiinis na yung inaasar niya. Responsable at matalino pero tamad. Understanding pero selfish.

Naalala ko pa kung panu kami naging ganito ka-close. Siya yung nagsabi, wala daw kasi siyang close friend mula non. Lahat daw kasi naffall, (oo na, gwapo ka na sa kwentong yan), na medyo totoo rin kasi. Akala ko hindi kami aabot sa ganitong point. Akala ko kasi dati, siya yung taong walang sineseryosong usapan. Akala ko rin dati, gagaguhin niya lang ako tulad nung ginagawa niya sa iba. Pero nung mga panahong pakiramdam ko mag-isa lang ako, siya yung nagparamdam na hindi yun totoo. Hindi siya umalis, hindi niya 'ko iniwan hangga't kaya niya. Akala ko kasi, dun lang kami magsasama kapag masaya, kapag walang problema. Pero hindi, kasi napatunayan kong kahit sa mga panahong wala nang natira sa akin, papatunayan niyang meron pa akong 'siya.'

Siya naman yung nasa ganung kalagayan ngayon. Akala ko hindi niya ako pagkakatiwalaan, akala ko, hindi ako magiging worth na piliin niyang pagshare-an ng mga problema niya. Pero hindi, natuwa ako, kasi kahit bigat ng buhay niya yung gusto niyang ishare sa akin, nagtiwala syang hindi ko siya iiwan at tutulungan ko siyang dalhin yung mga bagahe niya.

Nito lang, ilang beses ko siyang sinabihan na napaka-selfish niya. Totoo naman kasi, hindi nga siya marunong magpahalaga ng ibang tao, madali siyang intindihin kahit napaka-unpredictable niya. At sa sobrang selfish niya, hindi ko alam panu ko nagagawang 'wag siyang iwanan, at tulungan pa rin kahit siya pa ang may kasalanan.

Pero ngayon, alam ko na.

Inlove ako.
Inlove ako sa kanya.

Hindi siguro sa paraan kung panu ko minahal si E, o kung paano ako muntik mahulog kay Joel. Mahal ko si Tim, kung panung mahal ng nanay yung anak niya, kung panung mahal ng kapatid niya yung isa pa niyang kapatid, kung panung mahal ng isang tao yung kaibigan niya. Hindi ko pwedeng maihalintulad si Tim sa kahit sinung kaibigan ko, kasi sobrang laki ng pagkakaiba niya.
Pero kung tatanungin ako kung sino ang isa sa mga pinakaimportanteng tao ngayon sa buhay ko, isa siya sa mga pwedeng isagot ko. Yung pagkakaibigan namin ang isa sa mga pinakamagandang tono na narinig ko, hindi ko man maintindihan lahat ng bagay tungkol dito, hindi ako magsasawang tabihan siya, sa saya, o problema. Mainterpret man ng ibang tao na ibang bagay ang pagkakaibigan namin, wala akong pakielam, basta ang alam ko, mahal ko siya, at wala na akong ibang hihilingin pa sa isang kaibigan bukod sa kanya. :)


Tuvi duvi doo ah ah.

Fox Rain--different Versions

http://www.youtube.com/watch?v=4I5rg9m8bYs&feature=related
http://www.youtube.com/watch?v=Igs_WPeZbq0
http://www.youtube.com/watch?v=HU7-tKy2F7g
http://www.youtube.com/watch?v=HjUHbV6DGcU&feature=related

Monday, January 23, 2012

Song from a Friend


The title is literal. Timothy suggested this song. Got LSSed so I posted it.

First in 2012.

First post. For 2012, and after a looooong time.

Been lying in my bed for the whole day. Guess hangover caused this. The last time I drank kasi was time immemorial. So yeah, I went to Xyra's last night and drank with her boyfriend, Mark James, Meng, Monique and Chryzl. Nasabit lang ako actually, at sinabi kong dadaan lang ako. Unfortunately, that 'daan' was 5 hours long. Went there at 12mn and went home at 5am already. Hindi ako nalasing when I was there kaya hindi ko alam ba't ang sakit ng ulo ko buong araw. The mix was new to me. Twas Gin bilog and Red Horse and Sprite and some Iced Tea. And I guess that mix caused this headache.

Anyway, I have thought of never posting again here in Tumblr, or even blog. I got no time na kasi. I've been so busy with everyting and I feel really miserable. Hay.

Anyway ulit, yesterday was the last day of our midterms. The plan was to go out with Beks. Unfortunately, there were certain events that led to change of plans. Instead, I went to NatLib with Timothy and his friend, ate lunch, then went to Rob for a while. However, Timothy suddenly had to leave so I went to PLM then to my brother's to visit my adorable pamangkin, then to Rob again then Mcdo Pedro Gil. Noli and my other colleagues stayed there unti 12mn.

So now, I dunno what to type anymore. I just wish I could blog more this 2012. Missed it badly.