Friday, April 13, 2012

When you love someone.

So honestly, I am quite irritated sa aking sarili. At dahil napansin ko na after ko ipost dito ang mga bagay-bagay, natatapos agad yun, ipopost ko na dito ang kinaiiritahan ko.

May gusto ako kay Tim, pero mahal ko siya, bilang kaibigan. Pero yun nga, gusto ko siya. Hindi ko pa kasi ma-admit na mahal ko na siya romantically. Gusto, oo. Pero ganito kasi: may times na ang possessive ko sa kanya. Naiinis ako kapag nalalaman kong may ibang babaeng ganun sa kanya, at syempre, hindi ko yun maexpress out loud dahil sa fact na "Super close friends" lang talaga kami at wala kong karapatang angkinin siya. tapos, gusto ko siyang laging kasama, kapag magkasama kami, ayoko nang magkahiwalay pa ulit kami, o kaya 'pag magkahiwalay na kami, gusto kong katext agad siya. At huli, wala akong pakielam kung may mga babae siyang nilalandi as long as wala siyang bagong kaiinlove-an.

Oo, gusto ko talaga siya at nahihirapan akong itago yun kahit kailangan kong gawin dahil nga "magkaibigan" lang talaga kami. At putang ina lang, dahil nahihirapan na ako sa ginagawa ko. Ang hirap magpanggap, magpigil ng salita. May mga araw na siya lang iniisip ko. Pero may mga araw din na natutuwa ako kasi hindi tulad ng ibang babae, alam kong ako lang yung nasa pwestong 'to sa buhay niya, ang nag-iisa niyang "close friend".

Hindi tulad sa ibang lalake, mas pinili kong ilihim sa kanya 'to. Hindi ako nagsalita o nagpahiwatig, kahit nung mga panahong nilalandi niya 'ko. Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya nun kahit deep inside, sobrang nasisiyahan ako. Well kasi nga, natatakot akong mawala yung friendship kung aamin ako. At sa ngayon, yung relasyon na yun yung pinaka-ayaw kong mawala.

Fine. Alam ko muka na 'kong tanga kakadeny na hindi ko siya gusto pero nagrereklamo ako ngayon sa sitwasyon ko. pero 'di ba, gumagawa ka ng mga bagay para protektahan yung tao/bagay na mahalaga sa'yo? Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin, lalung-lalo na si Tim. Hindi ko kakayaning mawala ang mga yun kung gagawa ako ng isang bagay na para sa sarili ko lang naman. Masaya na ako na andyan siya, at mahal niya 'ko, bilang "kaibigan".

Mahirap lang talaga, kaya sana dumating yung panahon na 'di ko na siya gusto. Yung purong pagkakaibigan lang talaga tingin ko, para sa panahong yun, anuman yung maramdaman niya para sa'kin, 'di na ako mahihirapan.

No comments:

Post a Comment