Nung una, hindi ko talaga alam ang ibig sabihin at kahalagahan ng kasabihang to. Pero, nakita ko rin kung ano talaga ang kahalagahan niyan dahil sa isang kaibigan. Hindi na ako magbabanggit ng pangalan, pero natawa ako kaninang umaga nang malamang parehong pareho ang ilang mga hinaing namin sa buhay. Tulad ko, nagkaroon din ng lamat ang relasyon niya sa isang kaibigan dahil sa... kalahating baso ng tubig. Nakakatawa talaga, magkaibigan nga sila no?
Harhar, change topic, gusto kong humingi ng paumanhin sa blog ko, antagal niang naisatambay dahil sa plurk, na bagong "social website" ng bayan, hindi talaga buong bayan ang nahuhumaling sa plurk, pero tama na nga sigurong tawagin ko ang sarili bilang isa sa mga init na init pataasin ang karma. Haha, malalaman mo ang terms na yan pag nag plurk ka:))
Ngayong araw na to, kung pagbabasehan ang academics at franklin at friends, perfect-- almost. Ayoko namang sabihin na soooobrang perpekto ng araw ko e, medyo lang. Siyempre, ngayon kasi, sinusulit ko talaga bawat segundo ko kasama ang mga kaibigan, alam ko naman kasing bilang na ang oras ko kasama sila. Kahit papano, alam ko naman na may iba akong makikita pa rin sa college, pero, iba pa rin kasi pag nasa loob ka ng perimeter ng MaSci at kasama mo sila e, masaya. Soooooobra~
Pero speaking of friends, miss na miss ko na talaga ang taong naging best friend ko ng bonggang bongga, ewan ko kung nag OOA lang ako masyado, pero, ewan, hindi ako nasanay sa kanya ngayon. Sabi ni Mati, na isang mabait na kaibigan din, lagi lang daw kasing stressed yon. Presidente kasi, pero.. basta, namiss ko tuloy si Mane:)
Isa pa palang nasa isip ko na gusto kong ishare ay si Mimi (codename lang din, pero, nabanggit na siya sa blog ni arvin before) Natuwa ako sa angking tapang niya sa pagtatapat ng nararamdaman sa lalaking gusto niya. Sosyal nga e, siya ang nagtapat, oha. Pero humahanga ako sa kanya, bihira ang gumagawa nun, kakaiba talaga yun si Mimi:)
Hanggang dito na muna ako, at magpplurk na muna~
neyslove~
No comments:
Post a Comment