Tuesday, February 03, 2009

Naalala mo pa?

Naalala mo pa?

Nung unang beses tayong nagusap ng masinsinan sa may istasyon? Nung unang beses tayong naglakad ng sabay para lang mag-usap ng mga bagay bagay? Nung pagkakataong isinawalat mo sa akin lahat ng nasa isip mo kahit dalawang buwan pa lang tayong magkaklase? Nung mga panahong madalas kong lapirutin yang tiyan mo? Nung nagsimula na rin akong sabihin ang lahat sayo? Nung araw na tinawag na mo ako na pinakamahalagang tao sayo? Nung araw na unang beses mong matulog na nakasandal sa babae? Nung mga araw na sabay tayo palagi umuwi para magkwentuhan? Nung araw na nag-iyakan tayong dalawa sa bus pero nalaman lang natin na umiyak ang isa’t isa kinabukasan? Nung araw na sobrang nagalit ako sayo dahil pumatol ka sa babaeng ayaw ko para sayo at ang feelingera ko nun? Nung araw na nagmamarunong ako sayo pero kahit ganun e sumunod ka pa rin kahit konti? Nung araw na nagpasama ka sa akin nung gabi para bumili pala ng regalo para sa akin din pala? Nung araw na kahit sobra sobra yung hinihingi ko e naibibigay mo pa rin? Nung mga pagkakataon na iniwan na ako ng lahat ng tao pero hindi ka umalis? Nung mga araw na baiw na baliw na ako kakaisip pero wala ka pa ring sawa na kausapin ako? Nung mga pagkakataon na malungkot ako dahil sa kalandian tapos ikaw pa tong nag-aadvise saken? Nung mga pagkakataon na napakaOA ko para hindi ka pansinin dahil lang nagtago ka ng isang pangyayari saken? Nung araw na iyak na ako ng iyak pero hindi ka umalis? Shit ka, sana hindi ka pa rin magsawa gawin ang lahat at maalala mo pa rin.

Hindi ko alam, namimiss ko na talaga ang taong gumawa ng lahat ng bagay na ito. Lahat ng bagay na napagsamahan na namin. Lahat. Nakakainis nga e, hindi ko tuloy alam kung nagOOA lang ako dahil namimiss ko ang bespren ko o dahil ba sa lahat lahat ng bagay na ginawa niya sa akin, ang hindi ko alam, mahal ko na pala ang gago. Andami na. Soooobrang dami na ng mga pinagsamahan namin, alam ko, wala pa to sa kalingkingan ng iba pa niyang kaibigan, pero para sa akin, walang kapantay ang mga yon.

DRAMAAA>.<

Wala akong maipost ng matino. Basta malungkot ako tuwing uwian dahil miss ko na siya. IEWWW. Lande. Sa ngayon, gusto ko muna magpasalamat sa mga pinakamamahal kong kaibigan, si JakeMATI at si pauBHE:)

No comments:

Post a Comment