Tuesday, April 07, 2009

Ang Huling El Bimbo

Bukod siguro sa title at sa konting intro, at sa maliliit na sundot ng Eheads dito, wala ka nang makikitang tungkol sa bandang iyon sa post na 'to.

Matagal tagal akong di nakapagpost, at sa haba ng panahon na di ako nakapag update (bukod sa skin) wala na kong magkwento pa ng detalyado.

Nung March 31 ntapos ang apat na pinakamaganda at pinakamemorable na parte ng buhay ko, ang high school. Sa apat na taon na iyon, marami ako masyadong natutunan. alam kong cliche na 'to pero, hindi lang ako sa libro natuto. Pati mga lessons sa buhay na kelangan at dapat kong malaman.

Kilala ang eskwelahan ko bilang pugad ng matatalinong tao. Nung una, takot akong pmasok dito, takot na baka maunahan ako. Takot na baka malunod, takot na baka lamunin lang ako. Nung elementary kasi ako, masyadong madali ang lahat. Ako yung pinupuri e, ako yung tinitingala, at alam ko yung pinasok ko nung high school na. Alam kong lahat ng tao dito, katulad ko lang din, yung iba nga higit pa.

Yung apat na taon na yun. Marami akong nakilala. Marami akong naging kaibigan, maraming tao yung naging kabarkada ko, maraming tao yung naging parte ng buhay ko, at napakaraming tao din ang naging dahilan ng pagkatuto ko sa maraming abgay.

Natutunan ko ang halaga ng pagkakaibigan. Na kulang ang pagkakaibigan kung walang saya, pero, hindi rin ang pagkakaibigan ang tawag dun kung puro saya lang. Na minsan, hindi sapat na kasama mo siya sa pinakamasayang parte ng buhay mo, kundi pati na rin sa pinakamadidilim na parte nito. Na hindi mo kailangan ng marami at sikat na barkada, dahil isang tunay na kaibigan lang, e sasaya ka na. Na minsan, kahit ilang taon mo pang kasama ang isang tao, hindi ka pa rin niya kilala. Na sa isang relasyon, mapa kaibigan o hinde, napakalaking bagay ng tiwala --dahil yun lang ang tanging bagay na magbibigkis sa inyo. Na hindi kailanman mapapantayan ng kahit anu pang relasyon ang tunay na pagkakaibigan.

Sa labing anim na taon ko sa mundong ibabaw, masasabi kong sa MaSci ko na naransan lahat ng tungkol sa pagkakaibigan. Naranasan kong mawalan ng tiwala sa isang kaibigan, ang mawalan ng tiwala ang isang kaibigan sa akin, ang makita kung gaano ka tunay ang tao o kaibigan sa harap at likod mo, ang magpakasaya kasama ang mga kaibigan, ang matuto ng mabuti at masamang bagay ang mga kaibigan, ang gumawa ng masama kasama sila, ang magpatawad at humingi ng tawad sa kanila, ang magsakripisyo at pagsakripisyohan, ang dumamay at damayan, ang umiyak para sa kanila at iyakan nila, ang tumawa ng parang walang bukas kasama nila, ang tumambay lang, at higit sa laaht, mahulog at magmahal ng isang kaibigan.

Siguro, kahit kailan, hindi magiging madali ang pagkakaroon ng kaibigan, pero gaano man kahirap, makakaya mo kase meron ka nung mga taong tinatawag mong "kaibigan".

--wait putol muna, ang aga kong pinapatulog:D

No comments:

Post a Comment