Friday, July 23, 2010
Thursday, July 15, 2010
Expression of a Tear
Isang pinagpalang umaga mga kabuklo,
Isang paalala mula sa isang taong higit na nakakaalam sa mga bagay bagay na hindi alam ng iba. Nais kong hilingin na huwag masyadong bigyan ng sandamakmak na trabaho si emae. Matalino yong bata, magaling, maaasahan, pero hindi niya kayang gawin lahat ng trabaho. Oo siya ang presidente pero wag naman maya't maya siya ang pressurin, may ibang officers din naman siya. Magmula pa noong election hanggang nitong hulyo, labas masok ng ospital ang bata due to overfatigue, shortness of breath, scoliosis and stress-related illness, i am pertaining to illness, not just a disease. Hindi yon alam ng iba, pero ngayong alam niyo na, sana maunawaan ninyo na bagamat hindi siya nagrereklamo, bagamat hindi siya tumututol, eh okay ang kalagayan niya.
Ayokong maririnig ulet, na pati ang trabaho ng SSC ay si emae na halos ang gumagawa, nakakahiya naman sa mga SSC officers. Inaasikaso ng bata ang congress, trainings, org, party, wag na sanang dumagdag pati ang ssc...May kanya kanya kayong liderato.
Madalas inirereklamo ng bata ang kanyang co-officers, sa pagiging mediocre ng mga ito. Na tuwing may iuutos, hindi pulido ang output at tila hindi sumusunod nang maayos sa instruction. Mayroon din namang maayos magtrabaho, pero karamihan palpak. Napepressure siya, ramdam ko yon, at alam ko na hindi na rin niya natututukan ang pag-aaral niya.
Wag nating iparamdam sa presidente ng bukluran na may dapat siyang patunayan, for all we know, she's just 17, may mga responsibilidad lang siyang dapat gampanan subalit dapat ay katuwang niya tayo. Thanks eric for guiding the org.
Yon lang, gusto ko lang maiwasan ang pagdating ng panahon na bigla lang magbreakdown ang bata sa school dahil sa sobrang pagod. Muntik na nga yang itransfer ng school ng nanay niya eh, kasi sa sobrang pag-aalala sa kalusugan niya. kahit papaano, gusto ko rin naman na maenjoy ni emae ang college life niya, hindi yong puro trabaho na lang. Sana wag ipagkait sa bata ang kanyang kabataan. =)
Noli sent this to every concerned person. Not including me.
Natouch, nahiya, naasar at natutuwa ako for this. Anuman ang pinili ko at kung nasaan man ako ngayon, wala akong pinagsusumbatan. Dahil ito ang pinili ko. Ito ang desisyon ko. Ginusto ko to kahit alam kong andaming nakataya. Pamilya, Health pati moral issues ko. Hahahaha. Pero kahit ganun, wala akong pinagsisihan, wala akong pinagsisisihan at wala akong pagsisisihan.
Nahiya at naasar ako kasi pati sa Alumni sinend niya 'to. Hindi na ko magpapakaplastic para sabihing balewala lahat ng sasabihin nila. Syempre, matter sakin anuman ang opinion nila sa bawat ganyang issue. At tulad ng sinabi ko, ayokong nalalaman ng lahat yung mga ganyang issue ko sa buhay. Parang sinusumbat ko lang din kasi sa kanila lahat ng pinaggagagawa ko na yung iba naman e walang katuturan. Hahaha.
Natouch at natutuwa. Alam ko namang mahal ako ni Noli e. Pero di ko naman alam na aabot sa ganito. He's never expressive sa feelings niya, and I super duper appreciate this. Kahit medyo nahihiya talaga ko.
Tsaka ayoko ng feeling na kinaaawaan. Ieww. I don't deserve that. Hahaha.
Lagi kong iniisip what would it be if I chose the other path. Pero, after every moment like that, nakikita ko yung dahilan bakit ako nandirito, at patuloy na kumakapit. Hindi ako kailanman nagsisi, at wala akong pagsisisihan.
-status ko sa FB.
:))
Wednesday, July 07, 2010
Alone
Sinusukuan na ni Noli ang pagtulong sa SSC, soooooooooooooooobrang drama ni Jeng, ang bigat bigat. Sobra. Nung andyan pa si Noli para sa SSC, ang gaan lang kasi alam kong Org lang ang hahawakan ko. Pero bakit ganun? Gusto kong mag-aral at maging anak pero hindi ko na magawa. Tapos, ang bigat bigat pa ng iniwan ni Noli. I feel so alone lalo. Feeling ko, nag-iisa lang ako at kargo ko lahat. Ang bigat bigat na talaga.
Sa pagsuko ni lady mishil. Susuko na rin ako. :)
tandaan mo ang mga bilin ko emae.. Sau nlng nkasalalay ang pagkakapanalo sa susun0d na elex0n. Sau nlng aq nagtitiwala, sa liderato mo. Pawang katotohanan lamang ang mag.uugnay stng 2.
gudnyt..
Lalong bumigat ang pakiramdam ko. I'm so alone. :'(
Tuesday, June 22, 2010
OMC. :)
One More Chance Quotes :)
- ´Sana kaya kong tiisin yung sakit na nararamdaman ko, kasi ako ung humiling nito diba, ako ung may gus2. Sana kaya kong sabihin sayo na masaya ako para sayo, para sa inyo. Sana kaya ko, sana kayo ko.. pero hinde eh.´
- ´hindi mo alam kung gano ko kagustong sabihin sayo na.. sana tayo nalang, tayo nalang ulit. pero pag sa twing mararamdaman ko kung gano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit. and IM SORRY. ako naman ang may kailangan ng panahon ngaun, para mak...alimutan ko na ang lahat ng sakit, para maalala ko ang lahat ng maganda at mabuti saten. para bumalik ang popoy na nawala nung ngkahiwalay tayo.´
- baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal naten, kase baka merong bagong darating na mas OK, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nagiisang taong magtatama ng mali sa buhay naten, nang lahat ng mali sa buhay mo..´
- "Ten years from now, ganito parin kaya tayo?"
"Ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, forever and ever!"
"Promise?"
"Promise."- "Alam mo yung feeling na parang sinusuko ko na sayo lahat! poy nakakasakal eh, nakakasawa. I wanna stop wondering, what if.. I want to know what is."
- "5 years itatapon m lang lahat? hindi mo na ko pwdeng bgyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko to??"
- "I don't even know kung tama 'tong ginagawa ko, pero alam ko kailangan ko nang tapusin 'to."
- but your asking for too much! ang hinihiling mo mawala ka sa buhay ko!
- Alam mo ba'yung three month rule, ha?! Lahat ng nagmahal at nasaktan alam 'yun! Kailangan mo muna maghintay ng three months bago ka magka-boyfriend ulit! Ba't ba kating-kati kang palitan ako?! May dalawang linggo pa'ko bash!
- "10 seconds nalang, PROMISE.. 10 seconds nalang"
- "O SIGE! makipagbalikan ka na naman sa kanya tapos magaway na naman kayo tapos mgbalikan na naman kayo tapos magaway na naman ulit kayo!"
- I love you and I will tell you everyday, Everyday until you forget the things that hurt. I hate the things that make you hurt And how I wish I could take them away. If only it could be done, I'll do it for sure. "...
- "Ako naman ang may gusto nito diba? Pero bakit ang sakit-sakit?"
- "ipikit mo ang mga mata mo, para kung masaktan man ako.. d mo makita."
- "I want my HEART to stop breaking, sana pag naging tayo na ulit, kaya na kitang mahalin ng buong buo. na walang halong takot kung masaktan man tayo ulit."
- "Minsan, it's better for 2 people to break up.. so they can grow up. It takes grown ups to make relationships work."
- "Ang totoo hanggang ngayon umaasa parin ako na sabihin mong ako parin. Ako na lang. Ako na lang ulit."
- "She love me at my WORST, You had me at my BEST. at binalewala mo lang lahat yon. and you chose to BREAK my heart."
-Best Filipino movie ever. haha. halos kabisado ko rin lahat yan. Wala lang. :)))
Monday, June 21, 2010
Taympers daw muna
Nilunok ko na ang Presidency ko kanina kasama ang lahat ng responsibilidad, powers at privileges na kasama nito. At hindi siya ganun kadali. Hindi ako ganun kagaling pero kailangan kong ipakita sa lahat na magaling ako. Responsibilidad kong ingatan ang bawat residente ng Organisasyong 'to. Responsibilidad kong itaas na muli yung kalidad na sinasabing bumaba. Responsibilidad kong pagtibayin pa lalo ang pagkapit sa prinsipyo ng bawat isa.
Hindi siya madali, swear. Nakita ko kay Noli kung gaano yun kahirap, na nalagpasan naman niya, pero pangarap niya ang naging kapalit. Nagawa niyang protektahan kami, ipakita sa lahat na magaling siya, at pinagtibay niya lalo yung kapit namin sa mga Prinsipyo. Pero it scks na kapalit ng lahat ng kabutihang yun yung ilang taon niya paghihirap para sa pangarap naman ng pamilya niya.
Kinakabahan ako na baka this time, pamilya ko na mismo ang isakripisyo ko. Na pinipilit ko namang hwag sana. Ginagawa ko lahat to make things better. Sa acads, sa Org, sa Pamilya. Hindi siya ganun kadali, pero kaya.
Kanina, nag-invite ang CHD ng meeting. Nakakaiyak nung huli nung sinabi ni Hubert na may limitasyon yung prinsipyo. Hindi ko na itutuloy, pero sana maayos na ang lahat.
Written 23 hours ago · · · Report NoteIt was supposed to be a happy celebration. Nagpunta ang mga estudyante to cheer for their college representatives sa PLM Fashionista 2010. But the almost-five-hour program culminated in a very controversial manner. Because of erroneous calculations, the results of the event were put in question. Many people were upset.
The present Supreme Student Council was the main organizer of all the student-sponsored events of the Foundation Day. Although it partnered with various College Student Councils and student organizations, it still had the responsibility to supervise and monitor all the student activities to ensure that everything was executed properly.
Everybody waited for the SSC's move to address the fiasco caused by the error of the Tabulation Committee of the PLM Fashionista 2010. A public apology would have been a good approach had it been done with a sense of urgency and conveyed with whole-hearted sincerity. But such apology was only issued after the winners of the Ginoo at Binibining Pamantasan contest were announced shortly before midnight yesterday. It was delivered while the audience have started leaving the venue of the event.
I don't know the reason why the SSC chose such timing. The apology, which was intended to remedy the damage caused by the fiasco, provoked more people to get angry. People felt that the SSC did not give priority to the matter. Hence, the sincerity of the apology was tainted badly. Instead of resolving the matter, the SSC had inadvertently caused divisiveness among the students of the colleges involved.
I am very saddened and disappointed by the "kampi-kampihan" that was spawned by the Fashionista fiasco. Many are claiming that the SSC's credibility to organize events is now debatable, as well as its ability to handle a crisis and make crucial decisions. The public apology that they delivered Saturday night was not welcomed by the aggrieved parties. In my opinion, the SSC needs to regroup and come up with a better game plan. And they need to do it fast.
Meanwhile, I urge the students to remain calm and refrain from getting emotional about what happened. It may be a difficult thing to ask since many feelings were deeply hurt. But you have to remember that the fault came from the Tabulation Committee, at pare-pareho lang kayong naging biktima ng pagkakamaling yun. You shouldn't be fighting. PLM Fashionista was a competition, but that competition ended Friday night.Benafe Gorospe and 14 others like this.
Share lang. :)))
Thursday, June 17, 2010
Resolved No. 01
Pinamuka niya kasi sa akin na ako na talaga ang Presidente ng BSA-ISO. Ako na mag-iisang taon pa lang sa org at 2nd Year pa lang sa PLM. Hindi ko alam kung ano talaga yung point ng pag-iyak ko. Siguro una, dahil sa nung kinausap ako ni ate Rhea, pinamuka niya sa akin kung gaano ako naging kairesponsable sa isang bagay na ipinipilit nilang mangyari sa residente. Sa isang bagay na hindi ko tinanggap kasi ang lala ng naging problema sa loob. Pangalawa, dahil isinampal niya sa akin kung gaano kalaki ang responsibilidad ko, sa lahat at bawat Bukluran sa Pamantasan. Naramdaman ko kahapon yung sobrang bigat na pakiramdam na sa sa panahong to, lahat lahat sila, nasa mga balikat ko. Hindi lang ang pangalan ng Org kundi ang bawat tao rin na nagdadala sa pangalang yun. Pangatlo, dahil sa hinaba ng panahon na ginugol ko para sa Bukluran, at sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko, kulang pa din pala ang lahat ko. Na wala pa pala siya sa katiting na kailangan ng buong Organisasyong hahawakan ko. Pang-apat, connected sa pangatlo, ang taaaaaaaaaaaas ng tingin sa akin ng karamihan pero sobrang nahihiya ako kasi hindi ko alam kung may napatunayan na ba talaga ako. Ang sakit kasi na lahat ginagalang ka sa mga bagay na akala nila ikaw talaga, pero hindi pala.
At habang nagtatype ako, narealize ko na lahat nagboil down lang sa ibang bagay, na naging sobrang duwag akong harapin ang katotohanan. Na sobrang natakot akong yakapin ang isang posteng matagal ko na palang piunanghahawakan.
At sobrang gumaan ang pakiramdam ko ng kinausap ko kanina si Noli. Alam kong sobrang problemado siya sa SSC, pero hindi ko na napigilang magtanong sa kanya. Sa lahat naman kasi ng tao sa Bukluran, siya. Siya talaga ang tunay na alam kong nakakakilala sa akin. Siguro hinintay ko lang yung pagkakataong sa kanya na mismo manggaling yung mga salitang sobrang kailangan kong marinig para magsurvive. Siguro dahil kung hindi nanggaling sa kanya yun, iba ang magiging epekto sakin, so in short, siya lang naman yung taong hinintay kong magsalita sa mga bagay na nangyayari ngayon. Ayun.
Siya yung nagsabing kasi kung ayaw ko talaga, pero para sakin naman, mapupunta at mapupunta sa akin. Na kaya ko kasi magaling ako. Kasi kaya ko. Na kasi mas magaling ako sa lahat ng natira kaya ako. Nung sinabi / tinaype niya yung mga bagay na yun nagsimula akong umiyak at nagsimula kong iopen sa kanya lahat ng bagay na bumabagabag sa akin.. Hindi naging ganun kahaba yung pag-uusap namin tuld nung kay Jeng pero gumaan ng sobra yung pakiramdam ko after nung pag-uusap.
Hindi dahil bonggang bongga yung pagpuri niya sa akin kundi dahil dun ko narealize na nagtitiwala siyang kaya kong gampanan ang naging papel niya. Sa buhay ko sa Bukluran, wala ng exact na word para madefine ko kung ano na ba talaga siya sa akin. Pero yung simpleng bagay na alam kong pinagkakatiwalaan niya ako, sobrang laking bagay na nun.
Hindi pa din siyempre natanggal yung problema niya sa SSC, pero okay na ko. Haha. At least, ngayon, mas go akong tumulong kasi MEDYO naresolba ko yung sarili kong issue. Wala. Ayun.
Tuesday, June 15, 2010
My Personal Miracle
Hindi naging madali para sa akin ang pumasok sa College. Pero sa lahat ng mahirap na nagawa ko, itong panahon na ‘to yung pinakamahirap. Lumaki ako sa isang Organisasyon na humubog sa kung sino o ano ako ngayon. Mag-iisang taon na rin siguro ako, at kahit kalian, hindi ko pinag-sisihan yun, sa katunayan, laking pasalamat ko pa sa lahat ng panahong naiisip kong Bukluran ako. At kung may isang tao akong pasasalamatan ng sobra, si Noliver Barrido yun..
Hindi ko siya kilala, isa lang sa mga ordinaryong higher year Orgmate si ‘kuya Noli’ nung unang beses na nakita ko siya. Pero habang tumatagal, hindi na ordinaryo ang nagging tingin ko sa kanya. Dumating yung panahon na naging Secretary – General niya ako, sobrang ikinatakot ko yun dahil First Year pa ko, pero, hindi pala sa dahilan nay un ako dapat matakot. Kung hindi sa fact na hindi isang ordinaryong ‘Org President’ ang makakatrabaho ko.
Pero habang tumatagal, hindi lang siya naging ‘Presidente’ ko. Naging Mentor, Trainer, Kaibigan, Kasama, Kasangga, Kapatid... Hindi lang ako isang beses umiyak nang dahil sa mga sermon niya, at hindi lang ako sa mga sermon niya umiyak. Kung hindi dahil sa napakaraming bagay na itinuro at ipinarealize niya saken.
Madali siyang hangaan, pero mahirap Mahalin. Pero kapag minahal mo na, mahirap nang bitawan ulit. Hindi naging madali ang makasama siya sa maikli ngunit siksik na siksik na panahon. Ang hirap na uling bumitaw, kahit ilang beses nang nasubok yung pagmamahal na yun.
Hindi ko magawang iwanan siya sa mga sandaling alam kong sobrang nahihirapan siya, kasi alam kong mas mahihirapan ako para sa kanya. Pero ngayon, na masasabi kong ayos na siya... Siguro nga, kailangan ko nang bitawan ang kung anuman na pinanghahawakan ko dati, dahil may ibang tao nang pwedeng fumulfill nun o lagpasan pa...
Ayoko lang ng ganitong paraan, sa ganitong panahon.
Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ang blog entry na ‘to. Naglabu-labo na rin mga bagay sa utak ko e.
hopefully people learned something from this experience. wag sanang gawing praktisan ang mga ganitong projects, nakakasama sa imahe ng pamantasan. proper planning should have been set days or weeks before the event was staged, and correct execution should have been implemented.it's no joke to be put in the spotlight because of other people's wrong doings.
just a realization.
super talak talaga ako. :) in a nice and major way. :)
when you put the TUGON identity of sir marlon and you have the closed-mind... talagang di nio makukuha ang pangangaral ni sir..
aun lang..
sabi nio nga.. kalma..kalma lang.. so let's have a goodnight sleep..
GODBLESS!!
GUE po.. GOODNIGHT!