Wednesday, November 26, 2008
pangarap.
"Langit siya, lupa ka. Kalapati siya, uwak ka. Tubig siya at ikaw....GREASY!"
-'Nicholas'(Vhong Navarro)--Betty La Fea
Hindi siya ordinaryong tao. Wala siyang powers o kung ano pero he knows how to capture everyone's heart. Halos perpekto. Sinong hindi magkakagusto sa kanya. E malamang, ako nga na estudyante lang niya humanga sa kanya, mga kaibigan pa niya kaya?
Aalisin ko ng panandalian ang pormalidad ko.
aalis na siya..hindi ko ulit siya makikita, si suzanne nga e --na never nakaramdam ng crush ay may kaparehong feeling ko ngayon, ano ibig sabihin non. Nalulungkot ako kasi mawawala na siya. Minsan gusto ko isipin na magkikita rin kami balang araw. Pero. Anong kabaliwan. ngayon nga, siya yung dahilan kung bakit unti unti ko nang ninanamnam yung mga responsibilidad ko. Ngayonpa?
Wala siyang ginagawang kakaiba. pero hindi ko din alam kung bakit yung nararamdaman ko. Iba talaga e. Malandi na kung malandi. Pero anong magagawa ko diba? Aasa pa ba ako? Anlayo mehn. Malayo talaga. Out of reach siya e. Pero..siya yung nag abot sa akin ng mga bagay na di ko kayang abutin. Dahil sa kanya, kaya ako nagpupursiging umakyat pa lalo hanggang sa malampasan ko yung mga bagay na kinasanayan ko na, at lalo pang tumaas para maabot ko siya.
Ngayon pa. Kung kelan natututo na akong..ewan.
"meeee? I am still in the process of thingking sir:]]"
"I will ruin your bag and burn all the things inside>:]]"
"ako, im gonna burn your notebook jeremae."
eto pa. sa last days niya. walang ibang napagtitripan kundi ako(ambisyosa mehn!)
kanina,ikinumpara pa ko kay suzanne sa pagbabasa. nanliit naman ako.
pero basta.mahalaga sa akin bawat araw na andyan siya:]]
mahal ko si lauamudnoznaolleugimesoj.:]]
Tuesday, November 25, 2008
bakit kelangan niyong umalis?
Maaga akong umalis ng bahay sa di malamang dahilan. halos naunahan ko panga yung mga kaklase kong never nalate. Kinakabahan din ako nung umagang yon kasi wala akong visuals para sa report ko sa English. Kaya habang papalapit na kami sa Maceda Bldg. lalong lumalamig ang kamay ko. Nung nandun na kami at naglilinis, pumasok si sirDUMAUAL sa kwarto na parang may inaabangan.
Nagdiscuss na. Tinawag niya ako para ireport ang in-assign sa akin. Kinakabahan ako na natutuwa. Natutuwa kasi binigkas niya ang pangalan ko:]]. Pagkatapos ko magreport, ilang beses niya rin akong pinangiti dahil sa muli at paulit ulit na pagbigkas niya sa pangalan ko --na nagsilbing musika sa pandinig ko. Tumagal ang discussion hanggang sa..
"okay, what will you do if someone destroy all your iportant things?"
(walang sumasagot)
"okay, donna, for example jora-jera-jere-jore-JORAMAE tore your papers, what will you do?"
(sumagot si donna)
"Well if I were you, I will burn her notebooks her planner..."
nangiti na lang ako kasi gusto niya pa lang sunugin ang notebook ko. haha. Isa pa. Nanonotice pala niya ako kahit papano dahil dun sa attendance notebook. so bumawi ako sa kanya, dahil susunugin niya ang attendance ng franklin at ibang notebook ko --susunugin ko ang bag niya. Oo. Inaway niya nga ako. Pero, masaya ako sa sobrang hindi masyadong closure na yon.
Naging masaya nga. Pero pagkatapos nun Sinabi niyang last week na niya to. Ngayon, kelangan ko pa bang sabihin kung anong nararamdaman ko?
batangx. pero kanina pag-uwi ko, imbis na masiyahan ako sa tawag na natanggap ko, halos maiyak lang ako. Aalis na siya, papuntang Australia kaso FOR GOOD na. Sana sinabi na niya ng mas maaga para sana hindi umabot sa ganito. Mas masakit sa loob.
"Kelangan kong umalis"
(*tears*)
"Sorii."
"Bye. Mag impake ka na. [binaba ang fone]"
Sa pangalawang pagkakataon --kelangan ko pa bang sabihin ang nararamdaman ko?
BAKIT BA KELANGAN NYONG UMALIS?
Monday, November 24, 2008
inlab<3
:]]
-rvinlab.
Hindi ko alam kung sigurado na ako. Pero ang alam ko, masaya ako. mahal ko siya --hindi bilang kaibigan ko. Pero bilang isang tao na gusto kong makasama --lagi at magpakailanman. Tulad ni Ben ayaw din niya ng publicity e. Kaya si batangx siya. Nasabi ko na to sa dati kong post. Kasi nung una akala ko crush ko lang. Hindi pala. Nahulog na ako. At buti na lang. Nasalo niya ako:]]
Masaya ako nung crush ko siya dati. Sumaya ako nung naging close friends kami. Nalungkot ako nung nagkahiwalay kami nang saglit pero muling sumaya nang bumalik ang dati. Hanggang sa dumating sa antas na to.
Wala akong pakielam kung hanggang kelan o saan ito Ang alam ko. Masaya ako. At alam ko. Masaya ka din. batangx:]]
There’s a reason
Why we love each other now
And we don’t know if this is forever.
There’s a reason
Why we are together now
And we don’t care if it’s not forever now.
Siguro nga.
Salamat. batangx.
idol BEN.
Tungkol sa taong hinahangaan ko.
Itatago ko siya sa pangalang "Ben"
dahil ayaw niya sa publicity:]]
Meron akong taong hinahangaan. Pero hindi crush. Isang lalake na itatago natin sa pangalang Ben. Minsan ko na siyang hinangaan (crush) at halos muntikan pa akong mahulog sa kanya. Ngunit may isang kaibigan na tumulong sa akin na makalabas sa kwebang iyon. Na siyang--basta. mamaya na. Hinangaan ko siya noon dahil sa magkaibang rason kung bakit hinahangaan ko siya ngayon. Hinangaan ko siya noon dahil sa napakaraming bagay na inihawig niya sa taong minahal ko dati. Dahil sa likas na pagiging masayahin niya, dahil sa mga mata niya, at dahil sa kaibigan siya.
Ngayon, tulad ng sinabi ko, hindi parehong dahilan ang mayroon ako. Itong lalaking ito, habang tumatagal ay mas nakikilala ko ng maayos--mabuti. Muli kaming nag karoon ng komunikasyon noong 2nd year ako dahil sa may gusto siya sa matalik kong kaibigan. Ngunit hindi nagtagal, naghiwalay sila ng matalik kong kaibigan na minahal na rin niya--at minahal siya. Pero sa paghihiwalay na iyon, walang kasiguraduhan ang lahat. Kung ano ba talaga ang meron sa kanila bago yung paghihiwalay at kung ano ang mangyayari sa kanila pagkatapos ng paghihiwalay.
Dahil dito, unti unti nang nawalan ng pag asa si "Ben" ngunit alam ko, sa puso niya, na mahal pa niya "siya".
Nagmahal na muli si Ben, una gusto-- ngunit sa panahong ito ay tumubo ang pagkagustong iyon sa pagmamahal --sa isang babaing malapit din sa akin. Hindi ko siya masisisi. Isang taon siyang naghintay sa pagbabalik ng WALA. Ngayon, handang handa na siya para sa bagong pag-ibig pero nang muling nagparamdam ang nakaraan, nanghina na muli siya. Sa mga pag-uusap namin bago pa siya tuluyang mahulog sa babaing kaharap niya ngayon, may kalituhan sa isip niya, kung maghihintay pa ba siya ng tuluyan o bibigyan niya ng pagkakataon ang sarili niya na magmahal ulit. Hindi nagtagal, nakapagdesisyon na siya. Na tuluyan na niyang mamahalin ang babaing nandito. Ngayon. Nagsimula na siya. Nung una nainis ako kasi hindi siya gumagalaw. Kung minsan pa nga, iniiwasan niya yung babaing nililigawan na niya. Oo, nainis ako ng kaunti dahil sa aksyon na iyon. kaya kinausap ko siya.
Sa pagkausap ko sa kanya, nalaman ko yung katotohanan. Na gusto niyang ayusin ang lahat. Gusto niyang magpaalam ng maayos. Makipagusap ng maayos. Bakit? Dahil sa gusto niyang mahalin ng tapat ang babaing nandito NGAYON. Gusto niyang maging tapat sa babaing pinili niya at hindi maging tulad ng iba. Gusto niyang maging puro ang bawat sandali na ipararamdama niya sa babaing nandito NGAYON kung gaano niya ito kamahal. Talagang humanga ako kay "Ben".
Marami pang impormasyon sa likod ng kwentong yan. Pero masyado anng makukwento ang pribadong buhay niya. kaya dito ko na tatapusin ang paghanga ko kay Ben. Isa sa pinakakonting lalaking nakilala ko na hanggang sa ngayon e alam pa ang ibig sabihin ng pagmamahal.
Friday, November 21, 2008
SNUFFBOX.KFC.FRANKLIN.LOVE
Ansaya talaga ngayon. Bukod sa birthday nga ng DYOSA e marami (mejo) ding nangyari. Una. Carol Fest. Pagkatapos ng dalawang araw na pagpapraktice, ayun, dumating din sa moment of truth. Nakakatawa nga e. Nagpaexcuse pa kami sa halos lahat ng subject ngayong araw. Siguro sa isang buong araw na to, English lang (with DUMAUALbeybeh) ang matinong klase. Yung mga sunod. Joketime lang. Nakatambay lang kami. Hindi rin naman maituturing na klase ang Finite. Pano ba naman. Summative test lang naman ang ginawa namin dun. Tapos itong si Mrs. jacob naman, may bagong alagad. Buti na lang wala din siya. Ayun. Nagpraktice lang din kami.
Ang nakakainis lang dun sa Fest, 2:30pm ang simula "daw". Nakakainis lang kasi 1:00pm nagsimula. Joketime talaga. Pero okay lang. Ang ipinagdadasal ko lang talaga, makapgpresent kami ng maayos. Ayaw namin (mostly) manalo talaga. Kasi naman po. Pahirapan na naman sa practice. Dininig naman ako ni Lord. kaya hindi kami nanalo, pero at least, nakapagpresent kami ng maayos. At, sabi nga ni J.A. kanina-- "buti na lang, alam na natin na hindi tayo yung least" haha. Napakatino talaga mag-isip ni Agaton. Pero mabuti na rin at hindi kami nanalo. Inenjoy namin yung napakaraming times na walang klase:]]
Speaking of J.A., nagpakitang gilas na naman ang lalake. Sa oratorical...hayup talaga. Sure win na siya. haha:]]
Tapos, dahil birthday ni elena, ayun, nanlibre ang DYOSA sa KFC sa Rob. Ansaya nga e. 10 out of 16 girls ang magkakasama ngayong araw. Sobrang nag enjoy kami dun. Lalo na dun sa "SNUFFBOX". E tapos, nahiya naman ako ng konti kay ellaine. Napag-isip isip ko tuloy na magregalo sa kanya. Kahit ambag ambag kami. Ang kinalabasan--cake for ellaine. Hindi na namin kinain, kay ellaine na yun. Masyado kasi kaming nabusog sa SNUFFBOX ng kfc.haha. Expected na three fourths din ng boys e andun. Kaya after kumaen, nagkitakita kami sa Gbox. Saglit lang sila EDGAR. Ang nagtagal lang, sila Jaycee, J.A., Erald at Dan. Pero ang nakasabay lang namin umuwi si Dan at Jaycee.
Ansaya talaga ng franklin. Muka pa kaming sira sa Gbox. Tilian ng tilian at sigawan ng sigawan. Nakakatuwa talaga. Lalo na ang girls na sina-- mama velina, ivonny, vernisse, ellaine, faylogna, tomasa, jael, pinar, jennylyn. Nga pala. kami ay anak ni mama velina:]]
Natuwa din ako dun sa boys kanina. Haha. Joketime si J.A. at Erald at Jaycee at Dan. Joketime din si Edgar at Erald[ulit] nung practice. Basta masaya.
"Alam mo yung masaya? Yon. Masaya pa dun."[kinopya lamang~]
SNUFFBOX.FRANKLIN.LOVE.
---wait.maglalandi ako. May crush crushan ako. at yun ay papangalanan kong si batangx. haha.hulaan mo mehn:]]
---nga pala. Ang SNUFFBOX ay isang ancient na bagay. Natutunan namin yan sa English kanina e. Tapos, nung nagidiscuss na-- sabi ni erald, "Di ba yung SNUFFBOX yung sa kfc?". hahaha. Kakaiba ka eraldo.
hai.isang masayang gabi sa inyong lahat.
Thursday, November 20, 2008
HERTZ+KAIBIGANS+PAMILYA+LALAKES=OH YEAH!
new layout. ewan. hindi na kinagugulat yon. minsan lang ako tumagal sa isang layout. kaya himala yun.natuwa ako dun sa navs e.ayun. kawawang designer ng blog. ayun. busy ako kahapon.soooobra. [dahil di na nagana ng maayos ang utak ko.magkukwento muna ako.]
KAHAPON
pinagtype ako ni ma'am D ng 10 yellow pad na tula. Gudlak. Sa tagal ko sa harap ng computer. E buti sana kung focus ako sa trabaho, e hindi naman. Kaya yun, kasabay ng friendster, multiply, bloghopping, bebo[dahil kay reia] at facebook, pitong oras ako sa harapan ng computer. At grabe a. Masakit sa buong katawan. Kahapon din nagtaka ako sa sarili ko. Ginising ako nung kapatid ko nung umaga kasi habang natutulog daw ako, tawa daw ako ng tawa. Nung una, ang weird talaga. Pero feeling ko may relation yun sa araw ko, ang saya kasi e. Kaya nga lang, e pagdating ng gabi, namroblema ako. Blaklister daw ako sa isang section dahil sa isang kasalanang hindi ko alam kung nagawa ko ba. Nakakinis lang kasi e. Napakaraming mga tao ang binigay mo na nga ang lahat bilang kaibigan, iba pa igaganti sayo [hindi ito si kris o si john marc a]. Nakakinis lang talaga. Tapos, wala pang pakielam sa nararamdaman ng ibang tao at sa kapakanan ng iba. Nakakainis parang lahat ng kabutihan dapat kanya lang. Naging mabait siya sa iba bilang kaibigan Pero, nakaakinis talaga ang ugali niya. Nakaaway ko/namin to dati e. Ngayon, ayoko na ng away. Nagreact lang ako hindi dahil may soooobrangpersonal na dahilan. nagreact ako kasi, yung pinalano kong "hindi makielam" sa kung anumang problema at hindi na madawit sa kahit anong gulo ay nasira. Wala akong sinisisi. Nakakainis lang talaga. [again.walang taong kinaiinisan.]
Mabait si Lord. Kaya niya siguro ginawang masaya ang buong araw ko dahil may problemang darating sa gabi. Pero okay lang. "Kasunod ng pinakamadilim na parte ng gabi ang bukangliwayway" -BOB ONG, Stainless Longganisa.
KANINA.
Kung academics ang pag-uusapan, para akong pumasok ng eskwelahan para kumanta. Maayos naman yung morning classes ng Franklin. Pero sa hapon, Kumanta lang kami ng kumanta. Nakaktuwa lang kasi sa ganung times, nakakapagbond ang isang section. Ansaya talaga sa FRANKLIN. saya talaga~ Nagkantahan, kulitan, harutan, daldalan, landian kami. Masaya kasi hindi puro practice lang. Tapos hindi rin puro petiks. Tapos si Tomasa, chikamate ko. soooobra. Ilang araw na kaming nagkukwentuhan sa mga bagaybagay. Lalu na si HOTGUYacantilado. haha. Si Faylogna, landi pa rin. haha. pati ba naman si?! Tapos kanina din, usap usap at small reunion ng hertz. Nakaktuwa na nakakalungkot. Nakaklungkot dahil sa katarantad*hang ginawa nitong
Tapos nun, nakipagharutan din ako kay KARLitaKO, JAKEgwapitoko at MANEmylabb. Namiss ko din ang maliit kong kaibigan Matagal tagal din kaming hindi nagharutan kaya aun.Natutuwa talaga ako sobra. Si jake naman, ayun may mejo maliit na mejo malaki at mejo kumplikadong problema. Basta. kaya ni jake yan. Si jake pa?haha.[parang may kasamang joke e]. Tapos si mane. Ayun, naglumande, nang aasar kasi e. E ako naman si tanga kumagat din, ayun, pinagod ko ang sarili ko sa pakikipaghabulan at taguan sa kanya. Pero namaaaan. Namiss ko ang aking bespren~
Eto namang pamilya ko, kakaiba rin ang hanap. Nagluto si tita dapat ng Tinolang manok. Yung manok, nasa kaldero na. Tapos naisipan niya nilagang manok na lang daw [anu un?] kaya nilagay niya yung papaya. Pero napag isipisip niya na adobong manok na lang daw. Ayun. Kumain kami ng adobong manok na may papaya at luya. Ayus lang yung lasa. Parang nilagyan mo lang ng toyo yung tinola.[ui.si karla yun diba?haha] Tapos,bumili pa si Kuya ng Magic Sing kahapon. Early Xmas gift niya raw kay ina. haha. ayan tuloy. mejo maingay din.
MASAYA AKO SA KANILAAAAANG LAHAT~
pahabol--
nawala yung hitech ko sa kwarto ni SIRBANGAYAN. lugmok tuloy ako kanina. wala akong pake kung wala na siyang tinta. Ang mahalaga sa akin yung katawan. kainis talaga. Pero tamang tama naman talaga. Si DUMAUALbeybeh ay nakasalubong namin ni Tomas. Ako naman si lande, natulala sa hotness niya. Akalain mo yun, nagmeet na ang aming mga mata, hindi ko pa binati? tinitigan ko lang? talaga naman. Tapos kung kelan malayulayo na siya dun ko pa binati ng pagkalakas lakas nahiya naman ako.jusme. pero ok lang. para a kanya naman e.[juskopo.]
tapos kanina, in-IM ako ni papaHARVEY jusko po.kinilig ako dun o.haha.nagpaalam lang naman.okay lang.haha.masaya pa rin ako.dahil sa kanya.:]]
hay.sige gudnayt.ang haba ng post ko:333
Monday, November 17, 2008
CLUMSY
Tapos eto.Kagabi, 10:30 ako humiga pero 1:30 ako nakatulog. Ewan. Huwag mo kasi ako masyadong isipin e. Haha. Pero kawawa rin yung taong iniisip ko kagabi.haha.haha.haha. Tapos kanina, sa english ako yung sharer. So, ang shinare ko naman ay isang walang katapusang pagtanaw ng utang na loob sa mahal kong INA. Ayun nung sasabihin ko na kung sino yung "most extraordinary person in mylife" ko, pumasok si DUMAUALbeybeh. Hayup sa timing. May shades pa ang lalake. Feeling ko tuloy ubod ng gwapo ang lalaking iyon pag suot niya yung shades.haha.haha.haha. Natuwa pa ako dahil siya yung nagturo sa amin ngayon. Tapos, eto pa--binasa niya yung first sentence sa draft. Hindi ko alam kung dahil yun ba yung una niyang nabasa sa lahat ng papers namin o dahil sadyang nahahalata niya na siya yung dinedescribe ko dun..
He
Ano hindi ba obvious na siya yan? Hanep talaga. Wala naman masyadong nangyari ngayong araw. Nanibago kasi ako bigla sa sarili nagpakaGC ang kalooblooban ng katawan ko ngayong araw kaya hindi ko namamalayan na nag-iiba na ako. Hindi ko alam pero as of now, lima pa lang naman ang nagsasabi sa akin na nagiiba na ako. Marami ba yun? E ang nakakapansin pa yung close friends ko. "Hindi naman masama yung pagbabago mo. Nakakpanibago lang. Masyado ka nang seryoso" Nawindang ako. Nagbago ba talaga ako? hindi ko alam. Masyado lang siguro akong nagfofocus at nagbibigay ng atensyon sa mga bagay na binabalewala ko lang dati. Hindi ko alam kung masama yun. Pero ewan basta. Dahil kasi sa pagbabagong yun, andami ko ring namimiss. Ang HERTZ,[kris, jake, mane specially] ang ROUNDPEEPS at si KARLA. Gusto ko talaga makasama ulit sila. Pero hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
Nalaman ko ang pinakamamahal ni Arvin, nalaman ko yung masaklap na pangyayari kay Xander, nalaman ko rin yung masaklap na buhay fourth year ng isang close friend. Andami kong nalaman. Kahit papano, kaibigan ko silang lahat kaya naapektuhan din ako. Hindi ko alam kung malulungkot ako o ieencourage ko na lang sila. Mahalaga sila sa akin [hiyessssss] kaya ang gusto ko lang, kung san sila masaya:]] (yown!)
Masyado na akong maraming sinasabi. At bago ko pa makalimutan, nga pala. i click mo to.
arvinshaneregalaacantilado.
gudnyt.
PERSONALITY
You entered: jeremae de guzman
There are 15 letters in your name.
Those 15 letters total to 67
There are 7 vowels and 8 consonants in your name.
Your number is: 4
The characteristics of #4 are: A foundation, order, service, struggle against limits, steady growth.
The expression or destiny for #4:
Order, service, and management are the cornerstones of the number 4 Expression. Your destiny is to express wonderful organization skills with your ever practical, down-to-earth approach. You are the kind of person who is always willing to work those long, hard hours to push a project through to completion. A patience with detail allows you to become expert in fields such as building, engineering, and all forms of craftsmanship. Your abilities to write and teach may lean toward the more technical and detailed. In the arts, music will likely be your choice. Artistic talents may also appear in such fields as horiculture and floral arrangement, as well. Many skilled physicians and especially surgeons have the 4 Expression.
The positive attitudes of the 4 Expression yield responsibility; you are one who no doubt, fulfills obligations, and is highly systematic and orderly. You are serious and sincere, honest and faithful. It is your role to help and you are required to do a good job at everything you undertake.
If there is too much 4 energies present in your makeup, you may express some of the negative attitudes of the number 4. The obligations that you face may tend to create frustration and feelings of limitation or restriction. You may sometimes find yourself nursing negative attitudes in this regard and these can keep you in a rather low mood. Avoid becoming too rigid, stubborn, dogmatic, and fixed in your opinions. You may have a tendency to develop and hold very strong likes and dislikes, and some of these may border on the classification of prejudice. The negative side of 4 often produces dominant and bossy individuals who use disciplinarian to an excess. These tendencies must be avoided. Finally, like nearly all with 4 Expression, you must keep your eye on the big picture and not get overly wrapped up in detail and routine.
Your Soul Urge number is: 7
A Soul Urge number of 7 means:
With a number 7 Soul Urge you are very fond of reading, and retreating to periods of being alone and away from the disruptions of the outer world. You like to dream and develop you idealistic understandings, to study and analyze, to gain knowledge and wisdom. You may be too laid back and withdrawn to really succeed in the business world, and you will be much more comfortable in circumstances that are tolerant of your reserve, your analytical approach, and your desire to use your mind rather than your physical being.
You are very timid around people that you don't know very well, so much so at times that casual conversation and social situations can be strained. You tend to repress your emotions to the extend that some people have a good bit of difficult understanding you. You tend to be very selective with friends and you don't easily adapt to new environments or to new people very quickly.
The negative traits of the 7 include becoming too much the introvert and isolated from others.
Your Inner Dream number is: 6
An Inner Dream number of 6 means:
You dream of guiding and fostering the perfect family in the perfect home. You crave the devotion from offspring and a loving spouse. You picture yourself in the center of a successful domestic unit.
may kasunod pa iyan dahil natuwa ako. Tinry ko rin ang birthday calculator:]]
29 January 1993
Your date of conception was on or about 8 May 1992 which was a Friday.
You were born on a Friday
under the astrological sign Aquarius.
Your Life path number is 7.
Your fortune cookie reads:
Your heart is pure, and your mind clear, and your soul devout.
Life Path Compatibility:
You are most compatible with those with the Life Path numbers 1, 5 & 7.
You should get along well with those with the Life Path numbers 4 & 22.
You may or may not get along well with those with the Life Path number 9.
You are least compatible with those with the Life Path numbers 2, 3, 6, 8 & 11.
The Julian calendar date of your birth is 2449016.5.
The golden number for 1993 is 18.
The epact number for 1993 is 6.
The year 1993 was not a leap year.
Your birthday falls into the Chinese year beginning 1/23/1993 and ending 2/9/1994.
You were born in the Chinese year of the Rooster.
Your Native American Zodiac sign is Otter; your plant is Fern.
You were born in the Egyptian month of Parmuthy, the fourth month of the season of Poret (Emergence - Fertile soil).
Your date of birth on the Hebrew calendar is 7 Shevat 5753.
Or if you were born after sundown then the date is 8 Shevat 5753.
The Mayan Calendar long count date of your birthday is 12.18.19.14.12 which is
12 baktun 18 katun 19 tun 14 uinal 12 kin
The Hijra (Islamic Calendar) date of your birth is Friday, 5 Sha'ban 1413 (1413-8-5).
The date of Easter on your birth year was Sunday, 11 April 1993.
The date of Orthodox Easter on your birth year was Sunday, 18 April 1993.
The date of Ash Wednesday (the first day of Lent) on your birth year was Wednesday 24 February 1993.
The date of Whitsun (Pentecost Sunday) in the year of your birth was Sunday 30 May 1993.
The date of Whisuntide in the year of your birth was Sunday 6 June 1993.
The date of Rosh Hashanah in the year of your birth was Thursday, 16 September 1993.
The date of Passover in the year of your birth was Tuesday, 6 April 1993.
The date of Mardi Gras on your birth year was Tuesday 23 February 1993.
As of 11/17/2008 7:36:54 AM EST
You are 15 years old.
You are 190 months old.
You are 825 weeks old.
You are 5,771 days old.
You are 138,511 hours old.
You are 8,310,696 minutes old.
You are 498,641,814 seconds old.
Celebrities who share your birthday:Jonny Lang (1981) Andrew Keegan (1979) Sara Gilbert (1975) Heather Graham (1970) Greg Louganis (1960) Oprah Winfrey (1954) Teresa Teng (1953) Ann Jillian (1950) Tom Selleck (1945) Katharine Ross (1942) John Forsythe (1918) Victor Mature (1913) Huddie 'Leadbelly' Ledbetter (1885) W.C. Fields (1880) William McKinley (1843)
Top songs of 1993
Your age is the equivalent of a dog that is 2.2587084148728 years old. (Life's just a big chewy bone for you!)
Your lucky day is Saturday.
Your lucky number is 4 & 8.
Your ruling planet(s) is Saturn & Uranus.
Your lucky dates are 1st, 10th, 19th, 28th.
Your opposition sign is Leo.
Your opposition number(s) is 1.
Today is not one of your lucky days!
There are 73 days till your next birthday
on which your cake will have 16 candles.
Those 16 candles produce 16 BTUs,
or 4,032 calories of heat (that's only 4.0320 food Calories!) .
You can boil 1.83 US ounces of water with that many candles.
In 1993 there were approximately 4.1 million births in the US.
In 1993 the US population was approximately 248,709,873 people, 70.3 persons per square mile.
In 1993 in the US there were 2,334,000 marriages (9%) and 1,187,000 divorces (4.6%)
In 1993 in the US there were approximately 2,148,000 deaths (8.6 per 1000)
In the US a new person is born approximately every 8 seconds.
In the US one person dies approximately every 12 seconds.
In 1993 the population of Australia was approximately 17,759,999.
In 1993 there were approximately 260,229 births in Australia.
In 1993 in Australia there were approximately 113,255 marriages and 48,363 divorces.
In 1993 in Australia there were approximately 121,599 deaths.
Your birthstone is Garnet
The Mystical properties of Garnet
Garnet is used as a power stoneSome lists consider these stones to be your birthstone. (Birthstone lists come from Jewelers, Tibet, Ayurvedic Indian medicine, and other sources)
Emerald, Rose Quartz
Your birth tree is
Cypress TreeThe Faithfulness - Strong, muscular, adaptable, takes what life has to give, happy content, optimistic, needs enough money and acknowledgment, hates loneliness, passionate lover which cannot be satisfied, faithful, quick-tempered, unruly, pedantic and careless.
There are 38 days till Christmas 2008!
There are 51 days till Orthodox Christmas!
The moon's phase on the day you were
born was waxing crescent.
Evaluation:
Natuwa ako masyado. karamihan kase totoo. Pero meron ding hinde. Natuwa lang ako.haha.
Friday, November 14, 2008
TOGETHER--AGAIN.
Ayokong masanay sa mga bagay na pwede namang wala ako
-Stainless Longganisa
Bob Ong
Minsan (o parang lagi ata) masarap maging tamad at magprocastinate, pero tulad ng karanasan ko, sa unang lang masarap, kapag tumagal na hindi rin. Kanina pa akong walang magawa sa internet. Bakit? Kasi po walang friendster. Scheduled Maintenance daw ngayon. Nung una, siyempre ayaw ko kasi pwede naman akong mabuhay ng walang Friendster. Isipin: Kung lahat ng tao, kelangan ng Friendster, 80 000 000 na lang siguro ang tao sa mundo. Thoughts lahat ni Bob Ong iyan. At kung hindi ko pa nabasa e malamang hindi ko rin marerealize ang bagay na iyon.
Siguro nga hindi talaga necessity ang friendster, ang multiply, ang facebook o kahit pa ang blog. Pero anung magagawa natin? Yung mga bagay na iyon, dun lang naeexpress ng tao ang mga nasa isip niya. Kung walang friendster, edi puro laro lang ang laman ng computer shops? (maliban sa mga taong gc talaga) O kaya, paano mo maaabot yung mga taong malayo sayo? yahoo? masyadong mabagal dahil pang-mail lang talaga (sa pagkakaalam at pagkakagamit ko) ang yahoo.
Andami ko nang sinabi--nabwisit lang kasi talaga ako sa friendster.
Kahapon, nakalimutan kong iblog-- nagkaroon ng mini reunion ang hertz'08.nakakatuwa lang talaga. Ang franklin-hertz, newton-hertz at roentgen-hertz. Natuwa ako dahil talagang namiss ko talaga sila. At dahil malamang namiss ko rin na buo ang samahang kinabilangan ko.
kanina--nag mardi gras na.hindi kami nanalo, pero ano naman? MASAYA naman kami. Ang ganda pa ng tshirt namin. Haha. Ngayon ngayon ko lang narealize na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL ko talaga si SIR. ZACARIAS BANGAYAN. Nagiguilty na nga ako ngayon sa dami ng kalokohan ko sa kanya.
TOGETHER AGAIN. Bati na kami ni karla. Nakakatuwa. Bakit kaya ganun? tuwing nakikipagbati ako sa kanya, lagi niya akong tinatawanan. Nakakatawa ba ako masyado. Ikaw karla a! Kaibigan.kaibigan.haha.
Nakakahiya, nakatulog kami ni john marc sa ucb kanina. Hayup, akala ko siya lang ang makakatulog. Ang nangyari pa, mas mahaba tulog ko. Nakakahiya talaga. Tapos nung pauwi na ako. May nakita akong isang tumpok ng mga lalaking nakadilaw, yun pala, FRANKLIN BOYS. Natuwa naman ako. United na united talaga sila.
Si DUMAUAL<3>:]]
Masaya ako ngayong araw na ito. Sana ikaw din.
ilabyouKARLA.
ilabyouJOHNMARC.
ilabyouEPJ.
ilabyouDUMAUAL<3beybeh.[bohaha]
ilabyouMAMA.
ilabyouGOD.
ilabyouSUPERHERO:333
ilabyouollll:]]
Thursday, November 13, 2008
MAGSAYAmuna.
kanina--pagkatapos ng dalawang araw kong absent, akala ko napakarami kong hahabulin. Pero buti na lang..wala.WALA akong kailangang gawin. kanina kasi, kalahating araw para sa mardi gras.gudlak naman di ba?kaya. ayun magmamayabang na muna ako ng panandalian--ako ang nauna magpacheck ng problem kay sir na thank God naman ay tama.hiyessss.haha .
bukod dun ay wala na.pagod na pagod na pagod kami.ansakit ng buong katawan.haha. grabe talaga yung mardi gras.tapos eto pa.dilaw na nga ang nakuha kong masci shirt nung third year, dilaw pa din ngaun.pero ok pa rin.FRANKLIN yan e.haha.personalize ang tshirt! oha! halatang halata pa na mahal na mahal namin ang elec.napakasaya sa franklin~
panagalwa.ayun, gusto talaga ni john marc na magkabatibati na kamigusto ko rin naman e!sino bang may ayaw diba?mahal ko ang kaibigan naming iyon.at nasabi or natext ko na rin naman sa kanya kung bakit hindi ako magkaron ng pagkakataon gawin yon--i know. kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.pero anong magagawa ko?biktima lang ako ng pagkakataon.
karla.miss na kita:C
hindi pa rin ako makaget over sa sinabi sa akin ni mae pamesa.bohaha>:]]
at lalong hindi pa din ako makagetover kay MR.DUMAUAL<3 [haha.fanboy junior!]
at lalong lalong hindi pa din ako makagetover kay J.T.P.C. [antagal na nun o!]
kelangan muna nating magsaya at kalimutan ang kalungkutan.
CHRISTMAS na men!
Tuesday, November 11, 2008
FIRSTS.
sa pagkakaalam ko pag first time mo, exciting pero nakakatakot rin. parang ang saya pero kinakabahan ka dahil baka matapos kagad.nung first time kong lumipad excited ako at gusto kong tumagal dun sa pinuntahan ko.pero nung uwian na..marami nang nangyari na hindi ko alam kung bunga ba ng first time na yon.ung first time ko mag blog excited akong mapublish ang buhay ko.un bang feeling ko sikat na ko. kase may blog ako kaya nga noon kahit anong mangyari inglesan kasi alam kong nababasa ng iba, kaya nung dumating sa point ng pagbblog ko na sawa na ko tumigil ako buti na lang at sa ngayon e minahal ko ang blog ko dahil sa napakaraming rason.
nung first time ko maghighschool (sa madaling salita nung nagfirstyear ako) pakitang gilas.lahat na ginawa ko mapansin lang.pero ngaung fourth year na.ayaw ko nang magpapansin sa iba ang gusto ko na lang.may mapatunayan ako sa sarili ko.at yun ung ipagyayabang ko pagdating ng panahon.
nung first time kong alam mo na "magdalaga/magmahal/magkacrush/mapraning/masiraan at kung anu ano pa, excited ako.gusto ko maging masaya sa araw araw ng buhay ko.kinulong ko ang sarili ko sa isang karton na iniisip at pinapangarap ko dati na sana poreber na.ang problema--hindi lahat poreber.para akong bata, umaasa lang kasi ako ngayon sa santa claus na tuwing pasko lang nagpaparamdam sa akin.yun pa ang masaklap nagpaparamdam lang siya..hindi pweeng 100%.pero kahit ganun dun ako sumasaya at sa ganung paraan ako napapasaya ng santa claus ko.
nakakalungkot lang isipin e.alam kong hindi totoo ung santa claus na yun at kahit kelan hindi magiging totoo.alam ko rin na sa paniniwala kay santa claus gumagawa ako ng sariling kwento para paniwalaan ko.pero anong magagawa ko?dun ako masaya..mahirap man sabihin.
sa ngayon, dahil nasimulan ko nang ikumpara ang sarili ko sa isang bata.gusto ko nang lumaki at magmature ang isip. matamis daw ang pagiging inosente--oo at sobrang saya ang masakit lang hindi ka talaga inosente ginagawa ko lang inosente ang sarili ko para magkaroon naman ng tamis ang buhay ko. kaya sa likod ng tamis..may pait at mas mapait yun.parang bittersweet ba.ganun.
gusto ko nang tumakas sa lahat ng pinaniniwalaan ko.gusto ko nang tanggalin sa isip ko na may pag-asa pa ako.ayaw ko nang isipin na pwede pa kami dahil unti unti nang naoovercome ng pait yung tamis (nagegets mo?) gusto kong ayaw nang maniwala e.pero magulo pa rin basta..
masyado na akong maraming sinasabi.pero sa ngayon tulad ni rvin este pinapangarap ni rvin SUPERHERO~ ako.makakaya ko rin to:]]
Monday, November 10, 2008
tatakas ako.
Nov 8.
nagkaroon kami ng practice ng Mardi Gras sa school. For the first time ay on time ako.siguro dahil natakot din akong ma-zero kay sir Bangayan na thank God ay success naman.at, bilang pagmamayabang, ako lang naman ang unang nakaperfect sa franklin.bohaha>:]]yabang talaga.pero bukod pa doon.wala na akong ibang ginawa kung hindi ang kumain at magpractice.pero pagkatapos rin ng eksena ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa bahay ng kaibigan. Sa madaling sabi sa bahay ni ate Kaye, ayaw ko kasing dumiretso sa bahay nila Rvin.nakakahiya naman kay keso<3 haha.joke lang po.
so aun.nagkaroon ng maliit na reunion ulit dahil late birthday party ni rvin.masaya kasi nagreunite ulit ang nagmamahalang VI-LOVE'05. Nanood ako, si aira, si rvin at si keso ng exmen.haha.binaboy na 300 lang naman yo.kaya sobra naman ako kung tumawa nung panahon na yon.nakakalungkot lang kasi kelangan ko umuwi ng maaga.baksi ako kay ina.haha.pero bago umuwi, pinapak ko lang naman yung tinapay kela rvin.sana nga may palamang keso e.haha.joke lang po ulit.
Nov 9.
linggo.kaya nagsimba kami.sa tuwing nagsisimba.dalawa ang dahilan ko.DAHIL KAY LORD. at pangalawa dahil kay henry na sakristan don.haha.lande.malungkot lang dahil hindi niya ako nakita nong araw na yon tulad ng dati.pero okay na rin.kahit saglit lang nagbonding moment kami ni LORD:]]
bukod doon.naisipan ko namang paandarin ang natitirang maliit na responsibility sa katawan ko kaya nagpuyat ako para sa port folio sa Filipino.yon.masyado akong maaga nakatulog.alas tres ng umaga.
Nov10
nagsimula na medyo badtrip ang araw ko.una. ang panget ng bus na sinakyan ko.pangalawa nakalimutan ko ang suklay ko kaya para akong sinabunutan nong pumasok.pangatlo 10 o 15 minutes late ako.pang apat.naunang magreport ang grupo namin sa english. e anak ng okra naman. wala kaming napagmeetingan.[pero medyo ok na.naisalba naman ng konti]panglima.late na dumating si DUMAUAL<3 kaya muntik na akong maubusan ng energy.pang anim.nakalimutan kong gumawa ng recitation stubs ng mga kaklase ko.pang pito.badtrip si sir derez nagpagawa ng kung anong problem na hindi namin nagets.pangwalo.nagtest sa elec na 24 ako.isa na lang e.pasado na.pangsiyam.sa unang pagkakataon sa buhay ko nakakuha ako ng zero over onehundred na score sa periodic.kadiri tlga.at pangsampu---nag iisip ako at buti na lang, wala na.
sobrang hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon.naging malaking problema kasi yung procastination sa akin.kaya yun.nagigising na lang ako na may project pala sa araw mismo ng deadline.naiinis ako.gusto ko kasing baguhin ang lahatr pero hindi ko magawa.hindi ako makaalis sa gawain na nakasanayan ko na.hindi ako ganito dati.pero yun nga.naging ganito na.ang tao hindi likas na masama--biktima lang siya ng mga pangyayari.yon. sobrang naging komportable ako sa mga bagay bagay kaya nasanay ana akong bigla.at ngayon gusto kong umalis pero hindi ko alam kung paano.
pero sadyang matalino si Lord.kanina sa Filipino, ginawa nia akong leader ng grupo namin.natuwa ako hindi dahil extra points na naman kundi dahil alam kong sa ganung paraan, mapipilitan akong gawin lahat ng makakaya ko at para maging mas maingat sa mga pinaggagawa ko.haha.ang galing.
isa pa.
natapos ko na dati lahat ng libro ni BOB ONG.pero dati.nagbabasa ako para matawa.para libangin ang sarili ko.pero simula nung nagbasa ako ulit ng libro nia.maraming nabago sa takbo ng pag-iisip ko.ang mga libro ni Bob, simple pero may tama.hindi lang puro pagpapatawa ang alam niang gawin.yung pagusapan ang pulitika, lipunan, pamilya, mahal, kaibigan.lahat na yata.napakalawak niyang magisip.kaya nga nung natapos ko ULIT ang MacArthur at Stainless Longganisa.Nagising ako ulit sa katotohanan ng buhay.marami maraming marami siyang mga bagay bagay na ipinapakita sa bobong Pilipino. Nakaktuwa talagaC:
marami na ako masyadong sinabi.na hindi ko alam kung may paki ka.pero meron man o wala.blog ko to.walang pakielamanan:]]
magandang gabi sa lahat~
Friday, November 07, 2008
i need you SANTA:c
i want to set myself free.pero pano?magwish tayo kay santa.tutuparin nya yon.hapi birdey RVINLAB.sa ngayon ay siya ang taong naiintindihan ako at naiintindihan ko rin.mahal kita kuyaRVINLAB.matanda ka naaaa:3333
nakita ko si mane kanina at nakipaglokohan.natuwa naman ako.isang buwan ko rin syang hindi nakaganunan.haha.IMYSMMANE<3.ang matalik kong kaibigan.marami akong namimiss e.diretsuhin na naten.namimiss ko din si KARLAmartinez:c.at syempre ganun din si EDpesado.[damn you!haha.
isipin natin ang mangyayari bukas.dahil sa ngayon.wala pa kong pakielam sa mangyayari sa near future.
ayoko munang isipin na magugunaw na ang mundo.marami pa kong pagkakamali.gusto ko munang itama.at syempre.GUSTOKOMUNANGSUMAYA.kaya nga yun.sana tuparin ni santa.
goodnite everyone.ILOVEUSANTA.
Thursday, November 06, 2008
pwede bang YOU&&ME again?
kanina.nagbabasa ako ng mga nakaraan kong post.at ang talagang tumama sa aken ung mga post ko last year.nung panahong fresh ns fresh pa ang lahat.natatawa ako.ilang taon pa lang ako non pero yung mga pinagsasasabi ko, pinaggagagawa ko at mga nararamdaman ko parang pareho lang ng sa ngayon.siguro.naman kase isang taon pa lang nakalipas.pero kasi naman e.parehong pareho.
RVIN.kelangan kitaaaa.ikaw ang nakakaintindi.at nagkakaintindihan tayo.haha.alam na:33
"sa lahat ng katangahang nagawa ko..ito yung worth kasi kahit sandali sumaya ako.at hindi ko pagsisisihan iyon."
--isang taon na ang nakaraan<|3
kaechosan.
[b]Your Love Score Is: 65[/b]
[img]http://www.blogthingsimages.com/areyouinlovequiz/love-3.png[/img]
It's love, but it's definitely not ideal. Your relationship brings a lot of heartache too.
On an average day, you are happy and content with your partner. But there are a lot of problems under the surface.
Maybe your relationship has a lot of baggage. Or maybe you don't communicate with each other as well as you could.
Either way, you both have a bit of resentment toward one another... whether you'll admit it or not.
You can get the love you want. It may be possible in this relationship, but there are no guarantees.
Do your best to listen more, communicate better, and compromise as much as you can. Give it your best before you give up.
[url=http://blogthings.com/areyouinlovequiz/]Are You in Love?[/url]
Wednesday, November 05, 2008
happy birthday blog:]]
HAPPY 2ND BIRTHDAY BLOG.
hiyess.second birthday na ng aking blog.pero bukod sa blog kong dilaw.gusto ko ring batiing maligayyang bati si jaycee tuazon javier.hindi kami masyadong peace ng taong to ngayon.pero just for you at for him to know.namimiss ko rin ang taong ito:]]
pangalawang taon na ng aking blog.haii.napakarami naming napagdaanan neto.ang aking blog ang nagsilbing saksi sa pinakamasasaya, pinaka malulungkot, pagiging emoemohan ko, sa mga pangarap at panaginip ko, sa mga hinaing ko, problema, kasiyahan at kung ano ano pang importante at kahit hindi importanteng pangyayari sa akin.dalawang taon na kaming magkasama pero hindi pa ito punung puno.pero ano na man diba.jusko.kung magiging tao siguro ito.talo pa nito ang nanay, kapatid o kaibigan ko.alam nia kasi lahat. at kahit wala masyadong dumadalaw sa kanya di tulad ng iba siyempre mahalaga pa rin to saken.kahit ako lang ang natatanging taong dumadalaw dito.di ko buburahin ang aking blog.haha.MAHAL KO ANG AKING BLOG<3.kaya sayo.maraming maraming salamat.at mahal kita blog:]]
Tuesday, November 04, 2008
TITLE<3
nagpunta kami ng batangas.at siyempre nakita ko ang pinakamamahal kong ama.[puntod lang naman]tapos un.sa bahay.masaya ang naging stay namin don.and then sa cavite naman^_^.hindi ako nabigo sa bagay na iniexpect at hinihiling ko nakita ko yung taong naging sobrang tanga ako.pero parang kahit sa kabila ng lahat natuwa pa rin ako nung nakita ko siya.sumigla pa rin ako kahit papano.nakita niya ko e.at sure ako dun.
happy 30th monthsarry babe<3
kahapon dapat e.pero malamang sarili ko lang ang binabati ko.mahirap maghintay.mahirap umasa sa wala.pero anong magagawa ko di ba?isang taon ko nang pinag-isipan.isang taon ko rin pinilit ang sarili ko na wala.wala na talaga.pero bigo ako.at eto andito ako parang tanga lang.naghihintay sa di ko alam kung meron ba o wala.
ganun ba talaga yun?kapag mahal mo talaga, walang sukuan.kahit di mo alam kung meron ka ba talagang aasahan o wala.aasa ka pa rin.kasi sa pag-asa mo na yun--nasisiyahan ka kahit papano.love is like believing to santa claus.you know it's impossible, you know he can't be true pero you will still keep on believing kasi yung paniniwala na iyon yung nagpapasaya sayo.[speaking of santa claus.merry christmas everyoneXD]
hanggang kelan ba dapat maghintay?hindi ko rin alam e.pero siguro hangga't kaya ko.gagawin ko.natatawa tuloy ako.