Thursday, October 29, 2009

Nag-eenjoy pa ko ng sembreak:))

Monday, October 26, 2009

Share lang


“Sukob na! Halika na! Sabay tayo sa payong ko…”

Yan ang kinakanta ng mga taga-ABSCBN noong rainy season last year. Pero, pagdating sa Masci, hindi ganyan ka-romantic ang tag-ulan natin. Andyan ang makabaliktad-payong na hangin, nakaka-sipong ulan at siyempre, mawawala ba ang minsang lampas-taong baha? Bahang di lamang sa kalsada makikita kundi pati sa Lovers’ Lane. Isama na rin natin ang mga tiny puddles sa quad, hallways at lalung lalo na sa CR. Hindi nyo na matatakasan ang mabagyong buhay diyan sa Masci. Kaya ang mabibigay lamang ng The Mascian ay kaunting rainy day tips sa inyo:

1. Alamin ang panahon bago umalis sa lungga mo.

Manood ka man sa “Magandang Tanghali Bayan” o sa “Unang Hirit”, walang pagkakaiba yun. Basta dapat malaman mo lang na babagyo o hindi. Kung may signal na, mas maganda na ring huwag pumasok. Pero huwag namang exag. Mamaya, ambun-ambon lang, di ka na pumasok.

2. Know your surroundings.

Kung alam ninyong palaging binabaha sa paligid mo, laging magdala ng bangka… hindi joke lang. Kung binabaha nga naman ang lugar ninyo ng matindi, mas matalino nang mag-stay sa bahay. Mahirap na ang ma-shoot sa mga manhole na nakakalat sa tabi-tabi.

3. Maging laging handa.

Alam naman natin lahat ang kailangan kung umuulan. Laging magdala ng payong, kapote o kung puwede pa - bota. Para safe ‘di ba? At kung nasa FX o sasakyan kayo papuntang school, makinig ng radyo. Sa mga ganitong panahon, hindi advisable ang matulog sa vehicle. Be alert. Kaya nga may halos dose oras tayong klase ‘di ba? Para matulog? Ooops.. joke na naman yun… Magdala rin ng extrang saplot sa katawan katulad ng t-shirt, pantalon, brip/panty (basta underwear), medyas, atbp. Para diretso na sa Robinson’s pagkatapos di ba? (Joke joke joke!)

4. Huwag mag-panic sa baha.

Minsan, sa isang buhay ng Mascian, mapepeste ka. Lalo na kung ang mga dadaanan mo ay lubog sa baha, malamang ay ibababa ka na ng FX driver sa dulo ng street at lalakarin mo na lang. Para sa mga sitwasyon na walang takas katulad nito, ito ang tips namin sa inyo:

  • E kung alam mo naman palang baha e bakit ka pa bumaba? Para maiwasan ito, umuwi ka na lang. Wala nang pasok… di mo ba narinig sa radyo?
  • Kung pansamantalang nablangko ang kokote mo, at andyan ka na, nakalusong sa baha, ang dapat mong gawin ay… Maglakad. Malamang. Huwag kang tumakbo dahil mahihirapan ka lang lalo na kung hanggang bewang ang tubig. Hindi ito beach. Ang mga tubig na tatalsik sa mukha mo ay punung-puno ng ihi, tae, laway at iba-iba pang basura ng kalikasan.
  • Kung ikaw ay natatakot ma-shoot sa manhole, problema mo na yun. Huwag tatalun-talon sa tubig sa pag-asa mong maiwasan ang mga butas. Di mo nga nakikita diba? Mamaya ma-swak ka pa.
  • Kung ikaw ay naiihi at di na mapigilan ang tawag ng kalikasan… pigilan mo pa rin. Kahit nakalubog ang kalahati ng iyong katawan sa tubig, hindi ibig sabihin pwede ka na ring jumingle. Hindi ito beach o swimming pool para ihian. Narinig mo na ba ang leptospirosis? Maawa ka naman. Huwag nang dagdagan ang dumi ng flood water. Pero kung di mo na matiis, bahala ka… sino bang makakaalam?

5. Yehey! Nasa Masci ka na!

Kung sa palagay mong masaya na ang buhay mo at nakarating ka na sa patutunguhan mo, akala mo lang yun. Basa ka na, mabaho pa, jumingle ka pa sa underwear mo tapos papasok ka pa? Depende sa trip nyo yan mga tsong… Well, sa totoong buhay, pagdating mo sa gate ng Masci ay lalo ka pang mapepeste dahil sa layo ng linakbay mo ay wala palang pasok. Pero mas lalo kang mapepeste kung may pasok pa rin pala (Ang gulo ko ‘no?) Siyempre kung may pasok, puwede kang madulas sa CR, bahain sa Lovers’ Lane, matalsikan ng putik sa quad, o ulanin sa classroom (oo, puwede mangyari yun sa Masci). Ano? Kaya nyo pa ba?

At yan ang mabagyong buhay Masci… saya ‘no?


-got it from thisiscoy.net

Cute no, he said he wrote this when he's still in MaSci. Wala lang. Share Share:))

MaSci @ 46

Late post. haha.

Ayun, nagcelebrate ng 46th foundation day ang Manila Science High School last Friday, October 23, 2009. As usual, this is also the tim,e for a batch reunion. Oo, batch reunion talaga. Ganun naman e. Kung sino yung latest na grumaduate, nag bbabatch reunion kapag foundation day. Sobrang dami ng batch '08-'09 nung Friday. And that makes MaSci Foundation Day livelier(para sa akin a)

Nakakatuwa kasi, benta yung pakulo ng SSG ngaun. Andun pa din yung booths and everything, yung boyband at yung latest, Bb. Gandang MaSci. Masaya naman siya e, pero at usual ulit, naki-party din ang sandamukal na Parents. Wala namang masama kung manonood sila ng Field Demo, kaso lang, umabot na ata ng gabi yung parents.

I enjoyed the day with different groups. Haha. Hertz, Franklin. Pero, kasama ko si John Marc until the end of the day.

I've got nothing to say na. This is not writer's block. Di naman ako writer e. HAHAHA. Joke?

meron pa lang binebentang shirt sa Divisoria.com eto o.Ang cute no? That's 9 US dollars daw. Just go to Divisoria.com for details:))

Ciao!

Wednesday, October 21, 2009

One down. More to go.

Long time no see, blog.

First year first sem-- FINALLY OVER. I just spent (and still spending) this week for the pre-advising and the classcards, of course. Sayang lang talaga yung monday. Isang buong araw kaming naghintay sa school for our Math Class card. Eh yun naman pala, we would have our ccard on Friday. It's like, hello? Pre-advising Thursday tapos Friday ibibigay. pero okay lang. I super duper LOOOOOOVE my grades(not really, though). I got 1.5 and 1.75 in almost all my subjects. Except for Histo where I got an embarassing 2.25 and Philo where I got a veryveryveryPROUD FLAT ONE. (Am I this [insertwordhere] to flaunt my grades here? Btw, this is still my blog. Haha. I have all the rights to post anything I want here:)) Though tiring and a bit sweaty (because of that [insertwordhere] temperature), it's still refreshing to get along with your blockmates as you wait for the profs.

Sayang lang dahil umuwi ako kagad dahil sinundo ako ni kuya, pero before that, I still have to do some works.

First: I still have to get my Philoccard. Second: P.E. class cards still, wala pa. Last: Umm, wala naman:)

May isheshare pala ko, this happened while I am transmuting my blockmates' grades.

Sir Nati: (singing)
Ako: Hui! Duudugo na tenga ko!
Sir Nati: Ayaw mo yun? Ang ganda ganda ng boses ko e.
Ako: Tama! Pag kinasal ako, ikaw kakanta a! Libre na. Haha!
Sir Nati: Sure ka okay lang? Baka mamaya mapagkamalan mo akong groom!
Ako. OKAYYYYY.


Hahaha. crush ko yan si Sir Nati e, tas babanat ng ganyan. Talaga naman. Eto pa isa o.

Ako: Aalis ka na? San ka naman magtuturo na?
Sir Nati: Sa States.
Ako: Weh! Tinanggap ka dun?
Sir Nati: Eh ang gwapo ko kaya, kaya nga nila ko tinanggap e! Charm lang yun.
Ako: Kung ang pagbabasehan ng pagiging prof e kagwapuhan, baka wala nang nag-aral no.
Sir Nati: Hello, pag gwapo ang prof, maraming matututo. Tingnan mo, natuto kayo saken!


Gwapo naman talaga siya e. Matalino pa, kaso, kung gano katalino, ganun din kalakas ang self confidence. Hahaha. Eto pa o.

Sir Nati: Sheeeet, nastress na ko. Papangit ako nito e.
Ako: Wow.. Kelan ka nman gumwapo?
Sir Nati: Aba, aba. Bumabawi ka a.


Baweeeeeee. Haha. Wait, may pahabol pa.

Sir Nati: Anlake ng braso mo!
Ako: Salamat a. Maraming salamat talaga!
Sir Nati: Okay lang proportion naman sa katawan mo e.
Ako: Parang sinabi mo naman na napakataba ko.
Sir Nati: Hindi, maganda kaya katawan mo. Hindi halatang malaki braso.
Ako: Wow.. Wala kong pera sir!


Oha. Bawi talaga e. Hay. Dahil sa halos isang oras kaming nag-intay sa wala, marami pa kaming napag usapan nian ni sir e. Ilalagay ko ba lahat? Wag na. Hahaha. napagkamalan tuloy akong barkada niya nung mga estudyante niya. Hahahaha. *blush*Blush**blush*

Patay ako kay Elaine at Krystel neto. Hahahaha.

Okay, till next time friends:))

Tuesday, September 22, 2009

be back after some time.
bye for now.

Wednesday, August 19, 2009

Baket?

Isang tunay na mapagpalayang gabi sa lahat.

Mula nung pumasok ako sa college. Marami ang nagbago. Pero mukhang mas marami nung pumasok ako sa pinasok ko.

Hindi na ako sanay mag nternet ng mag internet. Chini check ko na lang yung accunts ko to accept requests and such. And sometimes, to add other people na din, which is, ginagawa ko lang naman pag kilalang kilala ko. My mom confiscated my phone. Maybe, (she actually said) it's because of disobeying her rules. Ewan. Pero nabuhay na ko ng walang celfone nun e. Ngayun pa kaya? Kaya sige, gora lang.

Marami pa e. Pero, masyadong mabilis ang oras. At baka next month, year na uli ako makapag post. It depends.

Hay. Help me God:(
It's really hard to give up something you love:(

Friday, July 24, 2009

BS --

Hello sa nilalangaw kong blog.

Talo pa nito yung pet ko sa Pet Soc. Hahaha.

Di na ako nakapagpost for almost a week, and it has been forever. Hyess. haha. Madami kai nangyari e. Like, my sister left for Qatar, I am now a Sun Cellular user, I've been sooooo active in an university wide org-- BUKLURAN, and, umm. many more. Haha. There were good and bad happenings e. Pero okay lang.

My sister left for Qatar.
Yea yea. Not for good of course, pero hello. Mahirap na ang mag-stay pa sa Pilipinas e. Mahirap ang buhay, kelangang kumayod. Tapos yung kuya ko, planning to go there na rin. Work din siyempre. Hay, same reason. Kaya ako, gustuhin ko mang pagsilbihan ang sarili kong bansa, mas uunahin ko pa ring pagsilbihan ang pamilya ko. Pag okay na. I'll go bact to serve the Filipio nation. Parang reporter lang:))

Sun Cellular User.
Long story? Not quite. Pero hindi ko na lang din ikkwento. Baka mabanas lang din ako.

I've been sooooo active in an university wide org-- BUKLURAN
Yea right. Nung una nga, ang sinasabi ko pa, "pagdating ko ng college, mag-aaral lang ako.", "anu ba yung bukluran na yan? harang yan sa pag-aaral ko" etc. pero walang nangyare, sobrang nahatak pa rin ako ng mga prinsipyo ng organisasyon na 'to. Sumama siyempre ang passion ko sa mga bagay na pinauunlad dito. Pero siyempre, walang magpapatunay na maganda ang isang bagay kung lahat aagree na maganda yun. Ayaw ng mama ko at mga kapatid ko ang sumali ako sa Bukluran, pero, ewan. Tsaka eto na course ko e. BS BUKLURAN major in psych na lang. Hahahaha. Ayoko magpapigil e.

Andami ko rin nanging friends. Super. many to mention talaga. Haha. Nag eenjoy din ako sa camaraderie na nabubuo:)) Walang higher o lower year. Walang discrimination ng courses o ng school na pinanggalingan. Pantaypantay:DD

Nga pala, DEEZ is the new name pare. Haha. I-meet mo din ung iba like Cokey, Chenzo, Melay, Vega, Kael at marami pa. Natawa pa ako sa M.A.(emae) na ang ibig sabihin ay, Maria A***o***. Hahahah. Enough. Enough.

Hanggang dito muna friends. Goodbye for now:))






DEEZ<3

Saturday, July 18, 2009

SICK:(

Kahapon, anlakas ng ulan. Sobra. Sa sobrang lakas, kahit walang typhoon signal, suspended ang GS at HS. Siyempre, katulad ng ibang college freshie, hindi na kami umasa na buhay HS pa rin at walang pasok. Mawawalan lang naman ata ng pasok sa PLM pag lumipad na ang UAC. Kaya malamang, nakipagsapalaran ako sa ulan.

Ayos na sa akin yun. Di naman kase bumabaha sa street namen hanggang dun sa sakayan. Hassle lang talaga kase mababasa ung gamit ko. Pwede rin pag umuulan ang tsinelas sa school ko. Ayus na rin.

Nag EPI pa kame. Tapos mga 7:30 daw sinuspinde ung pasok. Hindi malas yun, swerte na rin kase instant free day. HAHA. Nagpalipas kami sa kantin ts andun pala sila Vic, Kim, Kuya Padj at Kuya Justin. Kaya ayun, napag desisyunan naming sampu na mag SM na lang. Natatawa pa nga sila saken kase nung tumawag yung nanay ko, sabi ko, nagpapatila lang ng ulan. "Meron bang biglang tigil na ulan sa gitna ng bagyo?" HAHAHA.

Aaaa! First time, grabe na lumusong sa baha. Di naman kase problema sa akin yung maggala sa gitna ng bagyo e, ang bago sa akin, yung maglakad sa Intramuros na sooooooobrang baha at maraming means ng pagpunta sa SM ng di nababasa pero naglakad pa rin kame. Haba. Haha. Labo. Pero sabi nila, panget kasi talaga pag sumakay ka pa, adventure talaga.

Enjoy si Vic, mawala siya saglit, mamimiss mo na. Grabe, talo pa niya si Harry Potter kase kabisado nia lahat ng spells. Haha. Ayun, hinintay pa namang bumukas ang SM ts naglagalag na rin.

Marami pang nangyare sa loob ng SM na soooooooooobrang ikina enkoy ko, kaos tinatamad akong magtype.

Basta, sila kase, kaartehan lang daw yung ayaw lumusong sa baha e samantalang ang mahalaga lang naman, makauwi ka ng buhay at masaya:)) Maganda rin ang ending nung adventure, nagsimula sa bagyo, nagtapos sa baha. Halfway before the knee yung nilusong namen. At sa sobrang kamumura namen habang naglalakad, baka nalagpasan pa namin yung impyerno. HAHAHA.

Ang masama lang talaga, inapoy na ko ng lagnat kagabi at sinugod na ko dito. Buti at mahal ako ng tita ko at dinala nia yung lapyop at SUN Broadband na usb. Yey. Hahahaha. Sana lumabas na ko dito. Amboring:(


Yun lang.
Au revoir friends:))

J♥

Friday, July 10, 2009

Nostalgia:(

Reported on Sir Gorgeous' subject and got 98, sh*t, that was the payment for this f*cking headache. After classes, went directly to Buklo Shed, and it was fun talking to ate Kam and Kuya Hubert, who, the latter is a BS Psych student too:) After that, we visited MaSci, and argh.. I miss that place so so so so much.

Wait, why am I using the language I hate the most? and in a coloquial way pa? I dunno. Maybe it's the result of having this headache.

The grass is always greener on the other side. (alam ni pau yaaaaaan:() By the way, after I think 1 month? nagkausap na uli kami ni Adrian Carl Galindo Rivera. I was happy about that except for the fact that we've talked for about 2 hours. And guess what, I think it is 11:00 in the evening. Argh. Thank you SO much for the eyebags, Adrian! Ayun, eto namang si Adrian, maraming kwentong dala. He surprised me for already having **************************** na. And that was... umm. exasperating? Haha. I dunno. Nvm. I am still happy I was able to talk to my best friend:) Imy Ne:))))

Natutuwa din ako for having these PLM friends. Take note: They are not from MaSci and they are from another course. There's Mikee, whom I met because of this Bukluran thing --he is sooo friendly, at ang bilis niyang pumick-up! haha. Alam na. Andyan din si Jon, who is a certified good time Charlie, I have always liked people like him who are sooooooo friendly:)) Tapos si Mica, who is, as well as Jon, Jed's classmate, she's really pretty and is so kind:))

Actually there's a lot more eh, kaso, I'm going to cook pa for myself. Poor me. Hahaha.

Au revoir friends.
Till next time.

Wednesday, July 08, 2009

BORED.

Got this from Isabog:))

This is all about ur recent course in college.. ONLY COLLEGE STUDENTS ARE REQUIRED TO ANSWER THIS..
1.anung course mo??
>> BS PSYCHOLOGY
.
2.Saan ka nagaaral??
>> Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
.
3.napilitan ka lng bng kunin yang course na yan??
>> NO. 3rd year ko pa mahal ang Psych:))
.
4.cnu nagpapaaral sau??
>> Non-paying. pero kay mama ung baon. XD
.
5.nageenjoy ka ba sa college lyf moh??
>> ilang linggo pa lang naman e. pero ayos.
.
6.e sa college barkada?
>> nasa piling pa rin ako ng MaScians sa eskwelahan ko e.
.
7.first college frends?
>>bukod sa masci ppl, si PTBoy:))
.
8.first college boyfriend/girlfriend?
>>nge. wala pa. haha.
.
9.anu ung top 3 choices mo na course??
>> Psych, com eng ts pol sci pero wala nun sa PLM.
.
10.have u ever felt out of place sa skul moh?
>> NO. haha. masaya naman e.
.
11.irreg ka ba o regular?
>> regular.
.
12.may crush ka sa skul moh?
>> tanung mo si mickael at elaine at gigi.
.
13.favorite subject?
>> Gen. Psych.
.
14.sang subject ka natutulog??
>> wala pa naman.
.
15.pinakahate mong subject?
>> Pastoral Educ. Sh*t prof dun e. tsk.
.
16.kilala ba skul mo??
>> parang.
.
17.ever thought of taking up nursing??
>> pwede rin. kaso takot ako sa dugo e.
.
19.bkt?
>>see above answer
.
20.do u miss ur hayskul life?
>> OO. SOBRAAA.
.
21.anung balak mong unang gawin pagkagraduate moh??
>> maging psychologist o psychoanalyst
.
22.xan ka nman magttrabaho??
>> kahit san, type ko din kase ang industrial psych e.
.
23.do u have plans of going abroad??
>> yeah.
.
24.10 yirs from now anu ka na??
>> Psychologist na may Nobel Award. (pangarap lang yon. haha)
.
25.do u love college lyf??
>> umm. saktuhan lang.
.
26.anung gusto mong gift ang mtnggap moh sa graduation moh??
>> plane ticket sa australia. haha.
.
27.me bf/gf ka ba??
>> gusto mo magkaron?
.
28.recent school problem?
>> wala naman. sana wala talga.
.
29. crush mong kaklase?
>>hello! apat lang lalake samen, 2 pa gay.
.
30. pinakakaclose mong college friends?
>> dating friends:))
.
31. anong oras ka natutulog?
>> pag gusto ko na.


ay. ayan. wala akong napala sa pagsasayang ko ng oras. haha.

Tuesday, July 07, 2009

college na pala ko:))

Andami ko dapat i-bblog eh. Pero I've been so busy these past few days. Umm. Sa Block. Mas ayos na kaysa dati. Mas marami na rin akong nakakausap at nakakalokohan. Buti, andyan si Kim at si Jomar na bumubuhay sa klase. Haha. Pero although we've been talking and chatting and wathever-ing with them na, sa piling ni Elaine at ng ibang MaScian pa rin ang ending ng buhay ko dun. Haha.

The batch. Ayos lang. Masaya rin kasi, we got to know other people of the same batch pero syempre, of different course.

Orgs. Particularly Bukluran! Hahaha. Enrollment day pa lang, na pre-orient na ako sa buklo. Kaya sobrang nagustuhan ko agad siya. Not to mention na pugad yun ng MaScians at MaScian yung nagtatag. Actually, Hindi naman talaga lahat ng MaScian andun e. Meron nasa ibang org. Pero ayus lang:)

Umm. Dahil din sa buklo kaya andami ko rin naging friends. Same batch, o kahit higher years pa. Laking tulong din na Globe sila. Hahahaha! Tapos syempre, may rivals din ang buklo. Pero let's not talk about that. Baka makasuhan lang ako. haha.

Ayun. Today --is one of my "best"? PLM days. Haha. Di naman. Exaggerated. haha. After classes kase, nagpunta na ako sa Buklo shed para sa orientation nung iba. Umabot siya ng mga two. Ts nung binalak na naming umuwi, nakita namin si PTBoy. We're about to chase him. (kadiri. chase.) pero sila Jedd at Ginalyn lang yon. Haha. Nung tumatakbo na sila, lumapit yung College of Nursing President kasi nga akala nia, nursing kami.

Jedd has been talking about Kuya Morris already, pero we thought na he's someone unreachable. Tsaka why the hell would we care? E nursing nga diba? Pero nung lumapit siya sa amin, ayun. Mabait. Tsaka he kept on insisting na matatalino daw ang mga MaScian. Hahahaha. Oo na lang. After the talk, umuwi na din kame:))

MaSci Ppl. Namiss ko na yung ibang FG at yung FB. Ina kase neto nila Vernisse e. Naku. Tas natuwa ako kay Fred at J.A.. Haha. Namimiss ko na rin kayo:((

Namimiss ko na rin sila John Marc, K, Erinn, Adrian, Jake, Kris, Fred, Vern:((

Monday, June 29, 2009

Con Ass


Con Ass is sooooo stupid. I don't even know what benefit will we get from this. Argh.

Farewell

Wala lang. I just realized na hindi pala masyadong kita yung link sa baba ng pangalan ko. Stupid me. Haha.

Jedd: Ui, may sasabihin ako sayo.
Ako: ano? ano?
Jedd: FAREWELL PARTY NI SIR BANG SA TUESDAY
Ako: Shit, di nga?
Jedd: Gusto ko pumunta kaso may klase aq e.
Ako: Mas lalong gusto ko pumunta, kaso. Argh. Ba naman.
Jedd: WAG MO IPAGKAKALAT A. PINAGKAKATIWALAAN KITA.
Ako: Okay.

Ui, sorry Jedd a. Pero okay na naman yan. Mamimiss ko lang talaga si Sir Bangayan. Tas hanggang 1pm lang daw siya sa Tuesday. Para naman kasing tanga, ang magbibigay ng party sa kanya, mga taong di naman niya naging estudyante. Makes sense? Nako.

KAYA NANANAWAGAN AKO SA LAHAT NG ESTUDYANTE NI SIR. MAGPUNTA KAYO SA MASCI SA TUESDAY, BETWEEN 7-1 PM.


Ay. Bbye sir:(

Wednesday, June 24, 2009

Life is a piece of cake

Di pa ako tapos sa takdang aralin sa Filipino 101:(

Wee. I've already changed my url. (Jorge, happy? haha) At first, I thought apieceofcake would be good. But, suddenly, I realized that mypseudopsyche is better.

I am currently using my kuya's friend's laptop. Haha. Poor me. Nakihiram pa ng laptop. Pero di ko talaga siya hiniram. Talagang tambay lang to dito sa bahay at pinagamit sa akin ni kuya. Okay lang naman daw sabi ng owner.

Life is a piece of cake, I obviously got it from Eraserheads' Fruitcake. Simple lang ang sentence at ang comparison, pero totoo. May iba ibang interpretations at meron din ako. Pero I don't think I am in the right mood to write something like this at this moment. So it would be better if tatapusin ko na agad ang post na ito.

ANG GULO KO NGAYUN AH.

aww. Till next time muna.

Tuesday, June 23, 2009

si JORGEandcecil

Nako. Bakasyon Grande na kami masyado. Una dun sa foundation day celebration, tapos ngayon, Araw ng Maynila. Wednesday lang walang pasok pero feeling ko, isang buong linggo na naman akong tatambay sa bahay. Buti na lang, may mga prof na nagiwan ng takdang aralin sa amen. Hahaha. Ayoko lang talaga ng subject, Filipino 101. Hindi siya boring, sadyang ayoko lang talaga. (naturingan pa naman akong gabay. tsk.) 'Pag wala ka kasin libro, automatic, internet ang lalapitan mo. E since Fil101 siya, wala karaniwan sa net yung mga bagay bagay na kailangan mo. Nako talaga.

E dahil nga internet ang takbuhan ko, di tuloy maiwasan na may iba pa kong gawin na makakasagabal sa pag-aaral ko. Hai. Alam na.

Anyway, masyado nang nauuso yung A(H1N1) na yan. Lahat na yata ng unibersidad sa palaigid ng Pamantasan, nagsuspinde na ng klase. Kami na lang yung hindi. Ayaw kasi ng PLM na magpanic yung mga estudyante as well as mga staff at yung faculty. Nagkaroon na ng cases sa amin pero hangga't maaari, hindi nila ina-announce yun.

Sa sobrang uso ng sakit na yan, pati mga kaibigan ko, parang nakiki-in na rin. Last sunday, magkakasama kami dahil sa ROTC. Kasama namin yung isang kaibigan namin nun. Ngayon, ngayung araw lang, nalaman namin na yung kasama namin nung Sunday, yung isa sa mga taong nakausap, nakatawanan at harutan ko e mukang nagpositibo sa virus na yan. Nkakalungkot tuloy.

Tapos kanina, nilalagnat na si Jedd at Pau na may kasamang ubo, sipon at sore throat. Nag-aalala tuloy ako para sa mga kaibigan ko. Get well soon guys:) Sinipon at inubo at sumakit yung lalamunan ko kanina, pero medyo wala na siya ngayon.

Anyway ulit, hindi pala ako nagbago ng layout, minodify lang konti. Ampanget pa nga ng pagkabago e. Dapat fixed lang ung bg image pero tinamad na ko. Pati heights at width, di ko na pinag aralang mabuti. Hula hula na lang. Pero ayos ang, medyo nakuntento din naman ako e.

Tapos, baka magbago na ulit ako ng url. Pero di ko pa alam kung kelan, baka mamaya or bukas, or sa isang linggo or kahit kailan. Wala lang, kung kailan lang. Ano yung dahilan? Si JORGEandcecil kasi e. (jorge lang pangalan nia a. Haha. Kadiri ka talaga jorge.)

Jorge: ampanget ng url mo
jeremae: pake mo?
jeremae: maganda yan no.
jeremae: hahaha.
Jorge: panget pangetpanget.
jeremae: e bakit ba?
Jorge: e kase, batangx
jeremae: o ngayon?
Jorge: e si ed yun e.
jeremae: lul.
Jorge: ako niloloko mo?
Jorge: kilala kita.
Jorge: malandi ka e.
jeremae: gagu ka.
jeremae: wag mo nga akong kausapen.
Jorge: joke lang.
Jorge: haha.
Jorge: pero seryoso, baguhin mo na.
jeremae: e bakit nga?
Jorge: kase hangga't batangx yan, walang magandang mangyayare sayo.
Jorge: gagalaw at gagalaw ka sa anino niya.
jeremae: ui, nagtake ng vitamins
jeremae: haha:))
Jorge: de seryoso.
jeremae: e anung ipapalit ko?
Jorge: jorgeandcecil
Jorge: hahaha.
Jorge: joke lang
jeremae: isipan mo ko a!
Jorge: o bat ako?
jeremae: ikaw nagsajes e.


mahaba pa yan. pero yan na lang muna. Nga pala, si Jorge ay kaibigan ko. obvious? hahaha. So yun. Yun lang muna:))

Monday, June 22, 2009

psyche

is a greek term for mind or soul.

Ayun, ngayon yung totoong first day ng totoong klase. Haha. Para kasing lumipas yung first week ng enjoy enjoy lang sa Pamantasan. Parang ansaya nga ng feeling ngayon e. Yung parang pagkatapos ng halos tatlong buwan ng pagtunganga, hahawak ka na ulit ng libro, mappressure, masstress, at kung anu ano pa. Never kong inisip na mararamdaman ko ang pagkamiss sa pag aaral. Haha. Akalain mo un? Namiss ko mag aral? Harhar. Joke time.

Sa lahat ng prof ngayung araw naging paborito ko kagad si Sir Jay. Ayaw niya pasabi whole name nia e. Next time na daw. Prof namin siya sa Gen. Psych. Grabe, sobrang magaling xa. Hindi siya basta basta lang. Siguro dahil bonafide psychologist siya ng PLM. Unang meeting pa lang, hiniling na namin na sana 30 units ang Gen. Psych. Hahaha. Magaling siya swear.

May sinabi pa nga samen e. In Psychology, nothing is impossible. Wee. I super duper loooooooooooooooooooooooooooove Psych:))

Yun lang muna.

PS
baka ngayun ngayon lang ako makipagpost. Baka kase mas busy sa mga susunod na araw:))

Saturday, June 20, 2009

one weeek down, more to go:)

Isang linggo na kong college. Haha. Medyo naging okay yung first week ko. Kase naman, pagpasok mo, after 3 days, foundation ng eskwelahan mo. Oha. party party agad:))

Blockmates.
Ayos tong mga to. Kahit na apat lang ang lalake ayos din. Yung isa ko kaseng blockmate, gay. Gay na you know at masayahin. Siya ata yung bumubuhay sa section pag sobrang tahimik or nawawalan ng koneksiyon ang isa't isa. Hindi lang din kame yung natutuwa sa kanya pati profs din. Kaya ayos talaga. Lage kong kasama si Elaine dahil sa malamang e schoolmates kame. At siya din yung nakakakwentuhan ko. Totoo nga na kahit di kayo close sa masci, pag nakarating kayo sa ibang lugar at alam mong masci din xa, talutalo na. Haha.

Schoolmates.
Wee. Haha. Tulad ng karamihan, nangako akong mag-aaral sa college. Unti unti ko namang natutupad ng slight lang. Haha. Pero, nagBukluran na ko na naeenjoy ko talaga. Andami din kasing MaScian dun sa org na yun. Parang kahit na org xa at bago ka lang, di ka mahihirapang gumalaw. Outgoing din yung mga tao tsaka maeenjoy mo company nila. Tsaka onga pala. Try mong pumunta ng PLM, kahit san ka tumingen, may mascian. At dahil dun sa fact na yon, pinaplano na namin ngayon na bumuo ng isang MaScian Org sa PLM, hindi porket UP ang UP sila lang ang may mascian comm. marami kase sa PLM ang taga MaSci na xempre, nangangailangan ng tulong ng kapwa na hindi niya kahihiyan na hingan ng tulong. Syempre sino pa bang tutulong sa kanya? Mascian din. Kaya ng kahit kami yung aapeal sa OSDS para sa org, dapat may higher years din.

Haha, tas isa pang rason para sa MaScian Org ay ang magyabang. Haha. Si Jayvee me sabi nian. Marami ding cute sa PLM, ikot ka one time. Mabubusog mata mo. Hobby namin ni Elaine yan e. Haha.

School.
Isasama ko na dito yung foundation. Maganda naman sa School, may transformers ba yung iba? Kme lang meron. Haha, ayoko lang talaga ng klase sa GL dahil sa init. Pero ung english naman nmin dun, aircon. So ayus na. Maganda ung facilities ng plm. Lalo na ung sheeeeeeeeeed. Haha. 2 days ung foundation, 18 at 19. Pag umaga kase, boring. Walang ginagawa. Ewan ko ba, nocturnal ata mga tao dun, 3pm onwards yung party. Wala kaseng kabuhay buhay pag umaga. Pero nag enjoy ako sa 2 araw na yun. Yung iba't ibang contest at mga walang katapusang attendance. san ka nakakita na required ang attendance pag foundation? Haha.

Kahapon yuung last day. Manunuod sana kami ng Bb.Pamantasan. Kaso di kami nagkasya sa audi. Pero ayos lang. Cool naman kase si Tito Adel e. Nakipag apiran pa siya sa mga estudyante. Oha. Haha. Gwapo pa. Kaso nga lang, aalis na rin xa by november kase, tatakbo siyang sendaor. Akalain mo yun, sideline niya maging presidente ng PLM. Hahaha.

Nagkaroon din ng fireworks kahapon, akala ko saglit lang pero antagal nia men. 5 mins to 7 ata yun, mababa lang kase sa field lang galin, pero ang cute talaga. Basta, kung dati, medyo ayaw ko sa PLM, ngayon-- I am loving my school na. Haha. Sabi nga ng ibang prof, UP lang sila, PLM ka. Hahaha. Oy, walang away a. Natuwa lang talaga ko sa sinabi nila.

Hay, seryosohan na next week. Please help me God:))

I am loving PLM na. Haha:DDD

Tuesday, June 09, 2009

plano ni Lord yun.

I do believe that each and every happening in this world is God's will. Minsan, magiging masaya ka sa mga bagay bagay na nangyayare, minsan din hinde. May times kasi na hindi maganda para sayo yung nangyare, pero ganun paman, after ng lahat ng mga panget na pangyayare, may reason si God sa mga bagay bagay na yun.

Nung una, pinlano kong magpost dito ng something na nangyayare saken ngayon, pero I guess, it wouldn't help anyone, even me. Wala na ngang kwenta tong blog ko, tas magpopost pa ko ng walang kwenta din, edi anu nnang nangyare diba? Haha.

Haha. Ewan. Wala namang perpektong tao di ba? Kaya lang, sobrang nag-aaim tayo na maging ganun. At minsan din, nagugustuhan natin yung mga taong mukhang perpekto kasi nga there's no reason para hindi mo sila magustuhan. Hindi ako perfect, nagblog ako hindi para magshare ng insights ko sa iba, hindi naman kase ako mayaman sa insights tas magsshare pa ko, hindi din ako magblog para magpasikat lang(pero i don't think may gumagawa ng blog sa reason na yun) wala nga akong pake kung may nagbabasa o wala ng mga nilalagay ko rito e. Nagblog ako kase, gusto kong may pagbuhusan ng nararmdaman ko. Wala na akong pakielam kung may magrereact ng hindi maganda, basta ako, gusto ko nitong blog para sa reason na yun.

Wala akong pinagsasabihan nyung nasa taas. May gusto lang akong sabihin na hindi ko matumbok kaya mukhang naliligaw na. At dahil naliligaw na nga, dederetsuhin ko na lang.

Meron akong tao na gustong gusto, all this time (3years) lahat ng alam ko sa kanya, hindi pala totoo, ang alam ko lang, thrice a month ko siya nakikita sa simbahan at hinahangaan ko siya sa pagiging *insertadjectivehere* niya. Hindi ko kasi ini-expect na may ganun tao pa. Malapit siya kay God, sobra, na feeling ko, sa sobrang close nila, kulang na lang, dun na siya tumira sa heaven. Kaya hinangaan ko siya. He reminds me of a loved one --papa ko. Kaya yun, hinangaan ko nga.

E since pinalake ako sa pananalig kay Lord at sa himala ng mama ko, natuto akong ihinga lahat ng problems ko sa Kanya. Natuto rin ako na hingin anuman ang gusto ko sa Kanya. Pinalaki din ako sa paniniwalang sa Kanya, walang imposible. Yun yung pinaniniwalaan ko e, kaya sa lahat ng hinihingi ko, karamihan naibibigay talaga. Minsan lang naman ako humingi e, kaya ayos na yun.

Pero may times na yung hinihingi ko, kahit ginawa ko na lahat, hindi pa rin naibigay. Oo, nadis-appoint ako, pero, after naman nun, may natututunan akong lesson. So, ayus na. Quits na. Ang galing nga e:D

--wait, hindi ko din pala nadirecho. Pero, di mo man maintindihan pinagsasabi ko, feeling ko, nasabi ko na yung gusto ogn sabihin:)

Pero this time, iba yung hiningi ko. Kakaiba. Hindi ko nga malaman kung bakit ko hiningi yun e. Siguro nga dahil sa fact na involve yung papa ko. Hindi ko alam kung sa mga pangyaayring ito e naibigay siya saken ni Lord, o tulad ng dati, gusto niya lang akong may matutunan ulit.

Blog post ends here.

PS- ganyan ako magpost pag naguguluhan:(

Monday, June 08, 2009

Monobloc

anu pa ang hahanapin? Lahat na ay sa akin
-Ely Buendia ng Pupil:)) -Monobloc


Haha. Wala lang. Na-LSS lang ako sa Monobloc ng Pupil:) Haha. Habang pinapakinggan ko tuloy playlist ko, lalong hindi ko pinagsisisihan na nagustuhan ko si Buendia. Matalino xang tao, at, matalino siya. Oha. Haha.

Nabubulok na ko dito sa bahay grabe. Dapat kase, pasukan na, kaso inurong ng CHED dahil sa A(H1N1). Pero ayus lang. Mamumuhunan na ko ng tulog--- well yun dapat ang plano ko, kaso d natupad. Salamat sa internet at celfone na nagpapaligaya sa akin kahit bakasyon. Haha.

Nung Saturday, nakausap ko sa Y!M sila pareng Erald, Arnan, Rvin na ewan. haha at Isko. Tas nakatext ko si Fred na nagbirthday nung friday at Kaibigang Paolo na kinikilig, hahaha at si Marvin na nasa batangas pa rin, nagbabantay ng kambing at Duna na natatanging FG na unli. Ihabol din pala naten si Pau. Haha.

Si Pau naman kase, sinali ako sa Mellow Gremlins, ayun, instant new friends. Nakakatuwa naman, kaso lahat sila, puro mas matanda sa amin. Ok lang, mabait sila.

Anu pa bang ipopost ko? Walang nangyayare sa buhay ko na makabuluhan. Hahaha.

Belated Happy Birthday na lang kay Frederick Pajel Calilung:)) Hindi ka na minor. Haha.
Derecho kulungan na ko:(( -pred. Haha.

Yun lang:)

Tuesday, June 02, 2009

Ang bakasyon.

Grabe. Ilang araw na lang at pasukan na. Tapos na rin sa wakas ang boring na basyon. Sa sobrang excited kong pumasok, syempre sa ngayon, nasa utak ko ang pag eenjoy sa pag aaral at pagiging busy ulit. Pero pag tumagal tagal na, ewan ko na lang.

Pero kahit papano naman, hindi naging sooooooobrang boring ng bakasyon ko. Masaya kahit papano. Nagpunta kami ng mga pinsan ko sa batangas. Haha. Cool mga tao dun e. Pag fiesta sa kanila, maglakad ka lang, mabubusog ka na. Kahit kasi dinila kakilala, papapasukin nila sa bahay nila para kumaen. Kaya nag enjoy ako sa stay ko dun. Dahil sa fiesta, sa sooobrang fresh air-- serious a, sa view, sa mga tao, sa hindi masyadong sibilisadong pamumuhay nila at dahil nadalaw ko ang puntod ni papa dun.

Tungkol dun sa pamumuhay nila, oo, bundok talaga, literally. Walang cable, walang internet ung mga celfone, karaniwan simple lang. Walang aircon. Wala lahat. Pero ang maganda sa kanila, simple lang lahat. Mag-eenjoy ka sa company ng tao, ng pamilya at mga kaibigan mo. Kaya nga hindi na ko magtataka kung bakit mas close ang ties ng mga pamilya ng mga tao sa probinsya kesa sa dito sa Maynila. Tsaka hindi nila pinoproblema ang kakainin sa araw araw. Kase, nasa paligid lang yung pagkaen. Lahat ng pinapasan natin dito sa Maynila, wala lang sa kanila. Kung sa iba, walang kwenta yung ganung pamumuhay e, diba? Pero ang totoo, mas masarap mabuhay ng ganun. Walang problema. Simple lang.

Tapos nun, lumipad na ko ng cavite. Kasama naman dun ung side ng nanay ko. Masaya din dun, kaso parang maynila na ung environment. Hindi na ganun kaganda ung ambiance. Pero masaya pa rin naman. Nag usap nga kami ni Ed e. Haha. Bongga. Akalain mo yun, after 2 years nagusap kami. meeeeen. Pero ayus din yun e. Nagkalinawan kami sa mga bagay bagay.

Pero after nun, wala.. BORIIIIIIING na. Yung tipong ang daily routine mo e matulog-maligo-kumaen-maligo-matulog-matulog-kumaen-maligo-matulog. Wala na. Buti na lang nagpabalikbalik ako sa PLM para sa enrollment at kung anu ano pa. Sa ganoong paraan, naiiba ng konti yung routine q. Hahaha.

Inaantok na ko, anlamig e. Umuulaaaaaan:)

Salamat sa pagbabasa ng walang kwenta kong post.

Monday, June 01, 2009

Back.

I've crossed into everyones (almost) blogs just to find out that I am such a lazy and irresponsible person. Drama. Haha.

This has been a routine. 'Pag schooldays, araw araw ako halos nagpopost. Pero kasabay ng bakasyon ang bakasyon ng blog ko. haha. Napakawalang kwenta ko naman. Anyway, kahit hindi naman ako nagbblog naging makabuluhan naman ang boring kong bakasyon.

Magkakaroon din ako ng bagong layout, kase ayoko na sa layout ko. Ampanget! Hahaha. Ugali ko na yun e. Tas hindi pa pala ko nag uupdate ng links, (pasensya trishia). Tas ung mga picture pa. Banamanyan. Napakaproduktibo ko talaga.

Next time na yung may sense na post. maghahanap muna ko ng layout;)

Wednesday, May 13, 2009

HIATUS

will be back sometime later~

Tuesday, April 07, 2009

Ang Huling El Bimbo

Bukod siguro sa title at sa konting intro, at sa maliliit na sundot ng Eheads dito, wala ka nang makikitang tungkol sa bandang iyon sa post na 'to.

Matagal tagal akong di nakapagpost, at sa haba ng panahon na di ako nakapag update (bukod sa skin) wala na kong magkwento pa ng detalyado.

Nung March 31 ntapos ang apat na pinakamaganda at pinakamemorable na parte ng buhay ko, ang high school. Sa apat na taon na iyon, marami ako masyadong natutunan. alam kong cliche na 'to pero, hindi lang ako sa libro natuto. Pati mga lessons sa buhay na kelangan at dapat kong malaman.

Kilala ang eskwelahan ko bilang pugad ng matatalinong tao. Nung una, takot akong pmasok dito, takot na baka maunahan ako. Takot na baka malunod, takot na baka lamunin lang ako. Nung elementary kasi ako, masyadong madali ang lahat. Ako yung pinupuri e, ako yung tinitingala, at alam ko yung pinasok ko nung high school na. Alam kong lahat ng tao dito, katulad ko lang din, yung iba nga higit pa.

Yung apat na taon na yun. Marami akong nakilala. Marami akong naging kaibigan, maraming tao yung naging kabarkada ko, maraming tao yung naging parte ng buhay ko, at napakaraming tao din ang naging dahilan ng pagkatuto ko sa maraming abgay.

Natutunan ko ang halaga ng pagkakaibigan. Na kulang ang pagkakaibigan kung walang saya, pero, hindi rin ang pagkakaibigan ang tawag dun kung puro saya lang. Na minsan, hindi sapat na kasama mo siya sa pinakamasayang parte ng buhay mo, kundi pati na rin sa pinakamadidilim na parte nito. Na hindi mo kailangan ng marami at sikat na barkada, dahil isang tunay na kaibigan lang, e sasaya ka na. Na minsan, kahit ilang taon mo pang kasama ang isang tao, hindi ka pa rin niya kilala. Na sa isang relasyon, mapa kaibigan o hinde, napakalaking bagay ng tiwala --dahil yun lang ang tanging bagay na magbibigkis sa inyo. Na hindi kailanman mapapantayan ng kahit anu pang relasyon ang tunay na pagkakaibigan.

Sa labing anim na taon ko sa mundong ibabaw, masasabi kong sa MaSci ko na naransan lahat ng tungkol sa pagkakaibigan. Naranasan kong mawalan ng tiwala sa isang kaibigan, ang mawalan ng tiwala ang isang kaibigan sa akin, ang makita kung gaano ka tunay ang tao o kaibigan sa harap at likod mo, ang magpakasaya kasama ang mga kaibigan, ang matuto ng mabuti at masamang bagay ang mga kaibigan, ang gumawa ng masama kasama sila, ang magpatawad at humingi ng tawad sa kanila, ang magsakripisyo at pagsakripisyohan, ang dumamay at damayan, ang umiyak para sa kanila at iyakan nila, ang tumawa ng parang walang bukas kasama nila, ang tumambay lang, at higit sa laaht, mahulog at magmahal ng isang kaibigan.

Siguro, kahit kailan, hindi magiging madali ang pagkakaroon ng kaibigan, pero gaano man kahirap, makakaya mo kase meron ka nung mga taong tinatawag mong "kaibigan".

--wait putol muna, ang aga kong pinapatulog:D

Saturday, March 28, 2009

to Re--

Recollection.

Lahat kami ay nagexpect ng isang memorable na recollection. At hindi kami binigo ng tadhana. Nagkaroon kami super duper ubod at sobrang memorable na recollection. Reconciliation. Reflection. at kung anu-ano pang Re.

Marami akong natutunan. O mas mayabang kung sasabihin kong marami sa mga tinuto ni Bro. Abel ang alam ko na pero binaon ko lang sa kawalan. Nakapagreflect kaming lahat. Maliban lang siguro sa isa na sa sobrang cool e kinain na ng coolness nia ang mga drama nia sa buhay. Pati boys nga humahagulgol na e, siya, cool pa den. yan si jael. Haha.

Pagkatapos ng dalawang oras na pagluha, binigyan kami ng time ni bro para magsalita-- para makapagpasalamat at humingi ng tawad sa mga nagawan ng kasalanan sa Prnkln. Lahat kami nag-enjoy sa Prnkln e. Sobra. At hinding hindi ko makakalimutan ang Prnkln. Swear.

Nag baccalaureate, tapos, may mga speaker na sumunod. Mehn, isa dun si Pred:) At magaling siyang speaker. Tapos nun, natapos na din ang 3rd to the last day ko sa MaSci.

Ewan, pero kasabay siguro ng mga luhang umagos sa mga mata namin ang sakit, excitement at saya na nararamdaman namin. Habang tinatype ko ang bawat pangyayari sa mga huling oras sa masci, masarap mag reminisce. pero, sabi nga, memories are nice. But that's all they are.

:( I'll miss masci to the highest level.

Sorry at salamat sa lahat. mamimiss kita at mahal din kita:) Gudnyt.


-sorry at salamat din:(

IL237426

Tuesday, March 24, 2009

REBONDED ka kasi, neng.

**Ang kasunod na post ay dapat kahapon, kaso, nawalan kami ng net. Haha.
032409

Ayun, rebonded nga ako.
That's all. Sh*t.

Ayus yung simula nung araw e. Hindi ko masisisi yung mga kaklase at mga naging kaklase ko nung makita nila ako. Isang taong di marunong gumamit ng suklay ang rebonded na ngayon. Amazing di ba?

Aminado ako, kamuka ko talaga si Arnel Pineda. Ako pa nga nagsabi sa mga kaklase ko nun e. sanay na kong tuksotuksohin, at kahit kelan, di ako iiyak kung MABABAW lang ang pantitrip na ginawa mo saken.

Yung nanngyare kanina sa audi, tingina, mababaw yun? Halos lahat na ata ng tao sa likod ko pinagtatawanan na ko, tapos kinunchaba pa yung nasa harapan na wala namang kinalaman. Sobrang galit ko pa kasi ang mga nagpasimuno, MGA KAIBIGAN ko. Yun pa masaklap e. Sangkatutak na mga kabatch mo yung nandun, tas pinahiya ka ng mga tinuturing mong KAIBIGAN. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng joke mga pre, at alam ko rin na may limitasyon yun.

Masyado na kong dehydrated kanina, at dumagdag yon sa pagiging hypersensitive ko, hindi ko na napigilan na umiyak. NAPAHIYA+PASIMUNO ANG MGA KAIBIGAN+DEHYDRATION. Naiyak ako ng bonggang bongga. Hindi ko na napigilan e. Napikon na ako. Buti anjan sila Ellaine, Nik, Mama, Ivo at Vernisse na nagtago saken habang umiiyak. Masakit talaga saken yun e. Nabadtrip talaga ko.

Pero, nung practice na, tinigil ko na. Tama na ang 5 minutes na pag-iyak. Ayus na yun. Naka kanata naman ako ng maayos. Nakapagpractice, tas natapos na din. Mamulamula yung mata ko kaya di ko masisisi na halata pa rin na naglupasay ako. Haha.

Natouch ako sa PRNKLN. Sa lahat ng girls,na todo comfort, mga KAIBIGAN talaga. Pero mas natouch ako sa boys, sa FB. Unang lumapit sila Javier, Agaton, Laiz at Pao. Tapos na ko umiyak, pero nung nakita ko na kahit sangkatutak na tao ang nantitrip sa'ken meron pa ring mga tao na kahit gagagogago e may puso pala at nagkecare sila sayo. Ayun, naiyak talaga ulit ako. Haha. Pota, iyaken.

Sinabi ng girls sa FB ung nangyari, haha, sa sobrang haba ng buhok ko, pinaringgan nila yung mga taong yun, pero nung una, akala ko walang natamaan e. Meron pala. (kwento ko mmya) Pero ang pinakanaiinis akong parte, alam nung lahat ng taoung yun na nasaktan ako. Yung Newton, sa pamumuno ni Peter, nagsorry. Pati ung mga taga-ibang section, lumapit para humingi ng pasensya. Pero yung isang tao, na isa sa mga taong nakakita sa'ken, isa sa mga taong iniexpect kong magiging sensitive sa nararamdaman ko ang hindi ko man lang naringgan ng Sorry.

Naghintay ako ng buong araw dahil akala ko, hihingi siya ng tawad. Pero pota talaga e. Ni text o chat wala akong natanggap. Siya pa naman yung PINAKAMATALIK KONG KAIBIGAN sa lahat ng nantrip.

Madali akong magalit e, pero kung gaano ako kabilis magalit, ganoon din ako kabilis magpatawad kung hihingi ka ng tawad. T`ina. KAIBIGAN kita. Pero tinalo ka pa ng mga taong ni hindi ko man lang naging kaklase. Badtrip talaga. Napakainsensitive mo kasi e. Leche.

Ang good side lang siguro nung nangyare, nakita ko na ang sa Prnkln, yung mga lalake, pag gaguhan, sila yung mga PINAKAGAGONG makikilala mo. Pero kung pabaitan, tataluhin nila pati mga anghel sa langit. Yung girls naman, parang lalaki ang din, pagtitripan ka na parang wala kang halaga sa kanila. Pero pag kailangan mo sila, mabilis pa sila sa kidlat:) Salamat kela Nik, Ellaine, Vernisse, Ivo, Mama, Jen. Salamat din kay Pao, Arbin, Jaycee, J.A., Erald. Mahal ko kayo:)))

032509

Ayus ung CAT grad e. Dabest ung grad e. Mag-iisang oras kaming tinusta. Tapos, gitna pa ng buong quad yung Prnkln. Feeling ko nga, naglalaro ng darts yung mga nasa araw e. Bull's eye kami. Badtrip. Ts yung buhok ko pang rebonded e kinailangan kong ipitan. Okay lang, marami akong karamay. Haha.

Pagkatapos ng pagpapaaraw at kung anuano pang kaechosan, nag present na, una yung roentgen. Tas dahil magaling kami, volunteer kami, pangalawang magppresent. Ayus yung presentation, kami mismo, natawa sa lakas ng loob ng boys, may choreo pa kami. ALAPAAP e, pang mga tarantado. kaya nga yun yung kanta para sa amin e. Haha.

Kahit papano, sana e nagenjoy yung iba sa presentation, kasi kami mismo, tuwang tuwa. Haha.

Tapos nun, preperation na ng food. Boodlefight. Masaya yun, inoven pa yung kanin sa quad. Lumamig daw kasi. haha. Natawa nga kami e. Kami yung kumamay dun sa kanin, pero sarap na sarap pa kaming kumakaen. lalo na si Arbin, di kasi siya masyadong gutom e. Nagkakagulo na yung mga tao sa paligid niya, siya, kumakain pa rin. haha. Tapos nun, pinablindfold na kami. May pinainom na C2 na may sili sa iba, pero kami di nakainom. HAHA.

Tapos, basaan na, masaya e. yun nga lang, wala na kaming extrang bra at panti. Haha.

Tapos nun, nagMcDo ulit Prnkln. Sampu ata kaming nagMcdo. Masaya. Walang katapusang tawanan. Dumating pa ang Linnae na jinoinan nila Ubas, pinaingay naming lahat ang McDo:))

Paubos na ang araw, ayokong isipin e. Ang gusto ko na lang, sulitin yung natitirang moment with friends:))))

---------------------------------------------------
PG: Kamusta na ang iyong......?
A: Wala pa din e. Badtrip nga e.
PG: Makipagbati ka na?
A: Shit, ako may kasalanan?
PG: Wow, magshota ba kayo? Haha.
A: Hinde, pero alam mo, una sa lahat, hindi ako yung may kasalanan, ako yung nasaktan e. pangalawa, Kaibigan ko siya, ang hindi ko alam, kung ganun din siya. Leche talaga.
PG: Ilang araw na lang kayong nagkikita, makakya mo bang matapos ang taon na walang closure?
A:....
A:....
A: Hindi naman kami magshota diba? Kaibigan lang yun. Period.
---------------------------------------------------

Eto pa isa o.
---------------------------------------------------
Naglalakad kami papuntang McDo.
NB: Uy, si arnel Pineda o!
PQ: Shhhhh. Tama na.
NB: Ay, jeremae, sorry a. Baka mabugbog kami ng Prnklin Boys e.
NB: oo nga, oo nga, sori jeremae.
---------------------------------------------------

Haha. Natawa naman ako sa pangalawa. Pero, mahal ko talaga si peter quetulio e. period.

Dabest yung magandang lalake na kausap ko sa una. Tas ako, walang kwentang kausap. Haha.





Tuesday, March 17, 2009

Paalam na:(

Masyado nang bumibilis ang araw.

Hindi ko na nga namamalayan na yung magpopost-ako-may-sense-man-o-wala-basta-maikwento-ko-lang ang-lahat-dahil-gusto-ko-nakalagay-dito-lahat promise ko e sinira ko rin. Ewan promises are made to be broken e. Ewan ulet. Haha.

Nagsimula na kaming magpraktice ng graduation. Nung una, naexcite ako ng bonggang bongga dahil hindi ko na makikita yung mga sadistang muka ng mga teacher ko. Tuwang tuwa pa ko before e. Pero ngayon na panlimang araw na, narealize ko na nakakmiss din pala ang magklase. Nakakmiss din pala yung mga panahong nagtataas ka ng kamay para magpasikat sa teacher mo, mga panahong, sisitahin ka ng teacher mo kase hindi ka nakikinig sa kanya o kaya yung mga panahon na nakapandaya ka na't lahat sa test e hindi ka pa pumasa (pero di naman ata nangyari yon.haha)

Ngayon pa lang, namimiss ko na yung mga bagay na yon, exciting yung graduation e, yung college ganun din, pero pag binabalikan ko ngayon bawat sandali ng buhay ko sa high school, feeling ko, wala nang mas dabest pa. Andami kong natutunan, naranasan, naramdaman at kung anu-ano pa.

Ngayon, pinapractice pa lang namin yung We Are One, naluluha ko. Ang galing nung kanta e. Parang pansimbahan nung una, sabi nga ni Ubas, background yun habang nagkokomunyon, pero bawat linya dun sa kanta, tagustagusan. Inaabangan ko na nga yung luha ko sa graduation e. haha.

Mamimiss ko talaga lahat sa MaSci, pero meron ding mga hinde. haha. E pot*, meron na kong halos singkwentang kaibigan na magPPLM. Ang malupit pa, kalahati ng populasyon ng Prnkln, PLM AT ACCOUNTANCY silang lahat. Shet, haha, kulang na lang, tawaging 4-Accountancy ang Prnkln. Haha. Pero joke lang na di ko sila mamimiss. iba pa rin kasi pag magkakasama kayo sa loob ng perimeter ng MaSci e. Sobrang iba non. Mahal na mahal ko ang buhay high school ko. At kung pwede lang akong gumawa ng listahan ng lahat ng tao, bagay, lugar, oras at pangayayre na mahal na mahal at sobrang mamimiss ko, e gagawa ako. Kaso nga lang. Baka nakagraduate na ko ng college di pa tapos yunXD

honesty.RUTHER.
PRNKN~
HERTZ:DDDDDDDDDD

Ay, ayoko pa tapusin yung post, kaso, hindi mapapantayan ng blog na to ang bugso ng damdamin at ng bunganga ko. Mamimiss ko lahat. lahat lahat:'(

Ikaw, wala kang mamimiss?

And when it's time to meet again,
I'll know you by your name
for a friendship lasts forever
and forever stays the same

Wednesday, March 11, 2009

Let's start again.

11:30 na, pero hindi pa sumasagi sa utak ko ang matulog. Sa ngayon kase, masaya, walang school works na inaalala maliban sa requirements for clearance. Hindi na masyadong mabigat. Medyo okay na.

Sometimes we think we're part of someone's life.. We share things with them, spend time with them, and gather good memories with them. Then suddenly, they'll show you that no matter how much you want themto be part of you, it cannot happen. Inspite of what you've been through together, you'll still realize that you're strangers as you always have been.


Sa madaling salita, antawag diyan feelingera. haha.
Nung una, hindi ako naniniwala sa forwarded message na yan. Syempre, close mo na yung tao e. Andami nio nang napagdaanan, tapos malalaman mo, wala pa pala sa kalingkingan ng taong yun yung mga bagay na alam mo sa kanya. Best Friends for Life na e, tapos yun pala, joke lang.

Mahirap makaramdam ng ganun. Ayokong tawaging feelingera yung mga taong naka experience nun, hindi naman kasi nila sinasadyang umasa, yung tipong ibinigay na nila lahat kase akala nila BFF na sila, tapos hindi pala. Kawawa yung mga taong yun, pero sinong may kasalanan?

Siguro sa isang banda, may kasalanan talaga yung taong nagpaasa. Hindi siya naging sensitive sa nararamdaman ng isa, hindi niya inisip kung anong pwedeng epekto ng mga ginagawa niya. Pero, kung iisipin ulit, may kasalanan din naman yung umasa. Tanga siya e. hinayaan niyang basta basta na lang umasa sa ganun. Leche ewan.


Sh***************t. Mahirap talaga pag dumaraan sa problema. Pakorni na ng pakorni.
Mas gusto ko pang chismis na lang ang pag-usapan kesa sa idiscuss ang mga problema ko.
Gayunpaman, marami pa ring salamat sa mga taong walang sawang nakikinig sa mga hinaing ko sa buhay.

Tomasa.Vernisse.Fred.


Miss na kita:(

Monday, March 09, 2009

Magkaibigan kami. Promise.

habang nanlilimahid ako sa pawis kahit 2 electric fan ang nakabukas (wala na kaming aircon e ba't ba? haha.) magpopost ako. Nawindang lang talaga siguro ako.

030609
Turn over ng MaSci. At JS Prom na ewan na din. Masaya ako nung turn over e. May vanity session kasi muna kasama si Sir Bang. Tapos, may picturan pa kasama yung prankleen after. Ayos yung pre-turn over. Haha. Natuwa pa rin naman ako nung Mismong turnover na. Nakaktamad lang talaga yung ibang nag bequeath. Pero iba yung kay Ace. haha. Astig. Kahit na medyo hindi nagustuhan ng iba dahil di daw pormal:

Kapartner ko si Bovi. Enjoy siya kasama. Masyadong tahimik pero nakikiride pa rin. Nilagyan pa nga niya ng feathers yung rose ko e. Bongga. Haha. Salamat kay Kamille Miranda sa pagpapahiram ng boypren niya sa sandaling panahon. Haha.

May afterparty yung Turnover. Yun daw yung prom. Nag-enjoy naman ako. Kasama ang prankleen. Masaya talaga sila kasama. Nagpapikchur pa kami sa lower years. At syempre, kasama dun si Bovi. Nagkainan kami sa kwarto ni Sir Bang. oha! Ambaet no? grabe. Hindi nagtagal nag-uwian na rin kame:D

Saturday, dapat ay magiging part na ko ng kasaysayan kaso, masyadong maraming pagsubok ang pinagdaanan ko nung sabado. Ayun, mapurnada ang date ng kuya ko at ng girl friend niya. Di rin natuloy yung panonood ko kasama si Adrian. (Shet talaga, nang-inggit pa si Aids pagkapasok) Pero okay lang birthday ni Papa. Binigyan niya ako ng ift. Pero secret ko lang muna yon. haha. basta ang ganda ng gift:))

Edi ngayon, Monday na. Umaga pa lang, naging busy na agad ako sa pesteng practial sa Mapeh. Tapos di pa pala ko nagsusubmit sa Elec. Tapos, nung hapon, nalaman kong highest ako sa periodic sa CS pero mababaliwala yun kase 70 ako sa project namin ni Mama Velina na Cd. Ewan, bagsakbagsak na ata ako ngayong last quarter e. Pagkatapos kong bumawi nang halos 30 points sa lahat ng subject nung nakaraan, parang binawi ko uli yon. Badtrip talaga. Katam:

Pero, marami ring medyo maganda at nakawiwindang na pangyayare. Una nagpagupit ako. Oha. Pangalawa, ElecCom ako, kaya lalong mas busy. Pangatlo, nagulat talaga ako kela Acantilado. Maraming salamat talaga ARVIN.

Sinabi lang naman kasi ni Arvin ang aking medyo secret na sekreto. Grabe, nalaman tuloy ni JA at Pao. Iniintriga tuloy ako ng Boys. Siyeeeeeet. Oy mga "shong" (haha) eto ang katotohanan a.

SAi ano at ako ay magkaibigan. nagkataon lang na pareho kaming walang lablayp ngayon. Medyo close talaga kami nun, third year pa. Kaya hindi na bago saken ang iniisip ng iba. Nawindang lang talaga ako sa sinabi nio. Haha. pero promise, wala talga. Minsan nga, naisip ko pag magkasama kame, para lang kaming magkumpare e. Haha. Muka ba kong nagsisinungaling. Oo, tama. Pero konti lang, konti lang talga. Anuman ang meron kame, ako lang ata ang meron. (pota.gets?) Basta. Mahirap iexplain. Sa kanya muna ako magpapaliwanag bago rito. Period.

Pero napag-usapan na rin ang mga ganyang bagay, gusto ko talaga magsorry kay Aids, sorry talaga kanina a. Alam ko, tapos ka na sa mga bagay tungkol sa kanya, pero, basta, sorry talga:(

Masyado nang naghahang ang comp. bukas uliot:)
Nyt.

Thursday, March 05, 2009

Sinusulit na.

MASAYA talaga. Bongga.

Natapos na ang periodic, pero alam ko na di pa tapos ang lahat. Una, bukas ang pasahan ng grades ng teachers pero bukas pa lang ako magpapasa nung iba kong requirements. Pangalawa, nashishitan ako sa pesteng clearance, dun kasi lumalabas ang arte ng mga teacher, pero ikaw, wala kang magawa, kahit tumalon pa sa building para maclear, kelangan mong gawin. Bawal tumanggi. Pangatlo, walang katapusang pag stay sa audi para sa GRAD SONG, impyerno pa namn dun, kaya ang iniisip ko nalang, bonding moment with friends yun:D

March 4 na, 27 days minus Saturdays and Sundays na lang ang natitira, natatkot, naiiyak, naeexcite, natutuwa at nalulungkot ako sa araw na yun. Marami masyadong pwedeng maging epekto yun e. Kaya ngayon, sinusulit ko talaga ang oras kasama mga kaibigan. Etong isheshare ko, kung pano ko sinulit ang araw na to.

Pagkatapos ng test, tambay sa Franklin, mga sampung beses din akong naghilamos kase nanlilimahid ako. Seryoso yung buong sentence. Promise. Pero pagdating ng one, Akala ko may meeting kami, kaya, pumunta na ako sa M12. Kaso nga lang joke lang pala, ang nangyare, nakipagkwentuhan ako sa aking friends.

Kasama ko si Karla. Tapos andun si Nikki. Dumating si Jedd at si Adrian. Kaso umalis din si Jedd, natira kaming apat, naglaro ng spot the different. Haha. Namiss ko din yung grupong yun. Roundpeeps:)))) Enjoy kasama yung mga yon, tapos, tinawanan din namen yung pic ni Adrian nung bata pa. Sana hindi na lang siya lumake. Haha. Napadaan si Charks, sumali sa lokohan, pero umalis din si Adrian, tapos si Charks tapos nagpaxerox ako ng Star Awards na form, pagbalik ko, nagkaroon na ng diaspora. Haha.

Pagkatapos nun, nagging busy ako dun sa pesteng Star Awards, buhay ko ang nakasalalay dun, pati ang buhay ng bagong laptop:)) Bumalik ako sa may Elec, andun si Adrian, nagmemeryenda kasama ang adviser, kapal o. Tapos nakipagkwentuhan ako kela Arvin, Ellaine, Jen at Fay habang busy sa paglalaro si Tomasa. Nakaklungkot yung kwento ko e. Pero natuwa ako sa mga pangyayari. Nagtawanan kami, tapos sumingit si Munik para mangopya nung para dun sa awards.

Pagkatapos nun, magpapapirma na sana ako, successful naman, kaso, ang mga sumunod na pangyayare ay nagging dahilan ng panlilimahid ko. Nanaman.

Ayun, etong si Adrian, Akala ko, nagpasama lang magpaxerox, yun pala nagpapirma na rin. Enjoy kasama si Ne e. Nakakpagod lang talaga. Inabot na kami ng practice sa Turn over, kaya naghiwalay na ang landas namin ni Ne.

Turn over. Kapartner ko ang “close friend” ni kamille Miranda at kapatid ni Bovier Sr. na si Bovier Jr. Alam talaga namin mejo may pagkalokoloko yun e. Pero kanina, tahimik siya. Okay lang, may natural na hiya ang mga tao e. In-interview naminxa ng konti. Pero konti lang. Tulad ng JolliHotdog ang food bukas at Children’s Party ang mangyayare bukas, hindi turnover. Enjoy ding kasama to si Bovier, nakipag apir pa nung tapos na yung practice. Sayang nga lang, baka di ko xa partner bukas:(

Natuwa ako nung uwian at ngayong gabi. Wag na magtanong kung bakit:))))

Mahal ko ang Franklin
Mahal ko si Jedd
Mahal ko si Kris
Mahal ko si Karla
Mahal ko si John Marc
Mahal ko si Adrian
Mahal ko ang Hertz
Mahal ko ang MaSci at ang mga tao dito:))))

Wednesday, March 04, 2009

I miss:)


Whoo.Sinabi ko na to dati e. Graduation na mga shong. Makipagbati sa mga nakagalit, gawin ang dapat gawin, magsorry na sa mga nagawan ng kasalanan at ingatan na ang dapat ingatan.

Totoo, hindi naging maganda ang past namin ni kat, pero, naging kaibigan ko siya. Wala na kong paki kung ano sasabihin ng ibang tao e. Kaibigan ko siya. Tapos. Namiss ko nga ang usapan namin e. Kulang pa yung nakikita mo jan sa pic na yan. Marami pa kaming napag-usapan. Marami tlga, naiyak nga ako e. Seryoso. Pinagtapat ko na ang dapat. Masaya. Ansarap ng feeling.

Yun lang muna.

Namimiss ko na si Kat, Kris at Karla:))

Tuesday, March 03, 2009

update

oy, update lang sa mga taong nagbabasa ng blog pero di nagtatag, bagong link si xy at pal. andun sa links. haha.

yun lang.

NEYSLOVEEEEEEEEEEEEEE:)

Masyadong masaya.

Sometimes the very thing you're looking for
Is the one thing you can't see


Masyado akong masaya ngayong linggo.

Nung Friday, 02.27.09, nakausap namin si John Marc si Pepe. Nakakatuwa yung pagreach out niya sa usapan. Matalino siyang kausap. Kahanga hanaga. Hindi basta basta. Kaya natutuwa talaga ako sa kanya.

Nung Linggo naman, 03.01.09, nagpunta si Cardinal Rosales sa La Paz Parish Church. Bukod sa Spiritual blessings na natanggap ko nung araw na iyon, natuwa din ako kay Vince habang bonggang bonggang nagvivideo ng mga pangyayari:)

Tapos, kahapon, pagpasok, akala ko periodic na. Hindi pa pala. Ganunpaman, wala pa ring klase. Same effect. Nakakatuwa dahil nakasalamuha ko na naman ang Newton-Hertz, si Mati at Mane. Hindi makakalimutan ang kulitang yon dahil kay pau na nilaglag ko ng bonggang bongga. Pero ang bottomline ng lahat, bulgar na bulgar na ako. Andun "siya" nun e. Salamat Pau, isa kang tunay na kaibigan! Haha.

Sa buong araw na yon, nawindang ako dahil sa hindi niya pagpansin at pagkausap sa akin. Akala ko tuloy nagalit na. Pero hindi naman pala. Nung last period na, nagpasama siyang bumili ng tracing paper. Maganda epekto nun sa mga kaklase ko, nagpabili na rin kasi sila.

Ayun, natuwa ako sa pag-iintay niya, ang aming mga usapan at higit sa lahat ang lahat ng oras na magkasama kami. Haha. Anlande, jusko. Kakaiba lang siya kahapon. Iba sa taong nakakasalubong ko sa school. Yung nakakasalubong ko kase, walang paki sa bagay bagay, puros sarili lang ang nakikita. Pero yun nga, iba siya kahapon. Namiss ko yung ganong Adrian:)

Sa ganong ugali lang niya siguro ako nasanay at yung ganong ugali lang kasi siguro ang nagustohan ko sa kanya. O diba, tunay na kaibigan ako o. Haha.

Periodic na kanina. Pero sa pag-uwi, sumabit pa kami sa McDo kasama si Tomasa Dear, Mama, DonnaKi, Vernisse at isang malaking sabit si ARVIN. Haha. Oy, eto a. Sinabi ko to sa kanila kanina e. Ayaw lang nila maniwala saken.

Mahal ko ang taong lagi kong binabanggit sa post na ito. Mahal na mahal:) Pero kung tatanungin man ako kung gusto ko mang lumampas sa pagkakaibigan ang lahat, isang malaking HINDI. Masaya na ako sa ganito, kuntento na. Naniniwala kasi akong nagwawakas ang lahat, pero ang pagkakaibigan hinde. Kaya nga para san pa ang sobrang kaligayahan kung alam mong matatapos din diba? Hindi ko alam kung bakit nawalan na ako ng tiwala sa pag-ibig, pero sa ngayon, naniniwala ako sa salitang yon, sadyang masaya lang talaga ko sa kung anuman ang meron ako sa kanya at ganundin sa kung anuman ang meron siya. Tapos. (ang gulo, jusme.)

Madrama. Malande. Bohaha:))

Tuesday, February 24, 2009

San Andres Baby ulit:)

Wala akong dahilan para magpost. Meron man, wala ring kwenta. Haha. Stupid:)

Wait meron pala akong n dahilan kung bakit.

* n= to number of reasons

yeah:))

1. gusto kong ipost lahat ng last days ko sa MaSci, dahil una, may Alzheimer's ako at pangalawa, para ipagyabang sa lahat ng ibang tao kung gaano kasaya ang buhay sa piling ng mga kaibigan, mga tao.

2. May isheshare ako. (Malamang)

3. Nagpapatagal ako sa harapan ng PC

4. Nagsasayang ng oras

5. Para naman may mabasa ang mga taong pumupunta sa blog ko na di naman nagtatag.
(wala po akong pinariringgan tulad nila Tomasa, Arvin at iba pang Franklin.)

6. Para may kabuluhan ang blog ko:)

Marami na masyado akong account dito sa internet. Naa-update ko naman sila kahit papano. Tulad nitong Blog at Multi, pag nagpost ako sa isa, automatic na yun dun sa isa. Yung Plurk na gabigabi ko rin kinakamusta alang alang sa Karma. Ang friendster, na sinasabing 'jologs' na daw ay may appeal pa rin naman sa akin. Ang facebook, na dahil mas sosyal at marami nang gumagamit e naupdate pa rin.

O diba bongga. Multitasking, Plurk lang ata dyan yung recent lang nagawa e. Pero awa naman ni Lord na awang awa na nga ata sa akin e, patuloy ko namang nabibigyang pansin yang mga acct na yan.

San Andres Baby ako kanina. Nahiya naman kasi ako sa mga kasabay ko mag LRT *ubovernissefredubo*. Marami pa akong way ng pag uwi e. Napili ko lang talaga magsan andres. Naalala ko tuloy yung sabi ni Palconichi, Makakauwi ako sa kahit anong paraang gusto ko. Tama ba? Nakalimutan ko ata. Shit. Stupid talaga:)

Kaya ko napili mag San Andres para makatulog, kaso nakapiling ko nga sa pag uwi etong si Palconichi the First kaya hindi nangyare ang utos ng puso ko.

Nagdaldalan kami ng bonggang bongga, nahiya nga ako dun sa tao e. Magkakilala kami, constituence (ingatan ang spelling) at kung anu-ano pa. Pero ako tong si daldal, parang walang hiya sa katawan. Nahiya talaga ako sa mga panahong nag-uusap kami. Di lang talaga halata. Haha. Enjoy si Palconichi the Second. No dull moments. No dead Air. (Yon o!) Nag-enjoy ako pauwi:)

Naglabasan na naman ang mga blogs mula sa iba't ibang taon. Natuwa Natawa ako dun sa isa, humalakhak ako sa isa. Halata kasing bitter na bitter at insecure siya. Kilala ko yung puntirya niya. At alam kong tama na malandi, bitch at kung anu-ano pa yung taong yon. Pero naman, sa apat na taon, halos ko sa MaSci, never akong gumawa pa ng blog at ipangalandakan sa ibang tao ang opinyon na nakakatapak na sa iba.


Meron man akong galit na isinawalat dito, personal yun! Kumbaga, below the belt na. Yung kay Bertol, apektado ako kaya ako nagreact. Yung kay Karla, away magkaibigan yun. Pero shit, yung ganung paninira, ay ewan ko sayo ate. Umiyak ka na lang habang naglalaro ng sport kung san ka magaling. (diba Franklin Girls [FG]?)(kala mo arvin, may FG, FB at siyempre, F:))


Ay ewan, tsaka ate, payo lang. Napagdaanan ko na yang dinaranas mo. Pagdating ng panahon, pagsisisihan mo rin yan lahat. May tatlong taon ka pa sa MaSci, marami pang pwedeng mangyare, tsaka ate, ienjoy mo yung natitirang panahon, wag kang magsayang ng oras (well, minsan di mapipigilan yon. haha.) Pero kung nag-eenjoy ka sa ginagawa mo, okay SUPORTAHANTAKA:DDD


PEPEHHHHHHHH is now going away. Byebye PEPEHHHHHHHHH<3

harhar. lande.
P.S.
PEPE OT is no ordinary person. Lalu na sa kanyang Unibersidad:)


Saturday, February 21, 2009

Happey:)

02.19.09

Drama Fest, nung una, lahat kami, nabubwisit, nagkakainisan, nababdtrip. Pero sinong mag-aakala na yung section na soooobrang barat pa ang mananalo ng award na maykinalaman sa Production Design?

Yun nga, nanalo kami ng 'Best Production Design' Award. Hindi namin in-espect yun. Kaya, nawindang kami ng bonggang bongga nung narinig namin yung results. Ang over-all winner, Copernicus for 'Muffled Screams'. Magaling talaga sila, no doubt, champion sila.

Wala kaming nakuhang acting awards kahit na lahat kami ay nagwish tlga na manalo isa man lang sa characters namin dahil siyempre, para sa amin, magaling talaga sila. Pero, yun nga, Isang award lang ang nakuha namin. Okay na yun:) Kahit kasi isa lang yuing nakuha naming award, masaya kami:)

At bakit? Kase, marami namng napasaya yung production. Marami talagang nag-enjoy at nagsabing production ng Franklin yung pinaka in-enjoy nila:) Masarap yung ganun feeling kahit na hindi ako isa sa characters. Sa katunayan, imbis na 'Muffled Screams' ang magpepresent sa lower years, kami na lang daw. Mas nagustuhan kasi ng masa ang production:) Haha. Kayobongan:D

Isa pang naging pinaka award namin ang panonood at pagpapasaya nung play kay sir Z. Sabi ni mam Soriano, madalang lang talaga manood si Sir Z ng mga presentation, kaya in-announce pa niya nung nanood siya:) Natuwa din kami dahil natuwa talaga siya sa play. Tapos, nung nanalo pa kami at dumirecho sa room niya, i mean, homeroom namin (haha) nasiayahn siya okay na yun:)

02.20.09

Prom sa gabi, pero dahil masyadong mabait ang mama ko, pinapasok niya ko, grabe. Akala ko hindi aabot sampu ang Franklin, pero nagulat na lang kami na pinakamarami na kami, 15 kami e. Haha. As usual, walang ginawa, tapos, dahil pa sa tulong ni Sir Z, maaga-aga na kaming nakauwi:)

Ayun, prom na. Sinalubong ako ni John Marc, tapos, dumirecho na rin ako sa Franklin, siyempre, nag-iba ang itsura ng karamihan. Magaganda siyempre lahat:)

Nagkwentuhan, tapos nun speeches tapos kain tapos, ayun, sayaw na. Nag sayawan ang magshushuting. Pero malamang nagsayaw din ang hindi naman magshuting tulad namin ni Arvin. Oha. First Dance mehn:) Nahiya lang ako sa mga katabi namin dahil real life lovers sila, hindi tulad ng nasa paligid namin. Haha.

E, nagrock na ung tugtog, nag-upuan na kami. Mahaba pa yung program na sumunod. Tapos nun, nung sayawan na, ang tugtog e puro rock kaya party people lang ang nasayaw. Medyo nabore talaga kami e. Tapos nagsayawan na ulit nung patapos na.

Nga pala, natapos na rin ang lahat ngayung gabi. Nagkabati si Imman at Palconit, nagsayaw pa sila! Haha. Tapos, ganun din kami ni Karla:) O diba Imman, ayus na!:DDDD IMissYouSoMuch girl:)

Nagpunta rin sa prom si PEPENG OT<3333333. Crush ko yung hayup na autistic na yun e. Masyado siyang close sa estudyante niya, nakakatuwa. May itsura naman talaga siya, muka nga lang talagang OT pag tumawa, haha, sige, cute na rin:) PEPENG OT is loooove:)

Nagsayawan na the rest of the night, at, NAGSAYAW KAMI NI NIKO mehn:) yes, ni request pa ko ni Egay Fojas para isayaw. Ganun ako kalakas! Haha. Nagkaroon din ng bonding moment with Franklin, Hertz, ilang Ruther at Honesty. Kahit papano ay naging masaya ang gabi ko:)

Hay, bilang na ang araw ko sa MaSci, kaya hangga't maaari, sulitin na natin. Gawin ang gustong gawin. Kausapin ang dapat kausapin. Makipag-ayus
sa mga naka-away. Maglandi sa gustong landiin. Basta dapat, maging memorable ang
huli nating mga araw. Hindi na natin maibabalik to e. Kaya sulitin na natin
hangga't pwede:)

Wednesday, February 18, 2009

the about me's

FULL NAME: Jeremae Divinagracia De Guzman
Age: 16
School: Manila Science High School
College: PLM:)
course: Psych:)

TEN ARE YOU'S:
1. Are you single - Yes
2. Are you happy - Yes
3. Are you bored - No
4. Are you sad - No
5. Are you Italian - No
6. Are you German - No
7. Are you Asian - Yes
8. Are you Cool – I hope so. Haha.
9. Are you Irish - No
10. Are your parents still married - Yes

TEN FACTS:
1. Birth Place - Manila
2. Hair Colour - Black
3. Hair Style – kulot na layered
4. Eye Colour - Black
5. Birthday – Jan 29, 93
6. Mood - Content
7. Gender - Female
8. Lefty or Righty - Righty
9. Summer or Winter - Winter
10. Morning or Afternoon - Morning

TEN THINGS ABOUT YOUR LOVE LIFE:
1. Have you ever been in love - Yes
2. Do you believe in love at first sight – Sometimes. Haha
3. Why did your last relationship fail – Simply because forever doesn’t exist.
4. Have you ever been hurt - Yes
5. Have you ever broken someone’s heart - Yes
6. Are you in Love - Yes.
8. Are you afraid of commitment – A little
9. Have you hugged someone within the last week - Yes
10. Have you ever had a secret admirer – None, takot sila:)

TEN HAVE YOU EVER'S:
1. Been caught sneaking out - Nope
2. Fell down the stairs - Yes
3. White water rafted - No
4. Finished an entire jaw breaker - No
5. Wanted something/someone so bad that it hurts?- Yes
7. Skipped School - No
8. Wanted to Disappear - Yes
9. Been to a concert- Yes
10. Mailed a letter - Yes

TEN PREFERENCES:
1. Smile or Eyes – Both:D
2. Light or Dark Hair - Dark
3. Hugs or Kisses – Both:
4. Shorter or Taller - Taller
5. Intelligence or Attraction - Intelligence
6. Jock or Nerd - Jock
7. Hook-up or relationship - Relationship
8. Funny and poor OR Rich and serious - Nawindang. Pero okay na yung Funny.
9. Play the guitar or into sports - Sports
10. Religious or devilish?- Religious:))

TEN LASTS:
1. Last Phone Call - Vince
2. Last phone call you received – None.
3. Last person you hung out with – Franklin<3
4. Last person you hugged – Velina
5. Last person you IM'ed? - Ellaine
6. Last thing you ate? - Fish
7. Last thing you drank? - Water
8. Last site you went on - Blogger
9. Last place you were - School
10. Last person who scolded you- Mother

RELATIONSHIPS:
1. Are you in a committed relationship - No
2. Do you want to be – Not sure
3. Have you ever loved someone- Yes
4. Do you still love them – them? “him”. YES.
5. Have you ever fell inlove with a friend/ best friend- Yes. Probably.

FRIENDS:
1. Do you secretly hate one of your friends - No
2. Do you consider all of your friends good friends – Sometimes no.
3. Do you trust all your friends - No.
4. Who are/is your bestfriend(s) – FS featured friends:)
5. Would you die for them - haha if the occassion calls for it.
6. Who knows everything about you – GOD. Hyess:))
7. Did you lie during this survey - No.
8. How many questions did you lie about- No nga eh haha.
9. How many people will know your lying - very few probably.

Tuesday, February 17, 2009

alay lakad

02.17.09

Nakaschedule ang kalahati ng Franklin na magDTI ngayon. Nung una, ang alam ko, 2 grupo lang, meaning more or less e sampu lang kami. Pero yun nga, mali ako. Kalahati ng Franklin. 17 kaming tao na nagkitakita sa McDo. At dahil nga marami kami at the more the merrier ang pinaniniwalaan namin, sabay sabay kaming nagtungo ng Makati.

Dalawang sakay papunta don. Unang sakay. Maarte yung iba, kaya ayun, nagdalawang jeep. nakakatuwa lang dahil sa tuwing magkakasabay yung dalawang jeep, para silang tanga na humuhiyaw pa. Haha. Nagkitakita kami sa Gil Puyat. Medyo exciting at masaya yung parteng iyon.
Una: May taong grasang pagala gala. Grasa talaga. As in. Tapos kung bibitawan pa niya yung shorts nia, malamang e nakita na namin ang kaluluwa niya. Pangalawa: malawakang jaywalking. Hindi ako taga-Makati pero metro lang ang layo at Makati na mula sa bahay namin. At alam kong SOBRANG bawal ng jaywalking. Pero ayun nga, masaya e. Nagjaywalking kami. Masaya. haha.

Pangatlo: Ang barker na kabayo pag gabi. Ewan ko pero nasobrahan ata sa Vetsin si ate e. Sobrang sigla niya. Grabe. Tinalo pa niya ang 10 kabayo na pinagsamasama:D Haha. Tapos, wala pa akming masakyang jeep, kaya nung may malapit na jeep, pinuno lang naman namin siya. Para lang kaming nagfieldtrip. This time, sabay sabay kami sa isang jeep. At masaya.

Nagsara yung pesteng DTI library, 2 pa ang bukas. No choice, tambay kami sa Glorietta. Pero masyado kiaming adventurous. Kaya nilakad namin mula DTI hanggang Glorietta. Grabe, nagmukang disyerto ang Makati, at kami? Camel!

Awa ng Maykapal, nakarating kami ng Greenbelt, tapos Landmark at Glorietta. Mganda ang mga sumunod na nangyari, pero may pangyayaring hindi maganda. Medyo nag-aklas ang mga damdamin ng lahat dahil sa... basta. Tapos nun, yung iba, bumalik ng MaSci kami naman, nagstay pa sa DTI. So yun.

Monday, February 16, 2009

ang sorpresa:)

02.14.09

Nangyari na rin ang pinaka aabanagan ng FRANKLIN:). Ang pinakahihintay na Valentines-NewYear-Christmas-ZTeacher's Day-Birthday Gift namin sa kanya:) Okay ganito ang nangyare.
Nagkasundo ang Franklin na magkitakita sa MaSci, buti na lang asa McDo etong si Sir. Hindi pa exciting yuing parteng yon. Tuloy kami sa pagset-up. Sulat, design, gupit, dikit. Pero, ang look out na si Jael na nasa McDo rin, sinabing papunta na sa MaSci si Sir. Dun nagsimula ang excitement. Haha. Grabe. Takbo kami sa kung saan-saan para lang di makita si Sir. So yun, tuloy na naman ang gawa. Yung boys, nasa Paco Park para kumuha ng kalachuchi. Take Note: Valentines tapos kalachuchi. Haha. After some time, bumalik na rin sila dala ang petals:)

Nagsimula na kaming magset up. Pinabantayan si Sir, at nagkalat ng bulaklak mula sa gate hanggang sa quad. Nagkaroon ng emergency kaya di nakapunta si Ne, Mati at Mang Danny pero naging matino pa rin.

Pinatawag namin kay Mam Carlos si Sir. Tapos, nasa stage kami dala ang banner, gifts at paputok. haha. Alam ko namng naiiyak siya e. Ayaw niya lang sabihin. Haha. Hindi namin laam kung natouch ba talaga siya. Pero sa itsura niya, malamng sa malang. Haha.

Pagkatapos nun, lumabas ang buong Franklin. NagKFC tas nagRob. Ansaya nga e, for the first time e nagkasabay sabay kami:) Masaya ang Hearts Day ko. Hindi man kasama ang someone, nagsaya pa rin ako with Franklin. Ansaya talaga:)

02.16.09

Natuwa naman ako ng bonggang bongga. Haha. Eto naman kasing si Mane, antawag sakin date, PMAE:) - princess mae. Ganun siya kacorny, at ang explanasyon? Sila pa ni Ainna nun, queen niya si ainna, pero dahil mahal niya ko, princesss niya ko. Shit talaga. Haha. Pero yun nga, wala siyang queen ngayon e. Kaya ako na muna. Harhar. Labyou Mane:)

Matagal tagal ko nang namiss ang Mane na kausap ko kanina. Natuwa ako sa kanya ng bonggang bongga. Kaso nga lang. etong loko, hindi na aattend ng prom. Ewan. Bahala siya:)

Yown.
Masaya ako ngayon. Noon, ngayon at magpakailanman. Haha.
Walang pasok bukas. Propsgirl:)

Ilabyou Franklin.
Ilabyou Mane:)

Friday, February 13, 2009

Pre-Valentines Post

Friday the 13. Malas daw. Medyo lang. Pero hindi talaga.

Ayun, natuloy din ang plano ni Ben. Naibigay din ng bonggang bongga ang malaking kisses:) salamat sa tulong ni Sir Zac na malande, Newton friends, at ni Bespren. Akala namin nung una, papalpak na. Pero hindi naman. Haha. Akala mo ako yung nagtapat e no?

So yun nga, sa mga ganitong pagkakataon, ngkakalapit talaga kaming tatlo parati. Ako, si Ben at Bespren. Laking pasalamat ko pa tuloy sa Mahal ni Ben. Pero naging parang timang lang talaga ang lahat. Tinawag ni Sir yung Mahal ni Ben, malamang andun ako at ang Newton Friends. Si sir, hindi pa maka-acting ng ayos, andun daw kasi ako. Tawa ng tawa. Ayun, natawa tuloy siya, di niya napigilan. Tapos, nasa loob si Mahla ni Ben, ang di nia alam, si ben, nasa maliit na tulugan ni Sir. Lumabas siya at ibinigay ang regalo.

Ewan, mas kinilig pa ata si Sir kesa sa amin. Kinulit niya kase ng kinulit si ben. Kung naka score na daw ba. Grabe to si Sir. Malande. Pero siyempre, hindi na nireplayan ni Ben dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Naku talaga. Ang hindi alam ni sir. Siya naman ang gagawan namin ng surprise bukas. Sana nga, masurprise siya:))

Baka pala matapos ang araw, siyempre, chismisan ulit kasama siya. Bukod sa pangungulit niya e, nagtanong tanong na rin ako..

Ako: Sir, anong favorite color mo?
Sir Z: Anything goes (*tawa*)(*tawa*)(*tawa*)
Ako: may ganun pang nalalaman, ano nga sir!
Sir Z: umm.. si Jake o kinikilig, BLUE. (*tawa*)
Ako: anu bang meron at tawa ka ng tawa ha sir? (*tawa*)
Sir Z: wala lang.. si Jake kasi, kinikilig..
Ako: If i know kinikilig ka rin sir e! iniimagine mo si dreamgrl haha.(*tawa*)
Sir Z: pano mo nalaman yun ha?
Ako: sikreto! (*tawa*)
Sir Z: (*tawa*)(*kilig na ngiti*)
Ako: E favorite song?
Sir Z: songhits.
Ako: anak ng, Mane! si sir bumabanat!
Kaming lahat: (*tawa*)(*tawa*)(*tawa*)
Sir Z: pinagtatawanan nio ko ha.
Ben: hindi, kinikilig kame. (*tawa*)
Ako: ano nga favorite mo sir!
Sir Z: mga rey valera, rico puno, ganun. ung slow lang(*tawa*)


hindi ko rin lubusang malaman bat ba kami tawa ng tawa kahapon. Malamang lamang e dahil yon kay Ben. Haha. Valentines nga kase:)

Happy V-day!

Thursday, February 12, 2009

maligayang araw ng mga puso.

Wala pang 13 o 14. Pero mauuna na ako.

Happy Valentines Day!

Naku habang tumatagal ata e Humahaba na ang listahan ng mga lalaking close ko na mas malandi pa sa babae. Talaga naman. Haha. Si Pao Erald Fred Jake at bagung bago, si Sir Zac. Haha. Kakaiba din talaga ang mga lalaking to e no? Pero since Valentines nga kasi, lumalabas ang mga totoong kulay. Harhar. Anyways, hindi ko iniexpect na mpapagod ako ng bonggang bongga ngayong araw.

Kakatapos pa lang ng CS. So akala ko, uwian na. Matutulog sana ko, tatlong sobrang habang oras lang naman kasi ang tulog ko. Pero yun nga, mali ako ng inakala, nasa Second Floor pa lang ng Main si Ben at Bespren, kitang kita ko na sila. At alam ko na kagad na may gagawin at pupuntahan na naman kami.

Ayun, hindi ako nagkamali. Nagpasama si Ben sa Rob para sa regalo niya sa Mahal niya. Okay lang naman sa kin e. Handa kong ipagpalit ang tulog ko sa mga kaibigan ko. Oha. Haha. That's what friends are for. Ayun nagrob nga kami, pero malamang lamang kinakabahan si Ben, sa kung paano nia ibibigay. At naisipan namin na kunchabahin si Sir Zac.

Pumunta kami ng MaSci at doon nakita si Arvin at Javier na naghihintay sa ibang FB. Kaming tatlo, kinausap na si Sir Zac etong si Sir, may bahid ng kalandian e. Mas kinikilig pa ata samen nila Bespren at Ben yun. At dahil nga sa angking kalandian ni sir, ayun, isasagawa na bukas. Harhar talaga. Tapos, nagstay kami saglit dun sa FB. Medyo pagod sa mahabang lakaran, pero ayus lang. Mga kaibigan yan e. Oha.

Gudlak kay Ben.
Mahal kita Bespren.

Yak, lande.

Gnyt~

Tuesday, February 10, 2009

cheese hopia

Natawa na lang ako sa reaksyon ng clasmates ko dun sa cheese hopia na dinala ko kahapon, akala ko naman kasi, normal lang. Pero dahil na rin dun, mag-eendorse ako, bumili kayo ng Cheese Hopia sa Sonia's sa Tagayatay. Masarap. Swear.

Currently listening to: Save the Best for Last by Vanessa Williams.


Yan yung latest lyrics na naipost ko. Wait, warning: landi post coming. Haha. Napapangiti talaga ako pag naririnig yan e. Cool. Sobra. Sapul mula simula hanggang ending. Hayup. haha. Halos lahat ata ng nasa pesteng kantang iyon e nangyare samen, bukod sa "you go and save the best for last". Ahaha. Shit, bat gnun, anlande.

Habang lumilipas ang mga araw, ayun, papalapit na ang graduation. Next week lang, turn over tapos drama fest, tapos prom, tapos periodic, tapos FAT, tapos practice ng grad, tapos grad. Shit, ambilis lang talaga. Kung pwede ko lang talaga ibalik kahit isang buwan lang okay na.

Alam mo kung bakit? Nag-enjoy ako ng sobra sa apat na taon ko e. Pero sa post muna na 'to, focus ako sa Franklin.

Aamin ako, nung March at April last year, nawindang ako sa section ko. Parang Franklin? Bat naman ganun? Walang gustong makipagpalit saken kase nga Franklin. At, grabe katapat talaga nun ang hindi magagandang salita. Akala ko, hindi ako mag-eenjoy. Akala ko, mabibilang lang ako sa maliit na grupo kung saan outcast ang hindi tulad ng karamihan. Iniisip kong mahihiwalay ako sa iba, taong hindi makakakausap sa boys, ietchapwera ng girls at etc.

Ngayon, hindi ko sinasabing lahat, pero karamihan ng premonition ng ibang tao at premonition ko e nagkatotoo. Totoo ngang puros kalokohan, at hindi magagandang pangalan ang nakakakabit sa min ngayon, totoo ring hanggang ngayon e napatunayan ng ibang tao na buti na lang at hindi sila sa franklin napunta. At totoo rin, na laman kami ng iba't ibang balita.

Pero, panlabas yon, kumbaga, yon ang image namin sa ibang tao. Yun yung tingin ng ibang tao. Pero para sa akin, ewan ko lang sa iba. Nasiyahan ako sa Franklin. Nung una, nahati kami sa 4 na grupo. Ang Main Boys, Main Girls, Politicians at yung huli, parte talaga ng main e, nahiwalay lang dahil kay Buri. haha Buri. haha. Sa pangalan pa lang, alam na. Pero malamang lamang, nag-iba ngayon. Merge na lahat, ang nakakalungkot lang, hati pa rin minsan, main Boys at Main Girls.



Pero okay pa rin. Girls na talaga ang mula nung una e kasama ko talaga.Yun sila Mama, Ivo, Vernisse, Ellaine, Fay, Tomas, Baby Ja, Pinar, Jen lang yung mga kasaksama ko dati e. Ngayun, halos lahat naman ata e, masarap ko nang nakakkwentuhan maliban nga lang ke Mong. Tumawa, tumambay, magcram at makipagchismisan kami. Mapag-usapan ang lahat ng kwentong alam. Lately na lang ng mapalapit ako sa boys, nakipaglokohan, biruan, kwentuhan at chismisan na rin. Sila Arvin, Imman, Day, Pao yung mga sa ngayon e nagshshare na ng parte ng mga pagkatao nila. Sila Javier, Laiz at JA naman e, okay na din dahil dalawang taon ko na sila kasama. Si Fred na 3 taon ko nang nakakausap, ang pinakamamahal kong si Ubas na ubod ng bait at ang grupo nila Romill na bonggang bonggang characters ng SpongeBob. Natuwa ako talaga.



Shit, putol na muna ako dito. Masyadong mahaba. Bukas na ang continuation.



P.S.

Mahal na mahal ko rin ang nag-iisang Zacarias Bangayan:)